Kabanata 28

67 3 0
                                    

Chapter 28

Apricity Shae Buenavista

Nakatulugan ko na ang pag iyak ko kaya pagkagising ko ay magang maga ang dalawa kong mata. Gabi na din kaya hindi na ako nakakain ng tanghalian.

9:00 pm na din kaya kumakalam na talaga ang sikmura ko sa gutom. Hindi ko na din pala nagawang magpalit ng damit kanina dahil agad akong dumiretso sa kama ko.

Bumangon ako at pumasok sa maliit kong banyo para maghilamos. Naisipan ko na din maligo dahil nanlalagkit na din ako.

Nang matapos ako sa pagligo ay lumabas na ako sa banyo at kumuha ng damit para magbihis.

Napatingin ako sa cellphone ko na nasa bedside table nang tumunog ito.

Kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang tumatawag. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Sid pala ito kaya agad ko itong sinagot.

"Hello?" paos ang boses na sagot ko dito.

[Oh god! I thought something bad happen to you,cuore mio. I'm calling you several times and you're not answering.] nag aalalang saad nito kaya napakagat ako sa labi.

"Sorry, Sid. Nakatulog kasi ako pagkadating ko dito sa bahay." mahinang sabi ko.

Narinig ko itong bumuntong hininga sa kabilang linya.

[It's okay,cuore mio. Are you okay, hmm? Your voice voice seems so hoarse and...sad.] napangiti naman ako dahil sa pag aalala nito.

"Ayos lang ako Sid. Ikaw? Nakauwi ka na ba?" tanong ko. Umupo ako sa gilid ng kamay habang hawak ang cellphone ko.

[Yeah. Did you eat your dinner?] tanong nito.

"Hindi pa. Kakagising ko lang din eh." sabi ko sabay kagat sa daliri ko.

[You should eat now,cuore mio. It's already 9 o'clock in the evening.] napatango ako kahit hindi niya ako nakikita.

"Sige. Kain muna ako ah, ikaw ba kumain ka na?"

[Yes, cuore mio. Go now and eat. I'll wait you here.] saad nito.

"Okay." tipid kong sagot.

[I love you,cuore mio. I love you so much.] malambing na sabi nito.

Namula ako at napakagat ng labi dahil sa kilig.

"I love you more, Sid."nagpaalam na kami sa isa't isa kaya tumayo na ako at dahan dahang lumabas ng kwarto.

Madilim na ang bahay kaya mukhang tulog na si mama. Dahan dahan akong naglakad papasok sa kusina at binuksan ang ilaw.

Pumunta ako sa tapat ng ref at nakita ko itong walang laman kundi tubig. Napabuntong hininga ako at sunod na tiningnan ang cabinet.

May nakita ako doon na pancit canton kaya yun na lang ang naisipan kong kainin.

Bukas na lang siguro ako maggogrocery.

Habang inaantay na kumulo ang tubig na paglulutuan ko, umupo muna ako sa upuan na nandito at inalala ang nangyari kanina.

Hindi ko na napigilan kanina ang emosyon ko at nasabi ko lahat ng hinanakit ko sa nanay ko.

Paniguradong galit na naman yon sakin.

Hindi ko alam kung guni guni ko lang ba yon kanina, pero nakita kong may tumulong luha sa mata ni mama. Pinilig ko ang ulo ko. Imposible naman na umiyak siya dahil sa pinagsasabi ko.

Baka nga iniisip non na ang drama ko.

Napatawa ako ng pagak.

Nakita kong kumukulo na ang tubig kaya nilagay ko na ang noddles doon at niluto. Nang matapos ko itong lutuin ay kumain na ako.

Hinugasan ko na din ang pinaglutuan at pinagkainan ko bago ako pumasok sa kwarto.

Agad kong kinuha ang cellphone ko at naupo sa kama. Binuksan ko ito at tinext si Sid.

Nang maisend ko na ang sinabi ko, ilang minuto lang ay tumawag ito sakin. Sinagot ko naman ito.

[Hey.] napangiti ako nang marinig ang boses nito.

"Hi. Uhm...di ka pa ba inaantok?"tanong ko.

[Hmm. Just a bit but I'm fine, cuore mio.] ramdam ko ang pagod sa boses nito kaya agad akong nag alala.

"Matulog ka na kaya Sid? Anong oras na din oh. Halata din na pagod ka."nag aalalang sabi ko dito.

[I'm fine,cuore mio. I wanna hear your voice,hmm? I fucking miss you so much,my queen.] napakagat ako sa labi ko at pinigilan na ngumiti ng malaki.

Grabe talaga magpakilig ang isang to.

"Wag na matigas ang ulo, Sid. Tatawagan na lang kita bukas,okay?" narinig ko itong bumuntong hininga.

[Fine. You'll sleep too,cuore mio.] parang batang saad nito kaya napatawa ako ng mahina.

"Opo master. Sige na matulog na tayo, Sid." natatawang sabi ko dito.

[You should call me Daddy not master,cuore mio.] may pang aakit ang boses na saad nito.

Namula naman ang pisngi ko dahil sa sinabi niya.

"Bastos mo talaga kahit kailan Sid." inis kong saad dito. Narinig ko naman ang tawa nito.

[Sorry, cuore mio. Or maybe you...]

"Isa Sid ha. Tumigil ka." pinutol ko ang sasabihin nito.

Napaka talaga.

[Okay okay. Goodnight, cuore mio. I love you so much until the earth turns square.] malambing na saad nito. Narinig ko din ang mahinang tawa nito.

"Goodnight,Sid. I love you more. Mahal na mahal kita." tumahimik naman ang kabilang linya kaya nagtaka ako. Tiningnan ko ang cellphone ko at hindi pa naman naeend ang call."Sid? Nandyan ka pa?"

Narinig ko na naman na umubo ito.

[I'm sorry...its just that, damn!! Goodnight,my queen. I love you.] magsasalita pa sana ako nang marinig kong binaba na niya ang tawag.

Nakatulala naman ako.

"Anong nangyari dun?" nagtatakang tanong ko sa sarili ko.

Wag mo sabihing kinikilig siya?

Nagkibit balikat na lang ako at nahiga. Hindi pa naman ako masyadong inaantok kaya nagscroll muna ako sa Facebook ko hanggang sa makita ko ang post ni Samantha.

[I'm so sorry if I can't grant your wish]

Yan ang caption niya sa post niyang picture na nakatalikod siya.

Namimiss ko na ang kaibigan kong yon. Kamusta na kaya siya? Ang tagal na din simula nung magkita kami. Di ko na alam kung anong nangyari sa buhay niya.

Nagscroll lang ako ng nagscroll hanggang sa mabored na ako. Nilagay ko sa bedside table ang cellphone ko at tumayo sa kama.

Pumunta ako sa may bintana at hinawi ang kurtina nito at tinanaw ang maliwanag na buwan. Habang nakatingin ako doon ay naramdaman ko na may nakatitig sakin kaya napatingin ako sa paligid.

Hanggang sa may napansin akong anino sa may likod ng puno kaya kinabahan ako. Agad kong sinara ang kurtina ko at dali daling humiga sa kama at nagtalukbong.

Malakas pa din ang tibok ng puso ko dahil sa takot sa lalaking yon. Hindi ko alam kung sino o anong kailangan niya at bakit siya nakatanaw sa bahay namin.

Nakasuot ito ng all black na damit at nakasumbrero kaya hindi ko kita kung sino yon.

Gusto kong sabihin iyon kay Sid pero baka mag alala lang siya. Pagod siya at ayoko namang dumagdag pa.

Pinikit ko na lang ang mga mata ko at pinilit matulog. Ilang minuto din akong nakapikit hanggang sa dalawan na ako ng antok.

Sino yon?











CODE SERIES 1: KENNEDY SID CHAVEZ (THE RUTHLESS MAFIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon