Kabanata 3

116 2 0
                                    

Chapter 3

Apricity Shae Buenavista

Dalawang buwan na din simula nang makita ko ang lalaking yun at di na siya mawala sa isip ko. Hindi ko na din siya nakikita sa restaurant na pinagtatrabahuan ko.

Linggo nga pala ngayon kaya day off ko sa trabaho. Naglalaba ako ngayon dahil na din wala na akong maisuot. Sa may labas ng bahay ako naglalaba since nandito ang gripo. Wala kaming washing machine kaya mano mano ang paglalaba ko. Maaga pa din pero kailangan kong tapusin itong paglalaba para mamaya ay magluluto na lang ako ng tanghalian namin.

Habang nagkukusot ako ng mga puting damit ay narinig ko ang sigaw ni mama.

"ASHA!!" tumayo ako at lumapit sakaniya.

Nakita ko siyang nakapang alis kaya paniguradong sa casino na naman ang punta nito.

"Bakit po ma?" tanong ko. Pinunas ko ang basang kamay ko sa damit ko.

"Aalis ako ngayon pero may ihahabilin ako sayo. May dadating dito at kapag hinanap ako, ibigay mo ito." may inabot siya sakin na isang brown envelope.

Inabot ko ito at nagtataka akong tumingin sakaniya.

"Ano po ito ma?" tanong ko.

Inirapan niya ako.

"Pwede ba!! Wag na ang maraming tanong!! Alis na ako, yung bilin ko ah!!" pataray niyang sagot sakin.

Hinayaan ko na lang siya at inantay na makaalis bago ako pumasok sa loob ng bahay at ilagay sa lamesa ang brown envelope.

Lumabas na ulit ako para ipagpatuloy ang aking paglalaba.

Nang matapos ako sa paglalaba at pagsasampay ay pumasok na ako sa loob ng bahay at dumiretso sa kusina para magluto.

Wala na akong panahon para magpahinga dahil tanghali na din at gutom na din ako.

Buti na lang nakapag grocery ako dahil na din sa kita ko sa trabaho ko. Malaking tulong ito para may makain kami.

Sinigang na baboy ang lulutuin ko kaya pinalambot ko muna ang baboy. Habang inaantay ko itong lumambot ay hinanda ko na ang mga sangkap na kakailanganin ko.

Nang lumambot na ang baboy ay nilagay ko na din ang mga sangkap. Pagkatapos kong magluto ay nagsimula na akong kumain.

Naghugas na din ako ng pinggan after kong kumain. Habang naghuhugas ako ay may biglang tumawag sa labas kaya pinuntahan ko muna ito at tiningnan kung sino yun.

Nakita ko ang isang lalaking nasa mid 50's at mukha siyang isang bodyguard.

Ang init init naman ng suot nito.

Naka three piece suit kasi ito kaya din nasabi kong mukha siyang bodyguard. Malaki din ang katawan nito.

Baka kapag ginalit ko ito, bigla ako nitong ihambalos sa pader.

"Good afternoon,miss. Are you Shanelle Buenavista?" tanong ng lalaki. Umiling ako.

Eto na ata yung sinasabi ni mama.

"Ah hindi po. Anak po niya ako. May kailangan po ba kayo sakaniya?" tanong ko.

Baka mamaya hindi pala ito eh. Mapagalitan pa ako ni mama kasi sa maling tao ko naibigay yung hinabilin niya.

"Did she say something to you? or perhaps, leave something before she left?" sabi ko nga, siya yung sinabi ni mama.

"Ayy meron po. Saglit lang po at kukunin ko." saad ko bago tumalikod at lumakad papuntang salas.

CODE SERIES 1: KENNEDY SID CHAVEZ (THE RUTHLESS MAFIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon