CHAPTER 12

8 0 1
                                    

Something I need

Naging usapan ang tungkol sa celebration party kagabi sa bahay. Lahat sila ay nagulat na ang scholar na tinutukoy ay si Darius. Marami pa ang nag sasabi na siya na ang pinaka maswerte sa lahat ng scholar. Kahit naman din ako ay hindi maiwasang mamangha.

Paano ba naman, pagkatapos niya sa kolehiyo ay napagpasyahan na isa siya sa mga hahawak ng aming negosyo. Sa Rizal 'yun kaya naman panigurado akong malaki ang kikitain niya dahil doon nag umpisa si Papa.

See? Nasa kanya na ang lahat. Siya na.

"Hoy! Ba't tulala ka? 'Di ba nga dapat happy ka kasi bet ni pader mo si Darius," ani Cherry.

Andito kami ngayon sa gazebo, inaasikaso ang mga dapat asikasuhan dahil malapit na mag Christmast party. Need namin 'to matapos before the first week of December.

Major subject din 'to kaya kailangan namin maipasa.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko habang nag-ta-type sa aking laptop.

"Pwede na kayo magmahalan dahil walang hahadlang. Oh, panis... rhyme 'yun," sagot ni Cherry.

Actually she has a point but I'm not sure if we can get in at that stage. I mean more than friends? Break the walls in between us... Baka nga mas gugustuhin no'n si Ate, e. 'Yung tawanan palang nila kahapon ay talagang masaya sila na nagsasama.

Wait ba't ko ba iniisip 'to, e hindi ko nga sure kung seryoso 'yun. Saka, Caroline, hello, get back in reality. Si Ate ang pakay no'n not you.

At isa pa hindi ko naman siya gusto, duh.

"Hindi ka paba convince kagabi na imbes kay Ate Annaliese siya tumabi, e lumipat pa talaga ng pwesto para lang makatabi ikaw. Nuks!" napatigil ako saglit sa pagtitipa nang hampasin ako ni Ava sa balikat.

Sinamaan ko siya nang tingin.

"Ba't 'di ka kinikilig?" tanong niya na para bang required talaga 'yun. "Kiligin ka! Ano, may iba ka na bang nagugustuhan?"

Umayos ako nang pagkakaupo at inirapan lamang sila. Bumalik ako sa pagtitipa. Erase, type pa ang nagagawa ko.

"Hindi sa gano'n..." hindi pa ako tapos nang bigla silang nag tilian.

Humugot ako nang malalim na hininga saka muling itunuon ang atensyon sa kanila.

"Kung ano man ang nasa isip ninyo, hindi 'yun totoo. At mas lalong hinding- hindi ko magugustuhan ang malanding 'yun," diin na pagkakasabi ko. Nilakasan ko pa ang huling salitang sinabi ko para talagang maisip nila na never na mangyayari 'yun.

"Awts, ibig sabihin balewala pala 'yung–"

Ang malungkot na si Cherry ay hindi natuloy ang sasabihin nang takpan ng kamay ni Ava ang bunganga niya.

Doon na talaga naagaw nila ang atensyon ko.

"Ano?" I wrecked my forehead.

"Wala. Wala 'yun sadyang naka- high ang lukaret kaya ganito," hilaw na ngiti ni Ava.

Akmang magsasalita pa sana ako nang marinig ako ng tilian ng mga babae. Paglingon ko kung ano 'yun ay siyang pag taas ng aking kilay.

Daig ko pa ata ang menopausal dahil sa mga nitong araw na madali akong mainis.

Walang sabi- sabi ay mabilis kong niligpit ang mga papel na nakalatag sa lamesa, pati ang aking laptop. Nilagay ko ang mga ito sa bag saka umalis ng walang pasabi.

672 Hours With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon