Life
"Hoy, ba't tulala ka d'yan?" siko sa'kin ni Cherry.
Napairap nalang ako at pumangalumbaba sa aking arm desk. Tuon lang ang buong atensyon ko sa white board, tahimik kong hinihintay ang pagdating ni Ma'am.
Samantalang ang mga classmate ko naman ay busy'ng-busy sa mga kanya-kanyang ginagawa. Ang iba ay parang nasa parlor kung makapang ayos ng mga buhok sa isa't isa. Ang classmate ko naman na si Mylene ay umiiyak sa hindi ko malaman na dahilan, we're not close so, whatever... tutal to the rescue naman ang mga kaibigan niya na todo hagod sa kanyang likod.
Karamihan sa mga classmate kong lalaki ay tutok lamang sa mga kani-kanilang phone. Ang isa ay walang preno ang bibig sa kakamura't gigil na gigil sa pagdutdot ng kanyang cellphone. May times pa na bigla silang sisigaw na para bang talo sila.
At siyempre, ang mga kaibigan kong siraulo ay busy sa pakikipag chat sa mga jowa nila.
Habang ako, eto, committed sa mga fictional characters at mukhang tatandang dalaga--- I mean, tatandang kasal sa mga libro.
Hindi naman sa pagmamayabang pero marami rin naman akong manililigaw. Wala parin akong natitipuhan. Kasi, you know, feeling ko nowadays wala nang matino ang seseryoso ngayon.
Hindi ko nilalahat pero kasi sandamakmak ang mga manloloko ngayon. Mahirap na maging biktima.
"Andyan na si Ma'am!"
Napaayos ako nang upo ng sumigaw ang isa kong kaklase na galing sa labas at nagmamadaling pumasok 'tsaka naupo sa kanyang upuan.
I took a deep breath. Every second passed hindi ko maiwasan ang kabahan. Lalo na't ngayon ang i-a-announce kung sino ang mga kasali sa honor for this 1st semester. As consistent honor kailangan kong makapasok dito--- no scratch that. Kailangan kong manguna. Oo, alam ko para sa ibang estudyante ay okay lang ang ganito pero para sa'kin, hindi.
Lalo na't kapag malaman ng parents mo. Ayaw ko silang mabigo. Actually, wala naman sigurong oras na hindi ko sila binibigo. Kung ano ang gusto nila ay 'yun ang nasusunod.
Kailangan kong mag aral ng mabuti para sa kapakanan ko at para sa good image sa'kin gawa ng anak ako ni Papa. Walang araw akong hindi umiiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko.
Tulala akong nakatingin sa white board na nasa harapan. Pagkatapos sabihin ni Ma'am Vera ang mga honors ngayon halos hindi na'ko huminga. Iniisip ko pa lang ang sasabihin sa'kin ni Papa ay gusto ko nalang magpalamon sa lupa or kaya maging patatas.
"Girl, bawi nalang next semester. Basta't ang importante friendship goals tayo kasi lahat tayo nasa list. Aminin, ang happy ko do'n," si Cherry na pinipilit bigyang buhay ang aura namin ngayon.
"Gaga! Kilala mo naman ang tatay niyan. Pagdating kay Tito walang bawi, bawi. Walang mistake, mistake kasi always perfect!" iritadong sinigaw ni Ava ang huling salita.
Pagkatapos sabihin ni Ma'am Vera na pang tatlo lang ako sa Top list ay gusto ko nalang mag tago at h'wag umuwi. Pero kahit 'yun naman ata ang gawin ko'y malalaman at malalaman parin ni Papa ang tungkol dito.
Baka nga sa mga oras na'to nakarating nasa kanya ang balita. Mangangalahati narin kaming nakatambay dito sa classroom. Bilang President si Cherry ng classroom ay siya ang huling umuuwi para i-lock at i-check ang room.
"Kahit kailan talaga. Hindi na nagbago yang si Tito Alfredo, 'no? Alam mo da't sinabi ko sa mama ko na hindi siya iboto para sa mayor natin," umikot ang mata ni Ava.
"Buang 'to! Magaling naman si Tito pag dating sa mga politika 'no. 'Tsaka mas okay nang si Tito ang nanalo ngayon sa eleksyon kesa sa matabang panot na puro lang pangako!" si Cherry.
BINABASA MO ANG
672 Hours With You
Roman pour AdolescentsIn that one night, God gave her a chance to meet the man of her dreams. Only in just six hundrend and seventy-two hours. Isang gabi kung saan muli niyang makakapiling ang lalaking binigyan siya ng saya na hindi niya naranasan kahit nino man. The ma...