Kabanata 60

102 4 1
                                    

Chapter 60

Apricity Shae Buenavista

"Daddy?" napabitaw kami sa isa't isa nang marinig namin ang boses ni Cian. Napalingon ako sa likod ko at nakita ko doon ang anak ko na nakatulala sa ama niya.

"C-cian." nanginginig ang boses na tawag ko dito. "Come here, anak." pinalapit ko ito sa pwesto namin.

Nang makalapit ito ay agad ko itong pinaupo sa kandungan ko. Nanatili naman ang tingin nito kay Sid.

"S-son." napatingin ako kay Sid at nakita ko itong naluluhang nakatingin sa anak namin.

"D-daddy!!" naiiyak na nagpababa ito at pumunta kay Sid. Hagulgol ng mag ama ko ang maririnig sa loob ng bahay kasama na ang mumunting hikbi na lumalabas sa bibig ko.

Napatakip ako sa bibig ko para hindi lumakas ang hikbi ko habang pinapanood ang dalawang magkayakap.

Hinahalik halikan ni Sid ang ulo at noo ng anak ko habang umiiyak ito.

"I'm sorry, Kassimir. I'm sorry for failing as your father." umiiyak na saad ni Sid.

"I already f-forgive you, daddy. " nanginginig ang boses na sagot ng anak ko.

Nakarinig ako ng malakas na iyak sa kwarto at nanlaki ang mga mata ko nang maalala ang isa ko pang anak. Dali dali akong pumunta sa kwarto at nakita ko ang bunso ko na umiiyak na.

Agad ko itong binuhat at sinayaw sayaw para patahanin ito.

"He's my younger brother, daddy. His name is Keisso Shenne Buenavista." napatingin ako sa may pintuan at nakita ko ang anak ko na hawak hawak ang kamay ni Sid at tingin ko ay hinila niya ito papunta dito sa kwarto.

Nakatulala lang si Sid kay Keisso na buhat buhat ko. Subo nito ang kanyang daliri habang nakatingin din sa ama niya.

Unti unting ngumiti si Keisso at inabot ang maliliit nitong braso kay Sid na animo'y gustong magpabuhat nito. Dahan dahan naman akong naglakad palapit sakanila at inabot ang anak ko kay Sid.

"Buhatin mo daw." may maliit na ngiti sa labi na sambit ko dito.

"I...I'm scared that he might f-fall." kinakabahang saad nito.

Tinawanan ko ito ng mahina at tinuruan siya kung paano buhatin ang bata. Marahan niyang binuhat ito at isang memorable na pangyayari ang naganap.

"Da...da." napaluha ako nang marinig ang unang salita ni Keisso. Napatingin ako kay Sid at naluluha din itong nakatitig sa anak namin.

Anak namin.

Napangiti ako.

"C-can you say d-dada again, son?" nakangiting saad ni Sid. Bumungisngis naman ito at inabot ang pisngi ng ama niya at pinanggigilan ito.

"He just say his first word, mommy." yumakap sa may bewang ko si Cian at nakangiting nakatitig sa kapatid niya at sa ama niya.

"I know, baby."niyakap ko ang isang braso ko dito.

Tumingin samin si Sid.

"Thank you." sambit nito na walang tunog. Ang mga mata nito ay kumikinang sa tuwa at ang mga ngiti nito ay umaabot sa kanyang mga mata.

Ngumiti ako dito at tumango nang marahan.

Pinalapit niya kaming dalawa sa kaniya kaya lumapit kami dito at niyakap niya kami nang mahigpit.

"Thank you,cuore mio. Thank you for bringing me this kind of happiness." bulong nito. Bahagya ako nitong nilayo sakaniya at tinitigan ang mga mata ko." Let me make it up to you, cuore mio. Let me enter you world again, but this time, I'm not making the same mistake as before. Let's start again, cuore mio." hinaplos nito ang pisngi ko gamit ang isa niyang kamay.

CODE SERIES 1: KENNEDY SID CHAVEZ (THE RUTHLESS MAFIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon