CHAPTER 4

0 0 0
                                    

Ganda

Nanginginig ako dahil sa galit nang marinig ko 'yon. Sa loob ng sixteen years wala na akong ginawa kundi ang sundin ang utos nila. Gusto nila. Nakaka baliw dahil hindi ko naranasan ang maging malaya.

Mararanasan ko pa kaya?

Taas, baba ang aking dibdib nang itulak ko ang lamesa saka tumayo.

Bumaling ang tingin ko kay Papa na nawala ang ngiti sa labi.

"Ako lang ba ang hindi nakakaalam sa bagay na 'to?" my voice trembled as I roamed my eyes at them.

"Anak, Caroline, will you please sit down? Nakakahiya," ani Papa sa pagitan ng kanyang mga nagtatagis na ngipin.

Umiling ako. Unti-unti ko nang nararamdaman ang mainit na likidong nangingilid sa aking mga mata.

Pinalis ko 'yun. No, I won't cry in front of them. Not now! How many times did I do that, and guess what? I realized that I looked like a poor puppy. No strength to fight for myself. No strength to disobey their commands. No strength to speak for my rights. I have no strength when I'm with them!

I always ended up with their command. Command that I need to obey because I'm the daughter, they are my parents.

They say that parents are always right. They know what the rights are for their child. But this? This thing? I don't think there's a right here.

"Nakakahiya kayo. Pa, Ma!" sumikip ang dibdib ko. "Ito ba talaga gusto niyo sa'kin, ha?! Ang ireto ako na para bang isang wala lang?! Pa, maling-mali na 'tong ginagawa niyo! Eighteen years old? Magpapakasal? Asawa? Fuck! I'm starting to see the real world at that age!"

Bumaling ang tingin ko kay Clark na tumayo at lumapit sa akin. Hinawi ko ang braso ko na dapat hahawakan niya, pinalipad ko ang nanlalamig kong palad sa kanyang pisngi.

"Ikaw! Pinagkatiwalaan kita tapos ganito ang gagawin mo?" naikuyom ko ang aking kamao bago bumaling sa kanila.

Si Mrs. Justo ay hindi makapaniwala sa aking inasta. Si Papa naman ay halos patayin ako gamit ang mga mata. Habang si Mr Justo ay gulat na gulat padin.

"Huminahon ka Caroline," haplos sa akin ni Ate.

Pakiramdam ko ay nawalan ako ng pamilya sa sandaling 'to. Lahat sila ay may alam samantalang ako, wala? 'Di ba dapat nga ako ang mas unang nakakaalam sa bagay na 'to?

Bakit? Bakit sarili kong pamilya traydor sa akin?

"Ate, m-may alam ka ba dito?" sana hindi. Sana wala.

Hindi ko na hinintay ang kanyang sasabihin. Yumuko lamang siya. Doon pa lang ay halos ibato ko na ang platong nasa harapan ko.

"No! I'm done. I'm done with all of these!"

Dali-dali akong lumabas sa restaurant. Doon ko palang nailabas lahat ng luhang kanina ko pa pinipigilan. Ang sikip sa dibdib. Pakiramdam ko ay wala ng mapwe-pwestuhan ang sakit sa puso ko dahil punong-puno na.

Sunod sunod ang hikbi na kumakawala sa aking bibig. Taas, baba ang dibdib. Panay ang punas ko sa mga luhang panay maya't maya ang labas.

Bawat nakakasalubong ko sa daan ay hindi maiwasan ang mapatingin sa akin. Umihip ang malamig na hangin, dahil sa suot ko mas lalo kong naramdaman iyon.

Ang mga ilaw galing sa iba't ibang sasakyan ay sapul na sapul sa aking mukha.

Wala na akong ibang maramdaman sa pamilya ko kundi ang galit. Hindi ko nga alam kung dapat ko pa ba silang tawaging pamilya. Simula nang ganito ay pakiramdam ko wala naman na talaga akong pamilya.

672 Hours With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon