I never imagined that the killer of my child would be my mother. That was so impossible. Totoo ang sinabi ko sa kanya na kahit kailan ay hindi ko siya mapapatawad. Her sin was unforgivable.
Pinapagod ko ang sarili ko sa paglangoy. Kauuwi ko lang galing trabaho at kahit hindi ako makapag focus ay pinilit ko.
It was hard.
Napagpalutang-lutang ako sa pool at nakatulala sa maliwanag na langit.
"Hey."
Napatingin ako sa gilid at nakita ko si Mafi. Tinanggal niya ang suot niyang robe at dahan-dahang pumunta sa tubig. Napatayo ako sa pool.
"Aren't you busy?" tanong ko.
"Hindi naman kaya nga pinuntahan kita," aniya at nagsimulang lumangoy.
Umupo ako sa tiles na hagdan sa pool at pinagmasdan siya. Pabalik-balik siyang lumalangoy at nang mapagod ay tumabi siya sa akin.
"Ano'ng plano mo ngayon sa buhay mo?" tanong niya at pumangalumbaba.
I took a breath. "Magtrabaho lang. Just like before."
"Gusto mo bumalik sa Paris?"
Napatingin ako sa kanya. "Doon tumira? Magtagal doon?" natatawang tanong ko.
"Yup," she uttered. "Sasamahan kita."
Umiling ako. "I was traumatized, Mafi. Bumalik lang naman ako roon para asikasuhin ang divorce namin ni Favro at isa pa, ilang araw lang ako roon."
"Ayaw mo ba'ng i-overcome ang trauma mo?"
"I want to but right now? I can't. I'm too weak to do that, Mafi," I said and stood up. Sinuot ko ang robe ko at uminom ng wine.
Tiningnan niya lang ako. "Pasok na ako sa loob," sambit ko at tinanguan niya naman ako.
Makalipas ang tatlong araw ay may nag doorbell. Linggo kaya hindi ako pumasok sa trabaho. Paglabas ko ay natigilan ako dahil sa taong nasa gate.
"What are you doing here?" malamig kong tanong kay Carolina.
"A-anak, mag-usap naman tayo, oh," pagmamakaawa niya kaya nilapitan ko siya.
"Para saan?"
"Para maipaliwanag ko sa 'yo ang lahat. Please, Clai—"
"Alison. That's my name," I corrected her.
"I-I'm sorry. P-pwede ba kitang m-makausap?"
"Ano ba'ng kailangan mo, Carolina?" naiiritang tanong ko. "Hindi mo na ako anak. Simula noong iniwan mo ako, hindi na tayo pamilya," I emphatically said.
"Alison, please... I will explain everything to you. Please. K-kahit hindi mo na ako patawarin. Kailangan ko lang sabihin lahat sa 'yo," aniya at pinipigilang umiyak.
Sa tingin ko naman ay mayroon akong malalaman sa kanya lalo na kay Felimon Segovia. Binuksan ko ang gate at nauna na akong pumasok sa loob.
Umupo ako sa sofa at humalukipkip. "Say it."
Hindi agad siya nakapagsalita. Huminga siya nang malalim at pinagmasdan ang bahay ko.
"Alison..." tawag niya sa akin. "Nakilala ko ang asawa ko rito sa Pinas. We loved each other so much that's why we had Henri. M-masaya kami dahil mas pinili niyang tumira rito sa Pilipinas kesa bumalik sa France..." pag-uumpisa niya.
Hindi ako umimik. Pinag-uusapan namin ang tatay ni Henri.
"P-pero isang araw... iniwan niya ako. Dinala niya si Henri sa ibang bansa at iniwan tayong dalawa. Galit na galit siya sa akin dahil nag-usap sila ni Felimon at sinabi ni Felimon na hindi ka raw anak ni Harris, ang tatay ni Henri..."
BINABASA MO ANG
Sound of Silence (Good Hearts Series #1)
RomanceTO BE PUBLISHED UNDER ALBATROZZ PUBLISHING HOUSE. GHS #1 Alison built herself that's why she became successful in life. She got everything she wanted---from a nice house, own company, cars, property in the province to personal luxuries. Even though...