Kabanata 48

74 3 0
                                    

Chapter 48

Apricity Shae Buenavista

Isang buwan na ang nakakalipas nang makita ko ulit ang papa ko at tinupad nga nito ang sinabi nito na babawi daw siya sakin. Hindi lang sakin,kung hindi pati na din sa anak ko.

Nagulat at nagalit din ako nang malaman kong kanang kamay pala ni papa si Frei. Mafia boss nga din pala ang ama ko katulad ni Sid.

Tinanong ko din siya kung bakit galit si Sid sakaniya kaya ang sinabi nito ay magkaaway ang pamilya nilang dalawa dahil sa business.

Pero ramdam ko na may iba pang dahilan kung bakit galit si Sid.

Nasa salas kami ngayon habang pinapanood namin ni Frei si papa na nakikipaglaro kay Cian. Naglalaro sila ng toy cars ni Cian at tuwang tuwa naman ang anak ko dahil may bago daw siyang Lolo.

"Asha."napatingin ako kay papa nang tawagin niya ako.

Nakaluhod ito sa harap ng anak ko na busy sa pagkakalas ng laruan niyang kotse. Napakamot na lang ako ng kilay at agad itong sinuway.

"Bakit po, pa?"baling ko dito.

"I guess, it's the right for you to know about your mom's doing."natigilan ako dahil dito.

"I'll just get Cian,lovebug."napatingin ako kay Frei at tumango.

Nang makuha na nito ang anak ko ay agad akong tumingin kay papa na nakaupo na sa single seater na sofa.

"Anong meron kay...mama?"nagtatakang tanong ko kay papa.

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa sasabihin nito.

Bumuntong hininga muna ito bago nagsalita.

"Do you remember your talking to a guy or giving him an envelope?"nangunot ang noo ko at inaalala ang nangyari.

Nang maalala ko na may isang tao na pumunta sa bahay namin at hinahanap si mama, na.may iniwan sakin na envelope at agad akong tumingin kay papa na naguguluhan sa nangyayari.

"Opo, pa. May hinabilin siya sakin na envelope noong nagpaalam siyang may pupuntahan siya at may kukuha daw noon sa bahay."saad ko.

Nakita ko namang umigting ang panga ni papa at dahan dahang kumuyom ang kamay.

"Inside that envelope is all about you. All your important information is inside that envelope. Your mom also...sold you to them."nanlamig naman ang mga kamay ko at hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"S-sure kayo dyan? H-hindi yan magagawa ni m-mama."nanginginig na saad ko.

Ngumiti ng mapait si papa at hinawakan ang mga kamay kong nanginginig.

"It's true. Your mom sold you to one of my enemy. She wants me to feel the pain she's feeling by making you suffer. And she did. After I found out what she did, I filed a case about her."galit at pagsisisi ang nakikita ko sa mga mata nito.

Napaiyak ako dahil sa nalaman ko.

Pano mo nagawa sakin to ma?

Niyakap ako ni papa at doon ako sa dibdib niya humagulgol. Sobrang sakit na malaman na magagawa ng sarili mong ina na ipagbenta ka dahil lang gusto niyang masaktan si papa.

Napatingin kami sa lamesa nang biglang magring ang cellphone ni papa. Kinuha naman niya ito at agad na sinagot.

"Hello?"naibagsak ni papa ang cellphone niya nang marinig ang sinabi ng tumawag.

"Pa?"tawag ko dito.

Napahiwalay ito sakin at napahilamos ng mukha. Bumaling ang tingin nito sakin at nakita ko na may luhang pumapatak sa mga mata nito.

CODE SERIES 1: KENNEDY SID CHAVEZ (THE RUTHLESS MAFIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon