Mafi, Henri and I became close friends because they are really nice. Month have already passed and nakakapag-adjust na ako rito sa Paris.
"I will not go home early, Favro. May lakad kami ni Mafi," I said while we were eating.
He didn't said anything. Uminom lang siya ng apple juice na palagi niyang ginagawa. Sa tingin ko ay paborito niya 'yon. Pareho kami ng paborito.
I just shrugged my shoulders and finished my food. Maghuhugas pa sana ako ng pinagkainan ko pero kinuha niya sa akin ang gloves at siya na ang naghugas. He never let me wash the dishes. Siya ang palaging gumagawa no'n.
Medyo mabait naman siya, e. Hindi nga lang palasalita.
Pumunta ako sa salas at sumilip sa bintana. "Umuulan pa rin," mahinang sambit ko.
The weather is nice and I like it. Ang totoo nga ay tinatamad akong lumabas pero nagpapasama sa akin si Mafi at hindi ko naman siya mahindi-an.
Bumalik ako sa kusina at uminom ng tubig. Inilapag ko ang baso sa sink at hindi sinasadyang nasagi ko ang forearm niya. Napakunot ang noo ko.
"Are you sick?" nakatingin kong sabi sa kanya.
He didn't look at me. He just continued washing the dishes kaya naman hinipo ko ang noo niya at bahagya siyang napalayo dahil sa ginawa ko pero hindi ko inisip 'yon.
"You have a fever, Favro!" I said but it seems like he doesn't care.
"Hey, are you okay?" Why do I sound worried?
No. I was just worried because he's nice to me. Palagi niya akong ipinagluluto kaya nag-aalala ako sa kanya. He's not a stranger anymore.
"I'm fine, Alison." Ipinagpatuloy niya ang paghuhugas.
I stopped his hands and it made him look at me. "Just take a rest and I'll do that," I said but he just looked at me. He was straightly looking into my eyes without saying anything.
"I will do that, Favro. Just go to your room and take a rest. You're pale," seryosong sambit ko.
"Alison..." he called me in a serious tone.
"What?"
"Are you worried?"
Nanlaki ang mga mata ko at binitawan ang mga kamay niya. "Hindi 'no! P-paano na lang kasi kapag nagkasakit ka? E, 'di wala nang magluluto para sa akin." What was that stupid reason, Alison?
Hindi nagbago ang expression ng mukha niya. He's dead serious.
"I don't want you to worry about me..." he said and I swallowed to clear my throat. "Just mind your own business," he coldly said and continued what he was doing.
Napalunok ulit ako at hindi na nakapagsalita. Mabilis na lang akong tumakbo paakyat sa kwarto ko dahil sa inis.
"Mind your own business pala, e! E, 'di sige! Paki ko ba sa kanya kung magkasakit siya? Lahat ng tao nilalagnat! He's not a baby anymore, Ali!" naiiritang sambit ko at umupo sa kama.
But I stopped ranting because I felt his body even though I'm here in my room. He was so hot. Nilalagnat talaga siya. Ngayon lang ba 'yon o kahapon pa?
Napabuntong-hininga ako at umiling. "Stop thinking about him, Ali. He's not a kid anymore," sambit ko at binagsak ang likod sa kama saka tumingin sa kisame.
"Just mind your own business like what he said..." I whispered.
"Natatakot ako..."
"Patawarin mo ako, Claire..." Hindi ko makita ang mukha niya. It was blurry.
BINABASA MO ANG
Sound of Silence (Good Hearts Series #1)
RomanceTO BE PUBLISHED UNDER ALBATROZZ PUBLISHING HOUSE. GHS #1 Alison built herself that's why she became successful in life. She got everything she wanted---from a nice house, own company, cars, property in the province to personal luxuries. Even though...