Kabanata 54

78 2 0
                                    

Chapter 54

Apricity Shae Buenavista

Dalawang linggo na ang lumipas at naging maayos naman ang takbo ng buhay namin. Nalaman na din ni papa na pinakilala ko na ang anak ko kay Sid.

Kinausap pa niya ito at tinanong ko pa kung anong pinag usapan nila pero hindi naman sinabi ni papa. Nakita ko pa na may pasa si Sid kaya nag alala ako.

Maayos na din ang relasyon ng anak ko sa totoo niyang ama. Halos hindi ko na din sila mapaghiwalay at todo patahan ako sa anak ko sa tuwing aalis si Sid.

Umiiyak kasi ito at ayaw bumitaw sa ama niya. Gusto niya itong katabi sa pagtulog kaya ang ginagawa namin ay pinapatulog muna siya ni Sid bago ito umalis.

Hanggang ngayon din ay hindi ko pa nasasabi kay Frei ang naging desisyon ko. Sa tuwing tumatawag ito at kausap ang anak ko, sinasabi ko dito na wag muna sabihin sa papa niya na nakilala na niya ang daddy niya.

Sumusunod naman ang anak ko kaya nakakahinga ako ng maluwag.

Kapag dumating na si Frei tsaka ko na lang sasabihin sakaniya.

"Mommy, can you buy me ice cream?" napatingin ako kay Cian.

Nagduduyan ito habang katabi nito ang kanyang ama sa kabilang duyan. Nasa isang park nga pala kami malapit sa bahay ni papa.

"I'll buy. What fla..."pinigilan ko si Sid nang akma itong tatayo.

"Ako na lang."tumayo ako Mula sa batong kinauupuan ko.

Pinanlakihan ko ng mata si Sid nang akmang magrereklamo pa ito. Agad naman nitong tinikom ang bibig niya kaya naglakad na ako palapit sa ice cream vendor.

"Dalawang cookies and cream at isang vanilla ice cream po."saad ko.

Mukhang ang tanging namana lang sakin ng anak ko ay ang pagkahilig sa cookies and cream na flavor ng ice cream.

Habang inaantay ko ang ice cream ay napatingin ako bigla sa isang side ng park. Napakunot ang noo ko nang makita ko ang isang lalaking naka all black at mukhang nakatitig samin.

Nang mapansin niyang nakatingin ako at agad siyang ngumisi at lumakad palayo. Kinutuban ako ng masama pero ipinagsawalang bahala ko na lang iyon.

"Eto na po, miss."kinuha ko ang ice cream at nagbayad na.

Nang makalapit ako sakanila ay agad kong inabot ang ice cream na agad namang nilantakan ng anak ko.

"Cuore mio."napatingin ako kay Sid nang tawagin niya ako.

Nasasanay na naman ang puso ko sa tawag niyang iyon sakin. Ilang beses ko siyang pinagsabihan na itigil ang pagtawag sakin noon pero matigas talaga ang ulo nito.

"Bakit?"sagot ko.

Matagal pa ito bago sumagot.

"Nothing."napakunot naman ang noo ko dahil dito.

Problema nito?

Napatingin ako sa langit at nakita kong madilim ito.

Mukhang uulan.

"Cian, baby, stop playing na. Uuwi na tayo at mukhang uulan pa."talaga ko dito. Nasa slide kasi ito at doon ito dumiretso pagkatapos nitong maubos nag kinakain niyang ice cream.

"Okay, mommy." nag slide ito pababa at pumunta sa pwesto ng ama niya at nagpabuhat.

May bago na naman akong kaagaw sa atensyon ng anak ko.

"Let's go na ,daddy."saad nito.

"Okay,baby. Do you want to do something when we get home?"tanong ni Sid.

"Hmm, nothing daddy."humikab ito."I want to sleep po."sumandal ito sa balikat ng kanyang ama.

"Alright. I'll put you to sleep, baby."

Nang makauwi kami ay saktong bumuhos ang malakas na ulan.

"Ang lakas ng ulan. Dito ka na lang muna magpatila."saad ko kay Sid habang sinasarado ang front door.

"Sure."nakangiting bungad nito sakin. Nagpaalam naman itong aakyat na para ihatid sa kwarto si Cian. Tumango naman ako dito at umakyat na din para makapagpalit ng damit.

Nang makapagpalit ako ay lumabas na ako at pumuntang kusina para uminom ng tubig.

"Kassimir is already asleep."napalingon naman ako sa nagsalita sa may likod ko. Nakaupo na ito sa isang stool bar.

"Can you...let me change his surname to my surname?"napatigil ako.

"Why?"tanong ko.

Tumikhim ito.

"I want him to be a legal Bonaccorsi. I know it's too early but...can you let me?"umaasang tanong nito.

Binasa ko ang dila ko at tumingin sa taas bago ibinalik ang tingin sakaniya.

"I...I don't know."umigting naman ang panga nito.

"I'm still his father, cuore mio. Why? Are you planning to change his surname to that fuckers surname?"may inis na saad nito.

Sinamaan ko naman ito tingin.

"Wag na wag mong tawagin ng ganyan si Frei, Sid. At wala kang pakielam kung naong gawin ko dahil hindi mo ako pag aari na dapat mong kontrolin." mas lalong umigting ang panga nito at dumilim ang mga mata nito.

"I'm his biological father, Shae. I have the rights to him."madilim ang mga matang saad nito.

Tinaasan ko ito ng kilay at hindi makapaniwalang tumingin dito.

"Baka nakakalimutan mo yung ginawa mo, Sid? Binigyan kita ng karapatan na makita ang anak ko, yun lang. Bakit humihingi ka pa ng mas malaki don?"naiinis na sagot ko dito.

"I also have the right to change his surname, cuore mio. If you're afraid that I'm going to take him away from you...then you're wrong. But I'm gonna take you two away from that man. Remember that, cuore mio." madiin na ani nito sabay labas ng kusina.

Natulala naman ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung anong irereact ko pero ang puso ko ay sobrang lakas ng tibok na para bang gustong lumabas sa katawan ko.

Umiling ako at inubos ang iniinom kong tubig bago lumabas.

Pagkalabas ko ay hindi ko nadatnan si Sid. Kumunot ang noo ko at pumunta sa kwarto ng anak ko. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan nito at tiningnan kung nandoon ba si Sid pero wala akong nakita ni anino nito.

Kinabahan ako at dali daling bumaba at lumabas ng bahay. Pagkalabas ko ay hindi ko na nakita ang kotse ni Sid kaya mas lalo akong kinabahan nang malaman na umalis na ito.

Ano ba namang nasa isip ng lalaking yon? Ang lakas lakas ng ulan eh.

Padabog kong sinarado ang pinto at dumiretso sa kwarto ko. Pagkapasok ko sa kwarto ko ay agad akong nahiga at kinuha ang cellphone ko.

Hinanap ko ang number ni Sid at nag type ng message. Ahad ko naman itong binura nang marealize ko ang ginagawa ko. Nagtalukbong ako ng kumot at doon binunton ang inis ko.

Bahala na nga.









CODE SERIES 1: KENNEDY SID CHAVEZ (THE RUTHLESS MAFIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon