Yoko's pov
Haysstt... Kapagod mag trabaho i need break. Lumabas na ako ng building namin at nakita ko si faye na naka sandal sa tricycle niya. Hanggang ngayon kasi hindi parin ayos ang kotse niya.
"Kamusta trabaho?"
"Kapagod" reklamo ko sa kanya.
"Sino ba kasing pumipilit sayo na mag trabaho ka?"
"Nakakahiya naman kasi sayo kung pabigat lang ako. Pwede ba yun ganda lang ambag ko sa buhay mo"
"Pwede naman"
Sumakay na ko sa tric niya. Agad naman niyo itong pinatakbo dahil panigurado ipit nanaman kami sa traffic nito.
-----
Faye's pov
Kakarating lang namin ng bahay. Nauna ng pumasok sa loob si yoko habang ako ay sumaglit muna rito kay lisa.
"Nga pala faye baka gusto niyong sumama sa resort namin sa palawan alam muna para makapag relax"
mabuti naman at na banggit ni lisa ang resort nila. Pwede kung dalhin si yoko don para naman makapag unwind siya. Pansin ko kasi na parati na lang siyang pagod galing sa trabaho niya.
"Maganda idea yan. Kailan niyo ba balak pumunta don?"
"Bukas"
"Sige tatanungin ko muna si yoko if may trabaho siya bukas"
"Bakit kasi pinagtrabaho mo pa siya. Kaya mo naman siyang buhayin kahit mag hilata lang kayo buong taon dyan sa bahay niyo diba"
"Hindi ko naman siya pinilit na mag trabaho choice niya yan wala akong magagawa dyan"
"Pero asawa ka niya may karapatan ka na pagbawalan siya"
"Sa papel, pero ngayon na sa ligawan stage pa lang kami"
"Ampt.. nanliligaw ka pala? Ni hindi nga kita nakitang nag bigay ng bulaklak sa kanya. Wala ka kasing ka sweetan dyan sa katawan mo. Paano ka niya sasagutin hindi mo man lang siya binibigyan ng mga regalo"
Kailangan pa ba yun. Hinahatid at sinusundo ko naman siya sa work niya tapos pinag luluto ko pa siya hindi pa ba enough yun?
"Malay ko ba kung paano manligaw nasanay kasi ako na ako ang nililigawan"
"Wooaawww... Grabe ang lakas ng hangin shett.. muntik na akong mapalid sa narinig ko!"
"Gago!"
Napahaba ang kwentohan namin ni lisa at hindi ko namalayan na alas 8 na pala. Kaya nag paalam na ako sa kanya.
Pag pasok ko ng bahay nakita ko si yoko na nag luluto. What in the world marunong pala to mag luto.
"San ka galing, bat ang tagal mo?"
"Sa labas may pinag usapan lang kami ni lisa"
"Sige na umupo kana dyan kakain na tayo"
Sinunod ko naman ang sinabi niya. Tamang tama lang pala ang pag dating ko dahil nakahain na pala ang lahat sa mesa expect sa ulam na niluluto niya.
Kahit pagod siya nakuha niya paring mag luto. Apaka wife material nga naman talaga ng babaeng ere.
"Our ulam for today is buttered garlic shrimp ala Yoko"
Litaw na litaw talaga ang aroma ng butter. Umupo na rin siya sa tapat kaya kinuhanan ko na siya ng kanin.
"Let me pell it for you"
"Nag papalakas ata ang manliligaw ko for today's video ah"
Hindi ko na lang siya pinansin pinag patuloy ko na lang ang pag balat ko ng hipon at nilagay sa plato niya.
"Ang sabi nila if you really love the person ipagbabalat mo siya ng hipon, so ibig sabihin mahal mo ko?"
"Oo, baka, maybe"
"Isa lang ang tanong ko pero 3 ang sagot mo ibigsahinin ba niyan ay I love you?"
"I love you too"
"Anak ng putcha sa harapan pa talaga ng pagkain nag landian. Pati ako kinilig sa inyo. Pati si sunny boy naiihi na rin sa kilig oh" nagulat naman kami sa nag salita.
"Gago lisa bakit nandito ka?" Ni hindi man lang namin na pansin na naka pasok na pala tong kuto na to.
"Hihingi ng ulam. Naamoy ko kasi ang ulam niyo kaya sige na pahinga ako para makaalis nako at mapag patuloy niyo ang kalandian niyo"
Basag trip talaga tong babae na to. Pinagpatuloy na lang namin ni yoko ang pagkain naming dalawa.
Pagkatapos naming kumain umakyat na agad kami sa kwarto para makapag linis ng katawan.
Pagkalabas ko ng cr nakahiga na si yoko sa kama. Pinatuyo ko muna ang buhok ko sa electricfan dahil hindi ako sanay na natutulog na basa ang buhok.
"Yo may pasok ka ba bukas? Inimbitahan kasi ako ni lisa na sumama raw tayo bukas sa kanila sa resort nila sa palawan para makapag relax daw"
"Thanks god. Wala akong pasok bukas. Ang bait talaga ni lord dininig niya ang panalangin ko" eh..? ganon na ba siya ka pagod sa trabaho niya?.
"Kung ganon e tetext ko na lang siya na sasama tayo bukas sa kanila"
Ng matuyo na ang buhok ko agad na akong pumwesto sa kama. Kami lang ata yung nag liligawan na magkaakapan tuwing gabi.
"Faye, i miss the twins!"
"Gusto mo gawa rin tayo?"
Kinurot niya naman ang braso ko. Ilang araw na rin kasi since kinuha ni carlota ang kambal pero nandun lang naman sila sa kanto. Pero tong si yoko parating walang oras kaya hindi kami nakadalaw don.
"Sa tingin ko kung may deck ka lang mahigit isang dosena na ang panganay mo"
"Hoy hindi ako ganyan ka tigang no! Nibor bin tats nebor bin kiss pa to"
"Huh? Sa tanda mong yan virgin kapa?"
"Sige lakasan mo pa"
"Unang kita ko palang sayo akala ko babaero ka yun pala" tawa naman siya ng tawa.
"Bahala ka na nga dyan matutulog na ko" tumalikod na ako at nag taklob ng kumot.
"Ito naman apaka matampuhin" pinilit niya akong humarap sa kanya pero nag matigas ako.
"Faye, Isa. Pag ito umabot sa tatlo nako"
"What?" Ang ingay niya kaya humarap na lang ako sa kanya.
"Iayos mo ang braso mo hihiga ako."
Ay opo, yes po, nasanay na po siyang humiga sa braso ko kahit sobrang lawak naman ng space niya. Wala naman na akong magawa kundi sundin siya. Pumikit na lang ako dahil pagod rin ako kanina at sobrang bilis lang ng tulog ko.
"Let me be your first kiss and last" nagulat ako ng may maramdaman akung humalik sa labi ko.
Binuksan ko ang mata ko at nagkatinginan kaming dalawa ni yoko. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya at dinampihan ko siya ng halik. Hanggang sa hindi ko na malayan na lumalalim na pala ang halikan namin.
"Magpahinga na tayo dahil maaga pa tayo bukas"
Pinutol ko ang halikan naming dalawa dahil baka kung saan pa umabot ang halikan namin.
YOU ARE READING
Surprise Bitch Im Married
Fantasy"mom, dad, Im married!" lahat ng relatives namin ay nagulat sa announcment ko. Sino ba naman kasi ang mag aakala na ang unica ija ng pamilyang Letpraser ay kasal na. You all hear that Bitches Im Married.