Friends
Dalawang araw na ang lumipas simula nang mangyari ang pagkakasundo sa amin ni Clark. Hanggang ngayon ay hindi kami nagkikibuan nila Papa.
Dalawang araw na rin ang nakalipas at hindi ko parin makalimutan ang lalaking 'yun! Nakaka inis siya ng sobra lalo na't nakikita ko siyang napapadaan dito sa aming subdivision para mag benta ng ice cream.
Papasok palang ako sa school ay agad kong sinabi kila Ava ang nangyari. Ang tungkol sa arrange married namin Clark. Maging sila ay gulat na gulat at hindi makapaniwala.
"Ibig sabihin... planado talaga ni Tito?" tanong ni Cherry habang naglalakad kami papuntang room.
"Ano bang merong utak ang tatay mo? Haler! Wala tayo sa drama- drama na ganyan. 'Tsaka hindi ko alam na talaga palang nangyayari sa totoong buhay ang ganyan, 'no?" si Ava.
"Kahit naman din ako. Sa mga libro ko nga lang 'to nababasa, eh. Isa pa ay kahit anong mangyari hindi ako makakapayag na matuloy 'yun," mariing sabi ko.
Nakaraang gabi palang ay sinubukan akong katukin ni Mama sa kwarto at dahil nakuha niya ang susi ng aking kwarto ay madali na ring nakapasok si Mama.
Ilang beses akong pinakiusapan ni Mama tungkol sa plano ni Papa. Na kailangan ko raw itong intindihin dahil para naman daw din ito sa future ko. At first I thought she's on my side...
"Ma? Future? Seriously? Akala ko kakampi kita rito?" I confronted before I made my way to the SUV.
Ilang gabi na akong walang matinong tulog kakaisip kung bakit at paano nila ito ginagawa sa akin? Para akong nag sosolve ng isang Math theory na hindi lang basta sagot ang kailangan ko. Kailangan ko ng sagot na isa pang sagot.
Sapilitan akong pinilit ni Mama na pirmahan ang isang papel. Nakatupi ito at ang tanging pipirmahan lang ang nababasa ko. Hindi naman na ako pinanganak kahapon para hindi malaman kung ano 'yun. Ang alam ko lang pagkatapos ng araw na iyon ay grabe na ang pagkamunhi ko sa kanila. Masyado na silang desperada para maipakasal ako kay Clark. Ba't hindi nalang si Ate? She's the eldest and she should have been first to arrange before me.
Sabagay... ba't pa ba ako magtatanong, eh, paborito nilang anak 'yun.
Simula nun ay malala pa sa yelo ang pakikitungo nila sa akin, pero okay lang naman. Mas maganda na 'yun. At least medyo gumaan ang loob ko.
Kaya naman pag pasok namin sa classroom ay walang humpay ang pag rereklamo ni Ava. Si Cherry naman ay naawa sa akin.
"Alam mo bakit hindi mo try na tumira sa amin? Masaya dun!" suhesyon niya pa.
Napahinto ako sa aking tapat ng lamesa dahil sa mga flowers at chocolates na nakalatag dun. Kinuha ko ang isang letter na may roses na naka ipit sa pagitan ng papel.
Tumaas ang kilay ko dahil sa nabasa.
"Roses are red, violets are blue, say my name and I'll be with you."
Valentino -
Nilukot ko ang papel saka tinapon sa kung saan. Ngayon ay namomroblema tuloy ako kung paano ako hindi mahihirapan sa pagtapon ng mga 'to.
"Girl, help you want?" ani Cherry.
"May pakinabang rin pala pagiging maganda mo, 'no?" napalingon ako kay Ava.
Ngumisi ako. Pikit niyang ninanamnam ang isang toblerone. Kung iisipin ay para bang first time nya lang maka tikim ng chocolates. The rest ng lahat ay kinuha na nila. Ubos.
BINABASA MO ANG
672 Hours With You
Teen FictionIn that one night, God gave her a chance to meet the man of her dreams. Only in just six hundrend and seventy-two hours. Isang gabi kung saan muli niyang makakapiling ang lalaking binigyan siya ng saya na hindi niya naranasan kahit nino man. The ma...