CHAPTER 8

0 0 0
                                    

Rebelde

"Ang gwapo niya 'no?" kilig na kilig si Ate, nasa loob kami ng sasakyan. Pauwi na.

"Talaga? Hindi ko napansin,"patay malisya ko.

Gwapo raw... maharot naman! Dimples lang naman ang puhunan no'n kaya ganun!

Tinapik niya ang braso ko, "Ano kaba! Gwapo kaya siya! Sa lahat ng batch namin siya talaga ang tinitilian. 'Tsaka, take note! Bago palang siya nung nakaraang linggo!"

Bago? Ibig sabihin nung panahon na nakikita ko siyang nag bebenta ng ice cream... hindi pa siya pumapasok?

Malamang! Kakapasok nga lang daw, eh.

Bakit kaya late na siya nakapag enrolled? Financial? Family problem? Or breadwinner?

Pero kung isa 'yan sa mga dahilan masasabi kong maswerte parin siya. Kasi kahit papaano ay mahal na mahal parin siguro siya ng mga magulang niya kahit sa anong hirap.

Nakauwi na kami at napatigil ako sa pagsusuklay sa aking buhok nang makaranig ako ng katok.

"Kain na tayo, Caroline," si Ate na dumungaw lang.

"Uhmm... wala paba sila Mama?"

Alam kong hindi maganda ang pagsasama namin these past few weeks pero nag aalala pa rin naman ako. They're my parents after all.

"Wala pa. Baka mga November pa ang dating nila. Balita ko kasi bumaba raw ang mga sales ngayon... 'yun mga iba pa nating business ay ganun din."

"Paano 'yung munisipyo?"

"Binabalitaan siya ng Secretary niya and while he manage our businesses, he doing also his job as a Mayor. Pinipirmahan ang dapat pirmahan. Ang sabi pa ay nagkakaroon sila ng meeting through online," hindi ko alam kung saan pa ni Ate nakuhang ngumiti.

"Ahh... sige, susunod nalang ako. Tapusin ko lang 'to." angat ko sa suklay.

Paniguradong isa sa mga dahilan kung bakit nagkaka ganito ang mga negosyo nila Papa, 'yun ay ang nagawa ko sa harapan ng mga Justo. Sa harapan nila Papa.

Masyadong kilala ang mga Justo pagdating sa mga negosyo hindi lang sa pulitika. Malawak din ang kanilang social kaya kung may ginawa man si Mr. Justo para magka ganito ay dahil 'yun sa pag ayaw kong pagpapakasal kay Clark.

Nang nasa hapag na kami ay taimtim lang akong kumakain hanggang sa nag ring ang phone ni Ate.

"Oh, kumusta?"

Sumimsim ako ng Juice, iniiwasang makatinginan si Ate.

"Nakausap mo si Damarius?"

Napataas ako ng kilay.

"Papasok daw ba siya bukas?"

Bakit naman siya nagtatanong kung papasok ba siya o hindi?

Pagkatapos kong uminom ng juice ay kumuha ako ng sabaw ng sinigang.

"Nasa barbequehan ba siya? Tara! Puntahan natin!"

Agad kong nabitawan ang kutsara kung bakit nahulog iyon sa plato. Lumagapok ang tunog nito dahil sa babasagin na plato at stainless na kutsarang kumikinang.

"Okay kalang ba?" nag aalang tanong ni Ate.

Tumango ako.

"Oh... sige- sige. Chat ko nalang si Damarius ta's sabihin ko punta tayo bukas? Or maganda rin kung i-surprise nalang natin."

672 Hours With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon