Chapter 27

561 7 1
                                    

I've lost count of how many hours I've laid in my bed in a daze. I haven't gotten up since I woke up and I didn't open the curtain so I don't know if it's afternoon or evening.

Bigla ko na lang tinakpan ang mukha ko dahil nasilaw ako nang biglang may humawi sa kurtina at doon ko lang napansin na nakapasok na si Tata sa kwarto ko. "It's 3:00pm, Ali. Hindi ka pa ba babangon?"

Oo nga pala, ilang araw na siyang nandito. Gusto niya raw akong samahan sa bahay na 'to.

"Close the curtain." Tumagilid ako nang higa.

"Alison Claire Segovia, sa tingin mo ba magugustuhan ni Henri ang nangyayari sa 'yo ngayon? Hindi!" aniya. "Kaya bumangon ka na riyan. Let's go out!" Naramdaman ko ang pag-upo niya sa kama ko.

"Ayoko, Tata. Just leave me alone," walang gana kong sambit.

I closed my eyes. I thought I found a mother. Kahit pa hindi kami magkadugo, pakiramdam ko pwede ko siyang maging magulang pero siya pala ang dahilan kung bakit nawala ang anak ko. I don't think I can forgive her.

Nadamay ako at ang anak ko sa away nila. Kung hindi lang sana si Favro ang napangasawa ko, hindi sana ganito.

"Puntahan natin si Sancha? I visited her when you were in Paris. Maganda siya, ah?" aniya at naramdaman ko ang paghiga niya. "She looks like an angel," dagdag niya pa at niyakap ako.

"Ikaw na lang. Wala akong gana lumabas," I said.

"Hmm... she was looking for you. Mukhang okay na siya pero slight lang kasi trauma pa siya, e. Ayaw niya pa lumuwas dito sa Manila," sabi niya.

Hindi na ako sumagot. Wala talagang laman ang isip ko ngayon.

"Nagyayakapan kayo?"

Sabay kaming napatingin ni Tata sa pinto nang may nagsalita at pumasok si Mafi. She was holding a tray of beer. Napatayo agad si Tata.

"Mafi!" aniya at kinuha ang mga beer sa babae.

"Sorry, Alison, ngayon lang ako." Tumabi sa akin si Mafi.

"Sa labas na kayo ng kwarto ko mag-inuman," sabi ko at kumuha ng unan para yakapin.

"Ano ka? Dito ka lang! 'Yoko nga!" ani Mafi at inusog ako kaya napakunot ang noo ko pero tinabihan niya lang ako at tinanggal ang unan na yakap ko saka ako niyakap. "I missed you!" Hinalikan niya ako sa pisngi.

"Aba! Aba! Nagseselos 'yong babae, ha!" si Tata at niyakap din ako kaya napagitnaan nila akong dalawa. Napabuntong-hininga na lang ako at hinayaan silang yakapin ako. Malaki naman ang kama ko.

"Pakasal na tayong tatlo, oh?" Tata whispered when silence ate us. "I mean, tayong tatlo mismo ikakasal sa isa't-isa."

"Kadiri," sagot ko.

"Ayoko, Ta. Hindi naman ako kumakain ng kipay! Tite! Tite ang gusto!" sambit ni Mafi kaya nagtawanan kaming tatlo.

"Kadiri kayo!" natatawang sabi ko.

"Talaga? Kadiri kami?" ani Tata at nagsimula akong kilitiin kaya napatili ako. Ginaya naman siya ni Mafi at kiniliti rin ako. Walang tigil ang pagtili at pagtawa ko dahil sa ginagawa nila sa akin.

Nang mapagod ay pare-pareho kaming hiningal. We were just looking at the ceiling while catching our breath.

"Hey, Ali," Mafi called me. I looked at her and she was still looking at the ceiling.

Sound of Silence (Good Hearts Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon