Kabanata 49

72 2 0
                                    

Chapter 49

Apricity Shae Buenavista

Nasa Pilipinas kami ngayon at kasalukuyang pinapanood na ilibing si mama. Kasama ko ngayon si Papa at si Cian na umuwi ng Pinas.

Si Frei ay may kailangan pang asikasuhin kaya sa susunod na buwan pa siya makakauwi dito.

Tatlong araw na din ang nakakalipas nang mamatay si mama. Agad din kaming umuwi ng Pinas para asikasuhin ang libing nito. Magang maga na ang mga mata ko sa kakaiyak.

Ang anak ko naman ay dinadamayan ako dahil wala akong tigil sa pag iyak sa sobrang sakit ng nalaman ko.

"Mommy, is Lola going to heaven?"napababa ang tingin ko nang magsalita si Cian. Nasa gitna ko siya at pinapanood ang paglagay ng kabaong ni mama sa ilalim ng lupa.

"Yes baby."sagot ko.

Paos ang boses ko at halos hindi ako makahinga at makapagsalita ng ayos dahil sa sipon na bumabara sa ilong ko dahil sa walang tigil na pag iyak.

Nang mailibing na si mama ay nag stay muna kami doon ng ilang minuto bago napagpasyahan na umuwi na. Sa bahay kami ni papa nananatili ngayon.

Gustuhin ko mang sa bahay namin dati ay hindi ako pinayagan ni papa. Matapos ang nangyaring pagpatay kay mama ay natatakot si papa na baka pati ako ay patayin.

Si Ria naman ang inatasan kong magbantay sa bakeshop ko. Siya lang ang pinagkakatiwalaan kong tao. Isa itong working student at napunta lang sa Sweden dahil sa taong nang iscam sakaniya.

Nang makarating kami sa bahay, agad kong binuhat paakyat si Cian dahil nakatulog na din ito sa kotse. Si papa naman ay hindi namin kasama dahil may kailangan pa daw itong gawin.

Habang nasa kwarto ako ng anak ko at nakaupo sa tabi nito, nakaisip ako ng plano para hindi ako mainip dito. Kinuha ko nag cellphone ko sa shoulder bag na dala ko.

Nag search ako online kung may lupa bang binebenta malapit dito sa bahay o kahit dito lang sa lugar namin.

Nakakita ako ng medyo malawak na lupain na ipinagbebenta ng may ari na medyo malapit dito kaya agad ko itong tiningnan at sinuri kung totoo ba ito o scam lang.

Tinawagan ko ang may ari at nagtanong kung open pa ba ang offer nila at sinabi nito na open pa naman kaya agad ko itong sinabihan na magkita kami sa malapit na mall dito para mapag usapan ang details.

Pumayag naman ito kaya sinabi kong bukas ng umaga ay magkita kami.

Kinabukasan ay agad akong nag ayos at sinama ang anak ko. Nagpaalam na din ako kay papa na may kikitain lang at pumayag naman ito pero may kasama naman akong bodyguards.

Nag makarating kami sa mall ay agad ko itong hinanap. Nilapitan ko naman ito. Busy ito sa pagcecellphone kaya hindi ako agad nito napansin.

"Excuse me,miss?"nag angat naman ito sakin ng tingin.

"Uhm hi?"nakangiwing saad nito.

"Ako pala yung tumawag sayo kahapon."nagulat naman ito.

"Oh sorry. Hindi ko agad napansin. Btw, I'm Janine Keith Morales." inabot naman nito ang kamay niya kaya nakipagkamay din ako dito.

"Apricity Buenavista and this is my son, Kassimir Cian Buenavista"alam kong nagtataka kayo kung bakit hindi ko pa ginagamit ang apelyido ni papa.

Ayoko lang kasing madamay sa gulo nila kapag nalaman nilang anak ako nito. Iniiwas ko din ang sarili ko doon dahil hindi lang ako ang madadamay kundi pati na din ang anak ko.

"Hala!! Ang cute mo naman ang gwapo gwapo mo pa!!" pinantayan nito ang anak ko at pinisil ng pisngi nito.

Ngumiwi naman ang anak ko at agad na inalis ang kamay ni Janine.

"It's hurts!!"inis na saad ng anak ko bago napasimangot na hinihimas ang pisngi.

"Ayy sorry. So tara na?"umayos ito ng tayo at naglakad na kaya sumunod ako.

Nang makarating kami sa isang milktea shop sa labas ng mall, agad kaming naupo doon.

"Do you want something,baby?"tanong ko sa anak ko. Nakaupo ito sa tabi ko at nagtitingin tingin sa paligid.

Bumaling naman ito ng tingin sakin at umiling.

"So, kukunin mo ba yung lupa? Hehehe kapos kasi ako ngayon kaya no choice ako kung hindi ibenta yung lupang pinaghirapan ko ding bilhin."malungkot na saad nito.

Naawa naman ako dito.

"Ganun ba? I'm sorry. Need ko lang kasi ng lupang pagtatayuan ng bakeshop ko. If you want, pwede kang mag apply sakin hanggang sa makaipon ka ng pera pambili ng bagong lupa."nagliwanag naman ang mga mata nito at agad na hinawakan ang mga kamay ko.

"Talaga?! Naku hindi ako tatanggi. Kailangan na kailangan ko kasi talaga ng pera eh."nakangusong saad nito.

Napatawa naman ako dito.

Maganda ito at morena. Hindi man katangusan ang ilong ito pero bumagay naman sa mukha niya.

Ilang oras pa kaming nagkwentuhan bago ito nagpaalam na aalis na dahil may gagawin pa daw ito. Binigay ko sakaniya ang contact number ko at sinabi kong tawagan ako kapag ayos na ang kontrata ng lupa.

Umuwi na din kami sa bahay pero bumili muna ako ng pagkain at laruan na gusto ng anak ko. Kung ano ano na naman aksi pinagtuturo nito kaya pinagbigyan ko na.

Pagkauwi namin ay agad kong pinatulog ang anak ko. Sumunod na din ako sa pagtulog dahil sa pagod pero nag update muna ako kay Frei dahil nangungumusta din ito.

Nagising ako bandang ala sais ng hapon kaya bumangon na ako at dumiretso sa kwarto ng anak ko. Nadatnan ko itong wala doon kaya agad akong bumaba para hanapin si Cian.

Nang makababa ako ay nakahinga naman ako ng maluwag nang makita itong nakikipaglaro kay papa.

"Mommy!!" ngumiti ako dito nang tawagin niya ako.

"Hello, anak, pa."bati ko sakanilang dalawa. Ngumiti naman si papa at binati ako pabalik.

Hinalikan ko naman sa noo ang anak ko at nagmano naman ako kay papa.

Nakaupo silang dalawa sa sahig at naglalaro na naman ng toy cars. Buti na lang at pumapayag si papa sa gusto ng apo niya.

"Sharon's cooking na anak. No need for you to do that."pagpipigil sakin ni papa nang mapansin na pupunta ako sa kusina.

"Tutulong na lang po ako,pa."saad ko.

Wala na itong nagawa dahil dire diretso na akong pumunta ng kusina. Naabutan ko doon si Ate Sharon na naggagayat ng mga sahog.

Tumulong ako sakaniya hanggang sa matapos kami. Naglalagay na ako ng mga pinggan at baso sa lamesa para makakain na din kami.

Nang matapos ako ay tinawag ko na sila papa para ayain na kumain na.

Masaya kaming kumakain dahil sa kaingayan ng anak ko. Pati na din ang mga katulong na nandito ay aliw na aliw sa kakulitan nito.

Nang matapos kami sa pagkain ay tumulong ako sa pagliligpit bago linisan ang anak ko.

"Cian, anak let's go na. Need mo na magsleep."tawag ko dito.

Hihikab hikab naman itong bumaba sa bisig ni papa. Nakakandong kasi ito at nanonood ng SpongeBob SquarePants. Binuhat ko na ito at nagpaalam na kay papa.

Pagkatapos ko itong linisan ay pinatulog ko na din ito bago ako pumasok sa kwarto ko at ginawa ang night routine ko.

Napahikab ako dahil sa antok kaya dire diretso akong sumalampak sa kama ko at natulog na.








CODE SERIES 1: KENNEDY SID CHAVEZ (THE RUTHLESS MAFIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon