Kabanata 37

73 3 0
                                    

Chapter 37

Apricity Shae Buenavista

Isang linggo na ang nakakalipas nang magkita kami ni Sid. Balak ko sanang bumalik sa condo unit niya kaso nga lang pinagbawalan muna ako ng doctor na gumawa ng kahit anono umalis.

Kaya ayun, nagpahinga muna ako sa bahay pero hindi ko naman nakalimutan na gawin ang mga gawaing bahay dahil baka magalit na naman si mama.

Hindi pa din pala niya alam kaya natatakot ako na baka katulad ni Sid ay ayawan niya din ang bata.

Habang nagdidilig ako ng mga halaman sa labas ay may narinig akong sumipol sa likod ko kaya napatingin ako doon.

Nakita ko si Frei na napakalapad ng ngiti at ang mga kamay nito ay nasa loob ng bulsa ng shorts na suot nito.

Tinaasan ko ito ng kilay.

"Anong ginagawa mo dito?"mataray na tanong ko dito.

Ngumuso naman siya.

"Sungit mo naman, lovebug. Gusto lang naman kitang kamustahin eh."parang batang atungal nito.

Napailing na lang ako dito.

"May kailangan ka lang sakin eh."irap ko dito.

Mas lalo lang siyang ngumuso kaya napangiwi ako dito.

"Kiss. I want kisses from my lovebug."muntik ko na siyang sampalin nang ilapit niya ang mukha niya sakin.

"Tigilan mo nga ako Frei. Ang panget mo."umismid ako dito at naglakad papasok sa loob ng bahay.

Wala si mama ngayon at hindi ko alam kung nasan siya.

Dumiretso ako sa kusina dahil bigla akong nagcrave ng mangga. Habang naghahanap ako ng mangga ay narinig ko ang reklamo ni Frei.

"Ang kapal kapal ng mukha mong sabihan akong panget. Hindi ka din naman maganda."napairap na lang ako sa sinabi nito.

Oa.

"You don't have the right to say that to me!! Ang dami daming naghahabol sakin dahil sa kagwapuhan ko tapos...tapos sasabihan mo lang ako na pangit ako?! How dare you?!"inis na tinig nito.

Aso kamo ang naghahabol.

Nadismaya ako nang wala akong makitang mangga kaya naluluhang humarap ako kay Frei.

Nakita ko ang magkasalubong nitong kilay at tila hindi makapaniwala na sinabihan ko siya ng pangit.

Nang mapansin naman niya ang itsura ko ay agad na lumambot ang ekspresyon nito at nag aalalang lumapit sakin. Hinawakan nito ang magkabilang braso ko at tumingin sakin na puno ng pag aalala ang mata.

"Why are you crying? Are you hurt or what? Did something happened, lovebug?" nag aalalang tanong nito.

Napaiyak na ako ng tuluyan dahil sa dismayang nararamdaman ko.

"W-wala akong m-makitang mangga, F-frei. G-gusto kong k-kumain nun eh."naiiyak kong sagot dito na ikinalaglag ng panga nito.

"What.the.fuck. Mangga as in mango?"hindi makapaniwalang tanong nito.

Nainis ako sa mukha nito kaya sinampal ko ito. Napahawak naman siya sa pisngi niya.

"Ouch!! Bakit mo ako sinampal, lovebug?!"nanlalaki ang mga matang tanong nito sakin.

Inirapan ko naman ito.

"Bobo mo kasi!! Alangan namang watermelon eh mangga nga ang sinabi ko. MANG.GA."nakakunot ang noong saad ko dito.

"Bakit kailangan mo pa akong sampalin?! Nagtatanong lang naman ako!!"inis na sigaw nito sakin.

Namuo naman ang luha sa mga mata ko dahil sa pagsigaw niya.

CODE SERIES 1: KENNEDY SID CHAVEZ (THE RUTHLESS MAFIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon