Hindi mo lang alam
Nang pinag buksan na kami ng gate ay lumakas na ang kalabog ng aking dibdib. Lumiko ang sasakyan. Huminto na sa aming open doors. Habang inaayos ang aking gamit ay tanaw ko na ang aking ama na naka krus ang mga braso at madilim ang aura.
Pagtapak ng aking mga paa sa lupa ay nawala ang aking takot.
Bakit ako matatakot? Wala naman dapat ika takot hindi ba?
Taas noo kong lumakad palapit kay Papa.
Ngunit...
Sumalubong sa akin mabigat niyang palad. Ang init na pinag halong hapdi sa aking labi at pisngi ay naging dahilan upang muli na naman akong napa iyak.
Kakasabi ko lang kanina na hindi na ako iiyak... pero bakit ganito? Naiinis ako sa sarili ko! Bakit hindi ko kayang kontrolin ang emosyon ko? Nakakapagod nang umiyak at isipin nila na mahina ako.
Hinigit ni Papa ang aking braso. Ilang beses akong napadaing sa sakit dahil sa pagkakahigpit nang hawak niya. Tagos hanggang buto.
Buong pwersa niya akong hinagis na para bang gamit sa aming sofa. Mabilis kong hinaplos ang aking braso, walang tigil ang pag agos ng mga luha. Kahit nanlalabo ang aking mga mata ay sinubukan ko pa ding mag angat ng tingin kay Papa. Hindi klaro pero sapat na makita ko ang madilim niyang mukha.
"Alam mo ba kung ano ang ginawa mo, ha?!" animoy naging kulog ang kaniyang boses na bumalot sa aming buhay.
Taas, baba ang aking dibdib. Sa gilid ng aking mata ay kita ko ang aming mga kasambahay na pinili nalang umalis.
"A-Alam k-ko." hindi ko na magawang bigkasin nang maayos ang mga salita dahil sa barado kong dibdib.
Sinubukan kong pakalmahin ang aking sarili pero nauwi lang yun sa isang hagulgol na siyang nag palakas nang bawat pag hikbi ko.
"Nang dahil sa ginawa mo may posibilidad na umatras si Mr. Justo sa negosyong dapat ipapatayo namin! Malaking negosyo 'yun, Caroline! Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?!"
Umiling ako.
"Si Clark. Sa lahat ng lalaki dito sa mundo siya lang dapat ang para sa'yo! Si Clark ang nakakabuti sa'yo. Tapos mag iinarte kalang? Tangina! Caroline, itong ginagawa ko para sa kanyang future niyo. Para sa inyo."
Sunod- sunod ang aking pag iling. Kahit saang anggulo hindi ko makita ang future na sinasabi nila. 'Di ba mas maganda kung ako ang gagawa nang future ko? Na alam ko sa sarili ko ang mga bawat gagawin ko dahil iyon ang gusto ko.
Oo sila ang dahilan kung bakit ako nabuhay pero sa ngayong nasa tamang pag iisip na'ko, ako na ang bubuhay sa sarili ko. Ako na dapat ang bubuo ng mga desisyon na gusto ko. At dapat lang silang mangealam kapag mali na ang landas na tinatahak.
Ganun dapat ang magulang 'di ba? Sila ang gagabay sa atin, hindi 'yung bubuhatin tayo na para bang sanggol sa pang habang buhay.
Narinig ko ang pag singhap ni Papa dahil sa ginawa ko.
Lumuhod ako sa kaniyang harapan saka yumuko. Pinalis ko ang aking mga luha gamit ang likod ng palad.
Isang takong ang narinig ko na nagmamadaling lumapit sa aming gawi.
"Dios ko! Caroline, Alfred ano bang ginawa niyo?" nag hehesteryang si Mama. "Caroline, tumayo ka nga diyan." higit niya sa aking braso, nag matigas ako.
"Papa, please... hayaan niyo ko." napagod na ako.
"Tumayo ka."
Parang may mga sariling buhay ang paa ko dahil sa agaran kong pag sunod sa utos ni Papa. Suminghap ako nang mabilis na hinigit ni Papa ang aking panga.
BINABASA MO ANG
672 Hours With You
Teen FictionIn that one night, God gave her a chance to meet the man of her dreams. Only in just six hundrend and seventy-two hours. Isang gabi kung saan muli niyang makakapiling ang lalaking binigyan siya ng saya na hindi niya naranasan kahit nino man. The ma...