Pahina
Pagbalik namin sa room ay daig ko pa ang nasa alapaap na dinuduyan. Walang humpay ang pagwawala ng puso ko. Hindi ko rin alam kung okay lang ba na ganito ka tindi. Ayaw ko naman mag assume na para sa akin 'yun pero sa akin siya nakatingin, e!
Aish!
Bahala na siya. Basta ako galit parin sa mga ginawa niya. Hindi naman dapat ako magalit kasi... wala namang namamagitan sa amin pero 'di ba? Nag uusap kami at kilala na rin ang isa't isa sa halos ilang buwan. Tapos ganito pala.
"Okay, end of discussion. Huwag ninyong kalimutan 'yung assignments n'yo ha?" si Ma'am sabay labas nito.
Isang subject na lang at malapit na mag uwian at dahil wala pa man din ang kasunod na Teacher ay napag pasyahan naming tumambay sa hallway. Iniwan namin ang mga classmate naming may sari-sariling mundo.
Ipinatong ko ang dalawang siko sa ibabaw na nagsisilbing harang na gawa sa konkreto. Tanaw ko ang ilang estudyante na may dalang pagkain. Ito 'yung mga pumuslit na mag c-cr daw pero ang totoo ay diretso sa cafeteria.
Ang dalawa naman ay busy sa magkabilang gilid ko. Busy sa kanya- kanyang cellphone.
"I wanna die with you," napangiti ako sa naisip 'yung chorus kanina sa kinanta niya. Pinalobo ko ang aking pisngi at itinuon sa matayog na punong nasa harap ko ang paningin.
Mabilis na nagbago ang timpla ng aking mukha ng sikuhin ako ni Cherry.
"Alam mo girl, ang swerte mo," aniya at nilagay ang iilang takas na buhok sa likod ng aking tenga.
Ang kaninang hindi maipintang mukha, ngayon ay napuno na ng kuryusidad. Dahil para sa akin ay wala namang ka- swerte-swerte sa akin.
"Bakit?"
Pinatong niya ang kanyang siko sa konkreto, inangat niya ang kanyang braso at isinandal ang kanyang kanang tenga sa palad. Habang ang buong atensyon ay nasa akin.
"You found him. You're lucky and he is lucky, too. Not because both of you have good features but because the way he looks at you and the way your eyes spark when he's around... that's how Prince and Princess started with their story. But not all written in Happily ever after," ngumiti siya.
Nakakapanibago dahil ngayon ko lang siya marinig na ganito. Usually kasi may pagka slow talaga siya at tanga minsan. Minsan lang naman.
"Ano bang pinag sasabi mo?"
"Na hindi lahat nagiging masaya ang pang- wakas, Caroline. I know you're brave enough after what you've been through. But that isn't enough the fact that you don't have an idea of what the possibilities will happen the next day. Pero sinasabi ko sa'yo," umayos siya nang pagkakatayo sabay hawak sa aking magkabilang balikat upang magkaharap kami.
"If you let yourself be happy because of a person. If you let yourself rule your world by that person. If you rely your happiness on that person, gusto kong malaman mo na talo ka kapag mag sama na ang utak at puso. Ang utak na araw- araw nagpapaalala kung gaano kasaya ang bawat kahapon. While the heart, all your hearts know, is stabbing you with a knife when the memory has started," she smiled weakly.
"Ba't parang ang sakit naman?" tanging sagot ko.
"Dahil 'yun ang totoo. Truth hurts. Gusto ko handa ka sa mga bawat gagawin mo. I know Damarius will treasure you. He will protect you. Pero hindi sapat 'yun lalo na't hindi mo alam ang takbo ng utak ng mga taong nakapaligid sa inyo..."
Nanlamig ako sa kanyang sinabi.
Nang magsigawan na ang mga classmate namin na nandiyan na si Ma'am ay pumasok na kami.
BINABASA MO ANG
672 Hours With You
Teen FictionIn that one night, God gave her a chance to meet the man of her dreams. Only in just six hundrend and seventy-two hours. Isang gabi kung saan muli niyang makakapiling ang lalaking binigyan siya ng saya na hindi niya naranasan kahit nino man. The ma...