Kabanata 29

71 2 0
                                    

Chapter 29

Apricity Shae Buenavista

Nandito ako ngayon sa palengke at namimili ng mga stocks sa bahay. Dito ko na naisipan bumili para fresh ang mga gulay at karne na bibilhin ko.

"Oh fuck! Damn it! Stop fucking touching me!!" napalingon naman ako sa lalaking pilit na kumakawala sa mga babaeng humahawak sakaniya.

"Naku iha, nobyo mo ba ang gwapong lalaking yon? Kanina pa pinagkakaguluhan ng mga babae." napabaling ang tingin ko sa tindera ng binibilhan kong isda.

"Po? Ah ano po...hindi po."sagot ko dito.

Malay ko ba kung anong label namin dalawa.

"Fuck!!" napatingin ako kay Sid na bumalik na ulit sa tabi ko.

Pinapagpagan niya ang sarili niya at ang mukha niya ay halos hindi na maipinta. Gusot gusot na din ang suot nitong polo shirt pati na din ang pants.

"Ayos ka lang?"natatawang tanong ko dito kahit halata namang hindi.

Tumigil ito at tiningnan ako ng masama.

"You didn't even bother to stop those damn girls for harassing me?"inis na sabi nito kaya natawa ako ng tuluyan."Stop laughing,cuore mio! It's not even funny!"

Tumigil naman ako sa pagtawa at pinunasan ang luhang tumulo sa mata ko dahil sa pagtawa.

"S-sorry HAHAHA. Bakit ka kasi sumama pa? Alam mo namang gwapo ka at talagang pagpepyestahan ka dito." irap ko dito.

Kinuha ko ang plastic na may lamang dalawang kilong isda tsaka nagbayad.

"Salamat po." naglakad na ako paalis at sumunod naman ito.

"I just want to come with you, but I fucking didn't know that it would be here. I thought its a grocery store or any supermarket." napatingin ako dito at inirapan siya. Kinuha nito sa kamay ko ang hawak kong plastic na may lamang isda.

"Sinabi ko kaya sayo na sa palengke ang punta ko. Tsaka, market pa din naman ito kaya wag kang maarte, Sid."mataray kong sagot dito.

"Damn this life! It's so fucking smelly here." pabulong bulong na saad nito. Napailing na lang ako sa kaartehan nito.

Palibhasa mayaman.

"Kuya pabili nga ng dalawang kilong karne." sabi ko lalaking nagtitinda ng karne.

Inabot ko na dito ang bayad at nagpasalamat. Tiningnan ko ang listahan ko at nakita kong mga stocks na lang na ilalagay sa cabinet ang kulang.

"Aren't you hungry, cuore mio? It's almost 12 in the afternoon." napatigil ako sa paglalakad at nilingon siya.

"Malapit na pala mag alas dose? Tara kain muna tayo sa karinderya." Aya ko dito at nauna nang maglakad.

Nang makarating kami sa karinderya ni Aling Pasing, humanap na ako ng upuan at nilagay doon ang pinamili namin.

Hinatak ko siya at pinasama sa pagpili ng ulam.

"Anong gusto mo?" tanong ko dito habang naniningin ng ulam.

"What's that?" tinuro nito ang dinuguan.

"Ah dinuguan yan." sagot ko dito.

"What?" napatingin ako dito.

Nakita ko ang nagtataka nitong tingin dahil sa sinabi ko.

"Dinuguan po. Gawa sa dugo at karne ng baboy." sagot ko."Ate isa nga pong serve ng kaldereta at itong sinigang tsaka dalawang kanin."

CODE SERIES 1: KENNEDY SID CHAVEZ (THE RUTHLESS MAFIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon