Napuno ng iyakan ang lugar dahil inihahatid na si Angela sa huling hantungan niya. Tahimik akong umiiyak habang pinagmamasdan ang kabaong niyang ibinababa na sa lupa. This is fucking killing me. Hindi ko naman siya pamilya pero ang sakit-sakit sa akin nang pagkawala niya.
I looked at the sky and I cried even more because it was too beautiful. Kulay pastel pink, orange, blue and purple iyon. Thank you so much, Angela... for comforting me that night, and for this wonderful sky.
Nang tuluyan na siyang mailibing ay umalis na agad ako roon. I can't stay here for too long. Masyadong masakit.
Inuwi ako ni Favro sa bahay at inabutan ng tubig.
"How are you feeling?" tanong niya.
"Ang sakit pala 'no? Kapag namatay ka... mag-isa ka lang doon. Kapag namatay ka, hindi mo alam kung sino ang magtatagal para bantayan ka. I wonder who would sit at my grave the longest..." Isinandal ko ang likod ko sa sofa.
"If that happens, I'd sit on your grave forever," aniya kaya napatingin ako sa kanya.
"How are you going to live your life, then?" I crossed my arms.
"I'm not going to continue my life because if you die, I'll die, too." Hinawakan niya ang kamay ko kaya natanggal 'yon sa pagkakahalukipkip.
"Hindi 'yan totoo." Tinanggal ko ang kamay niya sa akin. "Ayokong mangyari 'yan. If I die, you'll live."
"My life is useless without you by my side, Ali," aniya kaya natahimik ako. "I'm alive because you're alive," he added.
"Mamamatay ba ako? Hindi pa naman." Mahina akong tumawa. "Ikaw ba? Sa tingin mo who would sit at your grave the longest? Aren't you curious?"
"Hindi naman ikaw kasi mawawala lang ako kapag nawala ka na. Sa tingin ko wala kasi kung mayroon man, ikaw lang 'yon pero gaya nang sinabi ko... mawawala lang ako kapag wala ka na."
"Pero, Favro..." Hinaplos ko ang pisngi niya at nginitian siya. "Kapag nawala ako... I want you to continue your life. I want you to have a family and someone who will love you until your hair turns gray." I smiled again.
"Don't say that, darling. Ikaw lang ang nakikita kong makakasama ko habang-buhay." Niyakap niya ako.
"Basta, ha? Kapag nawala ak—"
"No one's gonna die," pagpuputol niya sa akin kaya hindi na ako nagsalita.
Kinabukasan ay maaga akong umalis. Naging busy sa kaso si Favro at sa kumpanya. Ako naman ay inaasikaso lang ang kumpanya ko. Sinusubukan kong bumangon ulit. Sinusubukan kong lumaban ulit gaya nang sinabi ni Angela sa akin.
"Ma'am, someone's looking for you." Inangat ko ang tingin ko kay Catherine nang pumasok siya sa opisina ko. Lumipat na kasi siya rito sa kumpanya ko.
"Sino?"
"It's me." Napatingin ako sa bagong pasok at naging seryoso ang mukha nang makita si Sir Felimon.
Napatayo ako at lumabas na si Catherine. Lumapit sa akin si Sir Felimon.
"What are you doing here?" kalmadong tanong ko.
"This is your divorce paper. Ikinasal kayo sa France, hindi ba? Leave my son alone, Alison." Inilapag niya sa table ko ang papel.
"I won't sign that," malamig kong sambit.
"Are you really stubborn?!" sigaw niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Sound of Silence (Good Hearts Series #1)
RomanceTO BE PUBLISHED UNDER ALBATROZZ PUBLISHING HOUSE. GHS #1 Alison built herself that's why she became successful in life. She got everything she wanted---from a nice house, own company, cars, property in the province to personal luxuries. Even though...