Pregnant
Dumating ang gabi at wala paring reply si Darius sa akin. Naka almost 100 message na ako sa kaniya. Lahat ng contacts na meron ako sa kaniya ay sinendan ko na rin ng message. Sa Facebook naman ay naka deactivate ang kaniyang account.What are you really up to? Gano'n ba kabigat ang problema niya para umabot sa ganito? Mag mula nong sumamit 'yung new year's eve at birthday niya ay parang wala na siya sa sarili niya. I don't know what's happening to him. All I know is nandiyan naman ako for him but he couldn't let me to enter in.
"Anong sabi mo?!"
Mabilis na kumalabog ang dibdib ko nang makarinig ng sigaw mula sa baba. Bumangon ako sa pagkakahiga. Dahan dahan kong pinihit ang door knob.
"Papa, please, hayaan niyo nalang po siya. Ako ang may kasalanan, Pa!" boses 'yun ni Ate.
Humakbang ako palabas ng kwarto at mula sa corridor ay nakikita ko na sila na nasa sala. Si Papa ay namumula habang ang mga kamay ay nasa bewang. Samantalang si Ate ay nakaluhod at inaabot ang kamay ni Papa.
Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko habang humahakbang papunta sa hagdan.
"Nahihibang ka ba, Annaliese! Paganahin mo 'yang utak mo! Ikaw na nga lang inaasahan ko tapos ganito pa ang gagawin mo?!" naging kulog ang boses ni Papa sa buong bahay.
"Papa, aalis ho ako rito. Itataguyod kong mag isa pero wag niyo lang siya idamay, please..."
Kumirot ang puso ko habang natutuklasan kung paano magmakaawa si Ate kay Papa. Magsasalita na sana ako nang napabilis ang lakad ko papunta kay Ate nang malakas siyang sampalin ni Papa.
"Ate!"
Mabilis akong lumuhod para daluhan ng yakap si Ate. Kahit walang alam sa nangyayari ay sinubukan kong tignan si Papa.
"Lumayas ka Caroline kung ayaw mo madamay," nag aalab ang galit sa mga mata ni Papa. Nakitaan ko rin ng unting luha 'yun.
"Pa, Ate? Ano bang nangyayari? Hindi naman madadaan sa maayos ang lahat kung ganito," pagsusumamo ko kay Papa.
Umiwas lamang si Papa sa mga mata ko at hinilot ang tuktok ng kaniyang ilong.
"Pa? Bakit mo sinasaktan si Ate?"
"Caroline, umalis kana. Baka madamay ka pa!" marahas akong tinulak ni Ate palayo.
Kung lang ako sinalo ng palad ko sa likod ay natumba na talaga ako. Umahon ang kirot sa aking dibdib. Ano bang nangyayari at nagkakaganito ang mga tao sa paligid ko. Panay ang hagulgol ni Ate habang si Papa ay nakatayo pa rin at hindi kami tinitignan. Tanggap ko pa kung ang paninigaw ni Papa sa amin pero itong pagiging mapangahas niya ay hindi!
"Hindi ako aalis. Buti sana kung pinapagalitan o pinagsasalitaan ka lang ni Papa ng mga kung anu-ano!" kinagat ko ang loob ng aking pisngi para iwasan ang humikbi. "Bakit mo kami sinasaktan ng ganito?" tuluyan ng tumakas ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Bakit mo kami ginaganito..." hagulgol ko ng tuluyan.
Pakiramdam ko ay sobrang bigat na ng dibdib. Ang mga nangyayari sa akin nitong mga nakaraang araw siyang nakakapanlambot sa akin ngayon. I tried to wipe my cheeks kahit na nanginginig na mga kamay ko. I stood up and went to Papa's direction, tumingin pa ako kay Ate na panay ang iling. Ramdam ko sa mga mata niya ang takot at pagmakakaawa.
"Buong buhay namin ay ginawa namin 'yung best namin para magpaka anak sa'yo. Maging perfect at sobrang bait para sa'yo," diin ang bawat salita ko at doon ko na nakuha ang mga nagdidilim na mata ni Papa. "Ginugol namin 'yung buong buhay namin para lang ma-please ka Papa. Pero ikaw?" sumikip ang dibdib ko. "Kailan mo ba ginawa ang lahat para lang magpka tatay sa amin!"
BINABASA MO ANG
672 Hours With You
Novela JuvenilIn that one night, God gave her a chance to meet the man of her dreams. Only in just six hundrend and seventy-two hours. Isang gabi kung saan muli niyang makakapiling ang lalaking binigyan siya ng saya na hindi niya naranasan kahit nino man. The ma...