Kabanata 8

114 1 2
                                    

Chapter 8

Apricity Shae Buenavista

"How are you?" tanong ni Samantha. Napatingin naman ako dito at ngumiti. Sumulyap naman siya sakin at ngumiti pabalik. Agad din naman niyang binalik ang tingin sa daan dahil nagdadrive siya at baka mamaya maaksidente pa kami.

"Ayos lang, wala naman nagbago." sagot ko sabay tingin sa labas ng bintana ng kotseng sinasakyan ko.

Si Samantha, ang nag iisa kong kaibigan ang may ari ng kotseng tumigil sa harap ko. Magkaibigan na kami simula preschool pero nagkahiwalay din kami nang magtapos kami ng senior high school. Kailangan kasi nila pumunta
ng London dahil nandun ang business nila.

Mayaman sila, samantalang kami ay sakto lang pero may pagkakataon talaga na walang wala.

"Is Tita Sha, still hurting you?"nag aalangan niyang tanong. Ngumiti ako ng mapait bago siya sinagot.

"Oo. Halos gawin na nga niya akong punching bag eh." saad ko sabay tawa ng sarkastiko.

Narinig ko siyang bumuntong hininga pero nanatili pa din akong nakatingin sa labas dahil alam kong napatingin siya sakin at ayaw kong salubungin ang naaawang tingin niya.

Pagod na akong kaawaan ng mga tao.

"Why don't you left her, like you know? You can just rent an apartment." aniya. Umiling ako.

"Hindi ko kayang iwan si mama na nag iisa." mahinang saad ko na sapat lang para marinig niya.

Napatawa siya ng mapait dahil sa sinabi ko.

"But she's hurting you!!" ramdam ko ang inis sa sinabi niya.

"P-please Sam, hayaan mo na lang ako. Mapapagod din ako pero hindi pa sa ngayon." nanghihina kong pakiusap.

Saktong tumigil ang kotse at nakita kong nasa tapat na kami ng bahay namin. Nang akmang bababa ako ay hinawakan niya ang braso ko para pigilan ako.

"Just promise me one thing, Aci. Don't try to kill yourself,again. J-just don't do it again like what you did when we're high school. I-i don't want to see that,again."naiiyak na sambit niya.

Namuo ang luha sa aking mga mata at dahan dahan akong tumango sakaniya.

"P-promise,Sam. I promise." ngumiti ako dito habang naluluha at agad niya akong hinila para yakapin. Yumakap ako ng mahigpit dito tsaka nagpaalam.

Pinagmasdan ko muna ang kotse niyang unti unting lumiliit sa paningin ko bago ako pumasok sa loob ng bahay.

Pagkabukas ko pa lang ng pinto ay bumungad agad sakin ang sampal ni mama.

"AT SINO NA NAMAN ANG KINAKALANTIRI MONG YAN ASHA,HA?!! AKALA KO BA NASA TRABAHO KA?!!"galit na sigaw ni mama sakin. Magsasalita na sana ako nang biglang niyang hilahin ang buhok ko kaya napasigaw ako sa sakit.

Hila hila niya ang buhok ko habang pumapasok kami sa loob. Pinaharap niya ako sakaniya habang hawak pa din ang buhok ko. Naiiyak naman akong tumingin sakaniya.

Napangisi ito.

"Sa laki ng sweldo mo, mukhang alam ko na kung saan yan nanggagaling. Hindi na ako magtataka kung uuwi kang buntis sa kalandian mo!!" gigil niyang sabi.

Binitawan niya ako at malakas na tinulak. Napaupo ako sa sahig at napahawak sa ulo ko dahil sa sakit ng sabunot nito. Umalis naman ito at nakita kong pumasok siya sa kwarto niya.

Tangina, napagkamalan pang pinagbebenta ko ang katawan ko.

Napatawa ako ng mahina. Tumayo ako kahit nanghihina ako sa pagod at sakit na naabot ko.

Dumiretso ako sa kwarto ko at nagbihis. Pagkatapos ko ay agad akong humiga at pinikit ang aking mga mata.

Tuloy tuloy ang pag agos ng mga luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Hindi lang pisikal kundi pati na din emosyonal.

Hanggang kailan ko ba ito titiisin?

Lord, bigyan mo naman ako ng sign.

Pagod na pagod na talaga ako. Manhid na manhid na din ang katawan ko,pero yung puso ko hindi pa.

Wala na nga akong ama, hindi ko pa nararamdaman ang pagmamahal ng isang ina.

Nakakapagod mabuhay nang ganito.

Tuwing uuwi ka, yan lagi ang maaabutan mo.

Sampal.

Sabunot.

Tadyak.

Tanging pag iyak na lang tuwing gabi ang ginagawa ko. Gigising sa umaga na aaktong normal lang ang lahat.

Gagawa ng paraan para matakpan ang mga pasa at sugat na nakuha ko mula sa mga kamay ng sarili kong ina.

Habang iniisip ko ang paghihirap ko, biglang sumulpot ang lalaking kulay abo ang mga mata sa isip ko.

Napamulat ako dahil doon at napabangon.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa abnormal na bilis ng tibok nito.

Hindi naman ako inlove sa estrangherong yon.

Bumalik na lang ulit ako sa pagkakahiga at pinilit na matulog pero hindi nakikisama ang utak ko dahil puro mukha na lang ng lalaking yon ang pinapakita nito.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam ang pangalan niya. Gustuhin ko man na itanong sa amo ko, dahil kaibigan niya yon, ay hindi ko magawa dahil tinutubuan ako ng hiya.

Baka sabihin crush ko yon.

Pero napapansin ko, iba ang presensiya niya pati na din si boss. Mukhang hindi lang sila pangkaraniwan na businessman.

May iba akong nararamdaman sakanila. Para silang mas angat pa. Parang napakamakapangyarihan nila at kaya nilang paikutin sa mga palad nila ang isang tao.

Bumuntong hininga ako at umiling.

Imagination ko lang siguro.

Baka ganun lang talaga ang presensiya nila. Sobrang bigat. Masyado akong judgemental.

Pinilit ko na lang ulit na matulog dahil baka kulangin na naman ako sa tulog. 9:00 am pa naman ang pasok ko pero kailangan kong gumayak ng maaga dahil isang oras din ang byahe papuntang kumpanya.

Ayos lang sana kung isang sakayan lang ang gagawin ko, pero hindi eh. Dalawang sakay tapos ang mahal pa ng pamasahe.

Kung hanggang City's Haven lang yon, mura lang ang pamasahe at hindi rin ganun kalayo,siguro mga 15-20 minutes lang.

Hindi ko namalayan na nakatulog na ako sa pag iisip at nagising na lang ako sa ingay na nanggagaling sa labas ng bahay.

Papungas pungas pa akong bumangon at pumuntang banyo para gawin ang daily routine ko. Nang matapos ako ay lumabas na ako ng kwarto at tiningnan ang labas.

Nakita ko sila mama at ang mga kapitbahay namin na nagkakantahan habang nag iinuman.

Agang aga, alak agad ang hawak.

Iniwas ko na lang ang tingin sakanila at pumuntang kusina para magluto ng kakainin namin. Nang matapos ako sa pagluluto ay kumain na ako.

Naggayak na din ako pagkatapos kong kumain dahil anong oras na pala at babyahe pa ako. Dali dali akong lumabas ng bahay at di na nagawang magpaalam kay mama kahit alam kong wala siyang pakielam sakin.

Buti na lang at may dumaan na tricycle kaya nakasakay agad ako.

Ilang minuto lang ay nasa paradahan na ako ng jeep kaya agad ako bumaba ng tricycle at sumakay ng jeep. Habang nag aantay pa ng pasahero ang jeep, nakita ko ang isang lalaking sobrang pamilyar sakin na mukhang may balak atang sumakay sa sinasakyan kong jeep.

Kuyang kulay abo ang mga mata.

CODE SERIES 1: KENNEDY SID CHAVEZ (THE RUTHLESS MAFIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon