Dream
Parang gano'n nalang ang lahat. Ganito siguro kapag masaya ka. Bumibilis ang oras. Hindi namamalayan ang paligid. Ngunit bakit gano'n? Puwede bang ihinto ang ikot ng mundo, nang sa gano'n ay masulit ko ang araw, oras at syempre ang masasayang nangyayari.
Nagising ako sa isang maingay na paligid. Ngunit ang ingay na 'to ay bakas ang tuwa at sobrang pagsasaya. Ilang oras nalang ang natitira at mag babagong taon na. Hindi mawala ang kaba na dumadaloy sa buong sistema ko.
Kaba dahil may takot sa mga susunod na bukas. Kaba dahil gustong- gusto ko na umusad ang panahon nang sa gano'n sa oras na 'yun ay malaya na ako. 'Yung totoong saya ay mararamdaman ko na.
Pagkabangon ko palang ay agad akong nagbihis. For this event I'm wearing a long sleeve square collar red wine velvet body coon. Hapit na hapit ito sa aking katawan, the shiny fabric are so very synthetic and silky smooth fiber.
I remember how quickly I was when I added this dress to cart when I was scrolling through online shopping. Sale no'n at halos inabangan ko talaga ang pagpatak ng alas dose para lang makakuha agad.
Pagkababa ko palang ay busy na ang lahat. Not until all of their eyes laid on me.
Ganda ko 'no?
Nandito ang iilang kamag anak. Kaya naman mas lalong pinahigpit ang seguridad sa paligid. May mga naka civilian at naka uniporme batay sa mga kailangan nila suotin.
Halos karamihan sa angkan ay may involve sa politics kaya naman ganito nalang kahigpit. Panigurado na nag hire si Papa ng mga magagaling na spy na nakakalat sa gilid gilid.
"Anak! Nandyan ka na pala," salubong sa akin ni Mama na naka kulay pulang v neck tight dress. Mas lalong lumitaw ang kanyang pagka puti.
Bumeso ako kay Mama at binulungan na pupuntahan ang iba pang kamag anak. Hinanap ng mga mata ko sila Lucas. Taon- taon ay nandirito sila kasama ang Lolo.
Muling bumaling ang atensyon ko sa iba pang nandirito. Ang iba ay pumarito lang upang batiin kami. Naging abala ako sa pag salubong sa mga bisita. Maaga aalis ang iba kaya naman bilin sa akin ni Mama kanina ay batiin ang dapat batiin dahil mamaya ay kami- kami nalang ang matitira.
Masiyado akong naloloka para makipag plastikan sa mga ito. Walang halong biro pero hindi ko talaga sila gusto. Lalo na't no'ng dumating ang isang matanda na maraming alahas ang kumikinang at halatang- halata ang karangyaan.
"Madame Cecelia!" ani Ate.
"Annaliese!" ani naman no'ng matanda.
Akmang tatalikod na ako upang hindi mapansin nang tawagin niya naman ang pangalan ko. Mabilis akong lumingon at ngumiti. Halata na ang kanyang katandaan dahil sa kulubot ng mukha nito. Ngunit sa ganyang edad niya ay nagagawa niya paring mag suot ng high heels. May weather scarfs siya na naka akbay sa kanyang magkabilang balikat. Suot ang floral na dress at ang Hermes Birkin Gray Bag.
"How are you, Hija? Look, you stunning! Aba, bagay kayo no'ng apo ko!" anito na akala mo nanalo sa isang lotto.
Nang magkalapit kami ay agad akong bumeso sa kanya. Nanatili ang kanyang mga kamay sa aking magkabilang braso.
"Ang ganda- ganda mo, Hija! How old are you? Oh, by the way," saglit siyang nahinto at may kinuha sa kanyang bag. Nang makuha na ay 'tsaka bumalik ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi.
"Here, my Grandson's number," inaabot niya 'yun sa akin, napatingin ako kay Ate na tinaasan lamang akonng kilay.
"Naku, 'wag na po!" tanggi ko.
Akmang may ihahabol pa ang matanda nang may dumating na babae. Sa hula ko ay hindi nalalayo ang edad nila ni Mama. Bagsak ang buhok nito na nahahati sa dalawang side. Ibang- iba siya sa mga nandirito. Nakasuot ito ng Lace Length Black Dress!
BINABASA MO ANG
672 Hours With You
Teen FictionIn that one night, God gave her a chance to meet the man of her dreams. Only in just six hundrend and seventy-two hours. Isang gabi kung saan muli niyang makakapiling ang lalaking binigyan siya ng saya na hindi niya naranasan kahit nino man. The ma...