Gusto
Pagkatapos ng tagpo na 'yon ay may kapal pa siya ng mukha para ihatid ako sa bahay. I was about to enter in sa aming double doors nang makita ko doon sila Ava, Cherry, Mama, Papa, and Ate sa sala. They were all shock no'ng makita ako, basang- basa at nanginginig.
"Dios por santo! Manang, pakikuha ng towel!" si Mama.
Mabilis akong dinaluhan ni Mama papasok ng bahay habang ako naman ay para lang nagpapatianud sa kung saan niya man ako dalhin. Kung magsasalita ako ay pakiramdam ko wala ng kwenta 'yun.
"Enzo!"
Narinig ko si Ate. Nilingon ko sila habang iniabot na ni Manang ang tuwalya kay Mama at pinunasan ako. Inutusan din ni Ate si Manang sa isa pang tuwalya para kay Darius. Kita ko na gustong abutin ni Ate si Darius pero naiwan lang ang kamay niya sa ere nang kunin ni Darius ang tuwalya kay Manang.
"Saan ka galing?" si Papa sa isang malalim na boses.
Nagpalit ang tingin ni Papa sa akin at sa kay Darius. Yumuko ako. Mariin akong niyakap ni Mama sa ulo bago niya akong pasadahan ng tingin. Pinayakap niya sa akin ang mahabang tuwalya sa likod ko. Siniklop ko naman ang tuwalya sa katawan ko dahil lamig na lamig na rin ako.
Nakikitaan ko na kung saan patutungo nga lahat kaya akmang tatalikod na sana ako para pumunta sa kwarto ng tawagin ako ni Papa.
"Magkasama kayo? si Papa, nakatingin kay Darius.
Nakita ko naman na tumayo sila Ava at Cherry, papunta na sa gawi ko. Umirap lang ako.
Umayos sa pagkakatayo si Darius. Saglit na tumikhim bago tumingin kay Papa.
"Yes po, Sir."
"Umalis ka ng school Caroline, tama ba?" tanong ni Papa sa akin pero ang titig na kay Darius parin.
"Opo..." simpleng sagot ko.
"Anong ginawa mo sa kanila?" dagdag ni Papa ulit.
Para akong naubusan ng sasabihin nang idagdag ni Papa iyon.
"Sir, naliga-"
"Totoo ba ang narinig ko na may relasyon kayo ni Damarius at ni Caroline?"
Pareho kami ni Darius natutop dahil sa tanong ni Papa. Nanlaki ang mata ko bago balingan si Ate na nasa tabi ni Darius, hindi gumagalaw tanging sapo ang kaniyang tiyan. Panibagong tusok sa puso ang naramdaman ko nang makita sila sa gano'n na posisyon.
"Papa, h-hindi naman sa gano'n..." panimula ko.
"Bakit ka pumunta sa kanila? At ano itong mga larawan na 'to?"
Kumunot ang noo ko nang pumunta si Papa sa coffee table at kunin ang mga larawan na nandoon 'tsaka tinapon sa sahig. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita na ang mga larawan na iyon ay kami ni Darius.
Nagaalab si Papa sa galit ngayon. Magsasalita pa sana ako nang mabilis na kinain ng distansya ni Papa ang pagitan nila ni Darius at binagsakan agad ito ng kamao sa mukha. Lahat kami ay napatili doon!
"Walang hiya ka! Ang kapal ng mukha mo para pati ang isang anak ko ay idamay mo sa kahayupan mo!"
Nakahiga na si Darius sa sahig habang si Papa ay nasa ibabaw niya at walang tigil ang pagpapaulan ng suntok. Mabilis na pumunta si Mama para awatin si Papa. Hinawakan ko naman ang kwelyo ni Papa para hatakin sana siya nang itulak niya lang ako. Pabagsak akong naupo kung nasaan ang mga larawan, agad naman akong tinulungan nila Ava.
Nanginginig at takot na takot si Ate habang sumisigaw.
"Papa, tama na!" sigaw ko nang mapansin na duguan ang mukha ni Darius.
BINABASA MO ANG
672 Hours With You
Teen FictionIn that one night, God gave her a chance to meet the man of her dreams. Only in just six hundrend and seventy-two hours. Isang gabi kung saan muli niyang makakapiling ang lalaking binigyan siya ng saya na hindi niya naranasan kahit nino man. The ma...