Kabanata 47

77 2 0
                                    

Chapter 47

Apricity Shae Buenavista

"Akala ko next week pa ang uwi mo?"nandito kami ngayon sa may garden. Nakaunan ito sa hita ko at hinahaplos ko ang buhok nito.

"I'm worried about you, lovebug. After your bodyguard reported that you're almost got kidnaped. I immediately came here." napangiti naman ako dito at marahang pinisil ang pisngi nito.

"Ayos lang naman ako, Frei. Hindi naman ako ganun nasaktan."hinawakan nito ang kamay ko at agad na nilapit sa labi niya at marahang hinalikan ito.

Nakatitig lang ito sakin habang hinahaplos ang kamay kong hinalikan niya.

"But still...they almost got you,lovebug."nag aalalang saad nito.

"Ano ka ba Frei, nandito pa naman ako diba? Wag kang mag alala masyado sakin. Kaya ko ang sarili ko,okay?" pag aassure ko dito.

Bumuntong hininga na lang ito at pinikit ang mga mata. Halata mo ang pagod sa mukha nito. Hinayaan ko lang itong nakahiga sa hita ko para makapagpahinga din siya.

Nakatingin lang ako sa mga bulaklak na nandito nang biglang mapadako ang tingin ko sa kabilang dako ng bahay. Pinaliit ko ang mga mata ko at tiningnan ng ayos ang anino.

Hindi ko alam kung guni guni ko lang ba ito pero nakita ko ang isang nakakalibot na ngisi sa labi nito bago ito tuluyang tumakbo paalis.

Nakaramdam ako ng takot pero ipinagsawalang bahala ko lang ito.

May naramdaman din akong presensiya sa likod ko kaya agad akong napatingin doon.

Nakita ko isang lalaking sa tingin ko ay nasa mid 50's na ang edad. Nakasuot ito ng three piece suit na mukang kakagaling lang sa isang meeting.

Hindi mo mahahalata na may edad na ito dahil sa ganda ng pangangatawan nito at angking kagwapuhan.

Pero hindi yon ang pinagtuunan ko ng pansin.

Dahil ang taong kaharap ko ngayon, ang siyang dahilan ng paghihirap ko mula sa galit ng aking ina.

"Anak."




Third Person's POV

Tila natulos naman sa kinauupuan niya si Asha nang marinig niya ang boses ng taong nang iwan sakanila.

Ang taong dahilan ng paghihirap niya mula sa kamay ng kanyang ina.

Ilang taon na nga ba ang lumipas nang huli niya itong makita?

21 years?

Sa edad niyang 26, ngayon na lang ulit nito nakita ang kanyang ama.

Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya sa mga oras na ito. Lungkot,tuwa, o galit ba sa taong ito.

Naalimpungatan naman si Frei na nakahiga sa hita nito. Mukha naman itong nagulat nang makita niya kung sino ang tinitingnan ni Asha.

Agad itong tumayo at yumuko bilang paggalang.

Napatingin naman sakaniya si Asha at nagtataka kung bakit ganun ang ginawa ng binata. Tumayo na din ito kahit nanginginig ang mga tuhod nito.

"Sir."magalang na bati ni Frei sa lalaki.

"Villanova."malamig na tugon ng lalaki.

"A-anong ginagawa mo dito?"nanginginig ang boses na tanong ni Asha.

Ang kaninang malamig na tingin ng lalaki ay naging malambot nang ibaling nito ang tingin sa nag iisang anak nito.

"Anak."akmang lalapit ito sa babae nang umatras ito at kumapit sa likod ni Frei.

CODE SERIES 1: KENNEDY SID CHAVEZ (THE RUTHLESS MAFIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon