Prologue

1.9K 21 0
                                    

It took so long before I woke up from my dream or should I say nightmare. Madalas akong binabangungot kapag pagod na pagod ako at minsan naman ay inaatake ng insomnia.

I wore my robe and went downstairs. Dumiretso ako sa refrigerator para kumuha ng malamig na tubig pero hindi ko pa nabubuksan iyon ay narinig ko na ang mga yapak niya.

I looked at the wall clock and it was 5:30 am. Maaga pa para sa trabaho niya.

I opened the refrigerator and took the pitcher. Nagsalin ako ng tubig sa baso at ininom 'yon. Until now I still feel my heart beating so fast because of that damn nightmare.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na nag-uumpisa na siyang magluto. Wow. He's early.

Inilapag ko sa sink ang baso at aakyat na sana ulit sa kwarto ngunit nagkasalubong kami. We looked into each other's eyes without emotion.

He didn't say anything so neither did I. Nilagpasan namin ang isa't-isa at umakyat ako sa kwarto.

I really hate his eyes. Napakalamig ng mga matang iyon.

I couldn't get back to sleep so I just opened my laptop to check my emails. Wala naman masyadong importante kaya sinarado ko na 'yon at nag-ready para maligo.

Mas lalo akong nagising dahil sa malamig na tubig. May heater naman pero mas pinili ko ang malamig na tubig para ganahan na agad ako. My friend texted me that she's now here in the Philippines after 5 years.

Natapos akong mag-ayos at nakita ko siya sa sofa. He was peacefully sitting while holding a newspaper on his right hand and a cup of coffee on his left hand. He was wearing a simple white t-shirt and black pajama. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang paggalaw ng bicep niya nang uminom siya ng kape.

I took a deep breath and avoided him. Dumiretso ako sa dining area para kumain at hindi na ako nag-abalang ayain siya dahil hindi naman kami kumakain nang sabay. Isa pa, mukhang tapos na siya kumain.

The food was ready. Inihanda na ito ng maid bago pa lang ako bumaba at kakain na sana pero nag vibrate ang phone ko.

It was a text from Tata.

Tata:

init sa pinas

Hindi ko na siya ni-reply-an. I started to eat peacefully without looking at someone dahil mula rito sa dining area ay makikita ang living room.

Natapos akong kumain at umalis na agad. I was just wearing a yellow casual two-piece set double-breasted lapel blazer and yellow tacone altos. Curly naman ang hanggang baywang kong buhok.

I wore my aviators while driving my car. Excited akong makita si Tata dahil limang taon na ang nakalipas mula noong huli ko siyang nakita. She was my partner in crime and she went abroad because of their business.

"Shit!" Napa-preno ako dahil biglang huminto ang kotse sa harap ko. It stopped without a signal!

Pero kahit naka-preno na ako ay nabangga pa rin ang kotse niya. Damn it!

Mabilis na bumaba ang driver ng kotse sa harap at sa tingin pa lang ay aggressive na ito. Galit na galit siya at kinalampag ang harapan ng kotse ko.

"Baba!" sigaw niya.

I calmed myself and removed my aviators. Tinanggal ko ang seatbelt ko at bumaba.

"Nakita mo 'yung ginawa mo, miss?! Binangga mo 'yong kotse ko!" sigaw niya.

I looked at my car because it was worse than his. Ikinuyom ko ang kamao ko at tumingin sa kaniya.

"You stopped," I calmly said.

"Ha?! Kasalanan ko pa?! Kasalanan ko ba kung tatanga-tanga ka magmaneho?! Babayaran mo ako!"

I knew it. He wants my money. He did it on purpose.

"It was your fault. Bigla-bigla kang huminto nang walang signa—"

"At talagang mag rarason ka pa?!" sigaw niya at aambahan sana ako ng sampal pero pinigilan niya ang sarili. "Sinasabi ko sa 'yo, miss. Ipakukulong kita kung 'di mo ako babayaran. Sinira mo 'yong kotse ko oh!" Tinuro niya ang kotse.

"Go ahead," I emphatically said.

Nagulat siya. "T-talagang gusto mo pa makulong?" Sarkastiko siyang tumawa at dinuro ako. "Tatamaan ka na talaga sa ak—" Kinuha ko ang daliri niya at inikot ang kamay niya patalikod saka siya tinadyakan.

Nilapitan ko siya at kinuwelyuhan saka paulit-ulit na pinagsasampal. "Ulol. You can't fool me."

Because of what I did, I ended up in police station. Nagwawala ako roon dahil ako na nga ang tinarantado, ako pa ang kinulong?!

"Hindi niyo ako pakakawalan dito?!" Sarkastiko akong natawa. "I didn't do anything! Fuck!"

"Miss, binangga mo na nga, binugbog mo pa," sambit ng isang officer.

"How many times do I have to tell you that he did it on purpose because he wanted my money?!"

Hindi nila ako sinagot. Hanggang ngayon ay humihingi pa rin ng pera sa akin ang nabangga ko raw pero hindi ko ibibigay sa kanya ang gusto niya.

"Anong pangalan mo, miss?" tanong ng babaeng officer.

I took a deep breath. Gusto kong tadyakan ang mga bakal na ito dahil pikon na pikon ako.

"Alison... Alison Claire Segovia," naiiritang sambit ko.

Inilista niya 'yon at napaupo na lang ako. Hindi ko hawak ang bag ko o kahit ang cellphone ko. Ilang ulit kong sinabi sa kanila na tawagan ang lawyer ko pero walang dumating. Bullshit!

"Sino ka?" Narinig ko ang boses ng officer.

Umangat ang tingin ko at nakita ko ang isang lalaking nakatalikod sa akin. He was wearing a black suit and pants.

"I'm here for Alison Claire Segovia." May inilapag siya sa desk ng officer.

"Sino ka at kaano-ano mo si Ms. Segovia? Ikaw ba ang lawyer niya?"

"Attorney Antonio Favro Segovia..." Napatayo ako nang iniharap na niya ang katawan niya sa akin at nagtama ang mga mata namin. "She's my wife."

Sound of Silence (Good Hearts Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon