Chapter 21

614 9 0
                                    

"I don't understand why I'm acting like this, Tata."

I leaned my back on the swivel chair and inhaled a large amount of air. I closed my eyes and massaged the bridge of my nose.

"Hindi kaya buntis ka?"

I automatically opened my eyes and looked at her. "What?"

"Baka buntis ka. Baka pinaglilihian mo si Favro," aniya at pumangalumbaba.

Napaisip ako. Paano kung totoo ang sinabi niya? Umayos ako nang upo at tinitigan siya. "Is that possible?"

"Oo, nag sex kayo, 'di ba?" kaswal na tanong niya.

Kagat-labi akong tumango.

"Oh ayon, baka buntis ka. Wait. Baka nga buntis ka!" Parang ngayon niya lang din na-realize ang sinabi niya. Napatayo siya at mabilis akong niyakap. "OMG buntis ka, Ali!"

"Teka nga! Hindi pa nga tayo sigurado. Ikaw ba ang doctor ko?" natatawa kong tanong.

Kitang-kita na masaya siya pero ayoko munang magpakampante na buntis nga talaga ako. I asked Tata to take me home because I feel tired. Aniya'y sa ospital niya na ako dadalhin para mag pa-check up pero gusto ko kasama si Favro pero wala siya rito. He's in Japan and he'll stay there for a week. Nakakapag-usap lang kami sa video call at unang araw niya ngayon. Nag-away pa nga kami bago siya umalis dahil ayaw niyang tumuloy sa Japan dahil malayo raw sa akin pero sabi ko importante 'yon dahil trabaho.

Nang makahiga ako sa kwarto ni Favro ay saktong tumawag siya. 3pm na rito sa Pinas at doon ay 4pm. Mukhang kauuwi niya lang sa hotel dahil naka suit pa siya.

"Have you eaten, darling?" he asked.

"Yeah. Ikaw ba?"

"I'm about to eat. I miss you," aniya at itinayo ang cellphone para makita ko ang ginagawa niya.

"I miss you, Favro," I said. Tumagilid ako nang higa habang tinitingnan siya.

"I miss drying your hair, darling," aniya.

"Gawin mo pag-uwi mo," sabi ko.

Favro removed his suit and he was just wearing a white polo. Tinanggal niya ang tatlong butones sa taas para makahinga siya at nag-ready ng pagkain.

"Are you okay? You look tired," he said and drank his white wine.

"Yeah, I'm tired. I'll sleep later." I yawned.

"I love—"

"Mr. Segovia, your door was open so I came here."

Napakunot ang noo ko nang marinig ang boses ng business partner niyang babae.

"Favro, why is she there?" mabilis kong tanong at napaupo sa kama.

Binitawan ni Favro ang wine glass. "Darling, wait." Mas lalong napakunot ang noo ko nang tumayo siya at hindi ko na nakita ang ginawa.

"Why are you here?" Favro asked his business partner.

"I can't sleep in my room because I'm not used to it. Pwede bang dito muna ako?"

My jaw clenched. Kumuyom na rin ang kamao ko at gusto ko silang makita.

"I'm sorry I'm busy right now. I'm talking to my wife," ani Favro. "Hey," dagdag niya pero nakita ko na lang ang babae sa video call. Kinuha niya ang cellphone ni Favro at ngumiti sa akin.

"Hi, Mrs. Segovia," bati niya.

"Please don't touch my things, Ms. Flores," malamig na sambit ni Favro at akmang kukunin ang cellphone pero hindi niya pa nakukuha ito ay pinatay na ni Flores.

Sound of Silence (Good Hearts Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon