Chapter 4

1.1K 14 2
                                    

Hindi ako makapaniwala na pagkatapos ng isang taon ay maghihiwalay na kami. I'm happy to know that! Apat na taon na akong nagtitiis makisama sa taong hindi ko naman gusto. I mean, there's nothing wrong with Favro. Hindi naman masama ang ugali niya at hindi rin naman siya mabait. Wala lang kaming pakialam sa isa't-isa.

But of course I want to be with the person I love. I want to be happy.

Habang nasa eroplano ay hindi ko maiwasang isipin ang nangyari bago maganap ang civil wedding namin ni Favro.

I had everything—money, cars, fancy houses, and a good job. I even owned a company and that was because of my hard work. I wasn't born rich but because I didn't want to die poor, I worked hard for myself.

I was living but I wasn't happy because I was alone. I needed a family... but where could I find it?

Wala akong ibang hiniling pagkatapos kong maabot ang pangarap ko kundi magkaroon ng pamilya. I'm afraid to grow old alone.

But one day, I lost everything I had. My company was eaten by someone else... he was so smart.

He was Antonio Felimon Segovia... the chairman of SEGOVIA Co.

He ate my company and I didn't even notice that I was losing it. That's how smart he was.

And to get my company back, he gave me one condition and that was to marry his only child.

I promised myself I would do everything for the company I founded alone so I agreed to what he wanted. I married his son.

At nagising na lang ako isang araw na may asawa na ako... but we only wear our wedding ring when meeting his parents.

"Shit!" gulat kong sambit nang maramdaman ko ang malamig na tubig sa hita ko.

"I'm sorry, miss!" sambit ng lalaki at mabilis na pinunasan ang hita ko pero tinabig ko ang kamay niya.

"It's okay," mabilis kong sambit at pinunasan ang hita ko.

Pero mas nagulat ako nang nilagyan ni Favro nang sapin ang hita ko. He wasn't looking at me when he put it on my thigh because his eyes were closed.

Hindi na lang ako nagsalita. Siya kasi ang nasa window seat kaya ako ang natapunan ng tubig sa hita.

Ano ba ang nangyayari sa lalaking 'to? Bigla na lang talaga siya naging mabait sa akin.

I just wore my aviators and was about to close my eyes pero kinalabit niya ako sa balikat kaya tinanggal ko ang shades ko.

"What?" I mouthed.

"Let's change seats."

"Huh? 'Wag na ang hassle."

"I'm not comfortable here, Alison. Gusto kong makababa agad mamaya. You sit here," aniya at tinanggal ang seatbelt.

"Seriously, Favro? Umaandar na ang plane," inis kong sambit pero 'di na siya sumagot at dahil tatayo na siya ay mabilis kong tinanggal ang seatbelt.

Nang makapagpalit kami ng upuan ay napabuntong-hininga ako at napailing. Hindi na siya nagsalita at sinuot na lang ang shades niya.

Hindi na kami sa Greece pupunta dahil hindi siya pumayag. It was so far so we decided to go to Paris. Isa pa ay may business din doon ang pamilya niya para naman daw hindi siya unemployed kapag nasa ibang bansa na.

I couldn't sleep because of my insomnia. Buti na nga lang at nawala na ang lagnat ko kagabi.

Makalipas ang mahabang oras ay nakarating kami sa destinasyon. Wala naman kami masyadong dalang damit dahil dito na raw sa Paris bibili.

Sound of Silence (Good Hearts Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon