Kabanata 1

235 2 0
                                    

Chapter 1

Apricity Shae Buenavista

"HOY ASHA!! BUMANGON KA NA DYAN AT MAGLUTO NA!! HINDI KA PRINSESA DITO PARA HUMILATA PA DYAN!!" nagising ako sa sigaw ni mama na nanggagaling sa labas ng aking kwarto. 

Pinilit kong bumangon kahit masakit ang katawan ko dahil sa natamo kong bugbog kay mama.

Binuksan ko ang pinto at bumungad sakin ang isang sampal. Napabaling naman sa gilid ang aking mukha sa lakas ng sampal nito sakin.

Mukhang kailangan ko na naman bumili ng concealer.

"Talagang namumuro ka na saking babae ka!!! Anong oras na hindi ka pa din bumabangon?! Gutom na gutom na ako dito tapos paggising ko wala pa ding nakalutong pagkain!!" sigaw niya sakin.

Yumuko na lang ako dahil di ko kayang makita ang galit sa mukha niya.

"Pasensiya na po, ma. Maghihilamos lang po ako tapos magluluto na din." mahinang saad ko dito habang nakayuko.

Hindi na siya nagsalita at umalis na lang sa harapan ko. Narinig kong bumukas ang pinto ng aming bahay at malakas na sinarado ito.

Mukhang sa kapitbahay na naman ang punta ni Mama.

Bumuntong hininga ako at kinuha ang cellphone ko sa tabi ng aking higaan at tiningnan ang oras.

"11:13 am na pala. Kaya pala galit na galit na naman si mama sakin." bulong ko sa sarili ko.

Palagi na lang ganito ang umaga ko. Kung hindi sampal...sabunot naman ang bubungad sakin.

Pumasok na ako sa banyo ng kwarto ko at naghilamos, nag toothbrush na din ako at naglagay ng concealer sa pisngi ko para matakpan ang pamumula nito.

Lumabas na ako ng aking kwarto at pumuntang kusina para magluto ng tanghalian. Binuksan ko ang refrigerator namin at tanging manok at iilang gulay na lang ang natira, tulad ng papaya,ang nandoon kaya napagdesisyunan ko na magtinola na lang.

Pagkatapos kong magluto ay kumuha na ako ng pinggan at baso para kumain. Mauuna na akong kumain dahil alam kong ayaw akong kasabay ni mama sa hapag kainan.

Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko at naligo dahil kailangan ko na naman humanap ng trabaho.

Ang dati ko kasing trabaho ay sa isang coffee shop. Isa akong waitress doon pero dahil sa kamalasan ko, napatalsik ako ng aking amo.

Hindi ko naman sinasadya na matapunan ng kape yung babae.

Napakaarte kasi. Nagsorry na nga ako kahit di ko naman sinasadya, bigla na lang kasi siyang tumayo nung ilalagay ko na sa mesa nila yung inorder nilang kape ng kasama niya.

Nasampal pa ako ng walanghiya.

Dahil na din sa maimpluwensiya yung babae kaya napatalsik agad ako. Dalawang buwan pa lang akong nagtatrabaho sa coffee shop na yun pero ganun na ang nangyari.

Maliit na coffee shop pa lang kasi ang napagtrabahuan ko, mukhang kakatayo pa lang kaya ganun. Ayaw ng may ari na magkaroon agad ng bad image ang coffee shop nila.

Pero tama bang alisin agad ang trabahador nila?

Hayy!!Bakit ba pinag uusapan pa ang nakaraan.

After kong maligo, nag ayos na ako at nagbihis. Tinakpan ko na din ng concealer ang mga pasa ko sa katawan pati yung sa pisngi ko.

Dapat pala di ko muna nilagyan kanina ng concealer pisngi ko, nasayang tuloy.

Nag iwan na lang ako ng sulat sa lamesa kahit alam kong di rin babasahin yun ni mama.

CODE SERIES 1: KENNEDY SID CHAVEZ (THE RUTHLESS MAFIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon