Chapter 12

788 9 0
                                    

Naging busy ako sa trabaho at kasama ko roon si Mafi. Abala rin siya at napapansin kong nilulubog niya ang sarili sa trabaho. She has a lot of new designs and she let me wear it. Ako ang pinagmomodelo ng mga iyon.

"What do you want for dinner?" I looked at Favro and he was looking at me. Katatapos niya lang maligo at may tuwalya pa sa kalahating katawan. He always does it but I can't get used to it.

I gulped and looked away from him so I wouldn't see his body. "K-kahit ano," sambit ko.

"Vegetable?"

"Kahit ano basta 'wag gulay," sabi ko at kumuha ng tubig sa refrigerator.

"Pork?" Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin.

"Nakakasawa, e. Basta 'wag pork and vegetable." Inilapag ko ang baso sa sink.

Binuksan niya ang refrigerator at kumuha ng tubig. Pagtapos ay uminom siya at tumingin sa akin. "Chicken?"

Napanguso ako at tumingin sa taas para mag-isip. When I finally thought about it, I looked at him. "Roasted beef," I said, smiling.

Napangiti siya at tumango saka inilapag sa sink ang baso. "Alright, ma'am."

I smiled at him, too. Pumasok siya sa kwarto niya at paglabas ay may suot nang t-shirt na green at shorts na white. He hadn't combed his hair yet so it was still a mess.

"Oo nga pala, Favro, paano 'yung mga unfinished case mo sa Pilipinas?" tanong ko pagkatapos niya akong gawan ng apple juice.

"I don't have any unfinished cases, Alison," aniya nang hindi ako nililingon dahil nag re-ready na siya para magluto.

"Talaga ba? How did you finish it all?" Pumangalumbaba ako habang nakatingin sa likod niya.

"It's already done when I opened up about the child thing. Tinapos ko na ang lahat bago pa kita kausapin na pumunta rito sa France."

"Wow! Were you confident that you could bring me here?" natatawang tanong ko.

"Yeah," he said.

"May new case ka na ba? Hindi ko nakikita na busy ka sa case ngayon."

"What do you mean?" He looked at me. "I can't practice law in other country, Alison."

"Ah oo nga pala. I forgot about that," sambit ko. Hirap talaga kapag maganda lang.

Mabilis na lumipas ang araw at nasa modeling ako ngayon. Hindi pa rin ako sanay sa maraming tao pero hindi naman na ganoon ang nararamdaman ko tulad nang dati na halos manginig ako sa anxiety.

Hindi rin naman ako hinayaan ni Mafi na maging lutang dito dahil talagang nakaagapay siya sa akin. She's a big help.

Si Henri naman ay hindi ko pa nakikita simula nang gabing hinatid niya ako. I guess he's a busy man. Lalo na ngayon at may bago siyang launch ng gym.

And Matteo. I never saw him again. The last time I saw him was when he heard me and Favro talking about our annulment. So far, wala pa naman nababanggit sa akin si Mafi tungkol doon kaya sa tingin ko ay hindi niya sinabi.

My phone vibrated and it was a text from Favro.

Segovia:

I'll pick you up later.

Napangiti ako at nag-reply.

Me:

5pm. Thanks!

Hinarap ko si Mafi at naghihintay lang siya sa akin. "Wala akong gagawin mamaya. I'll take you home," aniya.

Sound of Silence (Good Hearts Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon