Kabanata 4

131 5 0
                                    

Chapter 4

Apricity Shae Buenavista

"Okay, everyone heads up!! Ngayong umaga ay ipapakilala ko sainyo ang owner ng City's Haven kaya umayos kayo,lalo na kayong mga girls." saad ni manager.

Alas siete pa lang ng umaga ay pinapunta na agad kami ni manager dito sa restaurant dahil may importante daw siyang sasabihin, kaya heto kami at nakahanay sa harap ni manager.

Ipapakilala pala ang may ari nitong restaurant. Sa loob ng apat na buwan na pagtatrabaho ko dito ay ngayon ko lang makikita ang may ari nito.

Oo, apat na buwan na nga ang nakalipas. Dalawang buwan na din simula nung mapagsalitaan ako ni mama. Hindi pa din siya tumitigil sa pananakit sakin pero mukhang sanay na ang katawan ko dahil unti unti na din itong namamanhid dahil sa sakit.

Nabalik ako sa realidad nang makarinig ako ng isang baritonong boses na nagsalita sa harapan namin.

"Beh, ang gwapo."kinikilig na bulong sakin ni Lira na siyang katabi ko. Siniko ko ito para patigilin siya.

Hindi ito tumigil kaya hindi ko na lang siya ulit pinansin at tinuon na lang ang pansin sa lalaki.

Gwapo nga,pero mas gwapo pa din yung lalaking abo ang kulay ng mga mata.

"Some of you knows me already but I will introduce myself,again, for the new hired crew. I'm Rhymee Claude Saffiro,the owner of City's Haven." malamig ang boses na pakilala nito.

Para din siyang anak ng isang God. Perpekto din ang mukha at maganda ang kulay ng mga mata niya. Kulay berde ito at napakagandang pagmasdan ngunit isang tingin pa lang nito ay matutunaw ka na pero wala din tatalo sa tindi ng intensidad ng tingin ng lalaking abo ang mga mata.

Bakit ko ba sila pinagkukumpara?

Isa isa niya kaming tiningnan at nang mapadako ang tingin niya sakin ay nakita ko ang maliit na ngisi niya na agad ding nawala.

Guni guni ko lang siguro.

Pinabalik na kami ng aming manager sa kanya kanya naming gawain kaya agad kaming sumunod.

"Asha,mukhang type ka nung boss natin."bulong sakin ni Lira habang nagpupunas kami ng lamesa.

Nagtataka ko naman siyang tiningnan.

"Pano mo naman nasabi yan? Ikaw talaga puro ka issue." sabi ko sabay balik sa aking ginagawa.

"Eh kasi naman, napapansin kong lingon siya ng lingon sa pwesto natin. Lalo na sayo, tapos biglang ngingisi." saad niya.

"Ano ka ba, baka naman hindi siya dito nakatingin. Bumalik ka na nga sa ginagawa mo baka mapagalitan ka pa." nagkibit balikat na lang siya at bumalik na sa pagpupunas ng lamesa.

Ilang minuto na lang ay magbubukas na ang restaurant kaya nililinis na namin ang mga paligid kahit alam kong nilinis na namin ito kagabi.

Makalipas ang ilang oras ay nagbukas na ang restaurant at unti unti na ding dumadami ang mga tao.

Aligaga kami sa pag aasikaso sakanila at di alam kung ano ang uunahin dahil iilan lang naman kaming mga waitress at waiter na nagseserve.

Hindi ko alam kung bakit kakaunti kami dito. Siguro umaabot sa mga 15-20 ang bilang namin dito kahit sobrang lawak ng restaurant na ito.

Pagod na pagod akong umupo sa gilid ng restaurant kung saan kami kumakain. Lunch break na kaya nakahinga kami ng maluwag dahil sa wakas ay makakapagpahinga din kami kahit ilang minuto lang.

Habang nagpapahinga ako ay nabigla ako nang may lumapit sakin at sinabing pinapatawag daw ako ng boss namin.

Kinabahan naman ako dahil baka may nagawa akong mali na hindi ko nalalaman.

CODE SERIES 1: KENNEDY SID CHAVEZ (THE RUTHLESS MAFIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon