Tonight
Nakapikit na inaabot ko ang aking cellphone sa kung saang lupaop man ito. Pagkakaalam ko ay nailagay ko 'yun sa side table bago ako matulog.
Kung bakit pa kasi tumawag ang kung sinong nilalang na 'to at panira lang sa tulog ko.
Nang makapa ko na sa side table ang nag iingay kong cellphone ay agad ko itong sinagot kahit na hindi ko alam kung sino ba ang tumatawag.
Ngunit bungad palang ay nalaman ko na agad kung sino. Tili at sigaw ay ang mga walang hiya ko ng kaibigan 'yun.
"Ashlyn!" Sigaw ni Cherry mula sa kabilang linya.
At sa tingin ko kasama niya si Ava dahil sa mukhang nag uunahan silang magsalita.
Bahagya ko lang nailayo ang cellphone sa aking tenga. Masakit sila sa eardrum at hindi nakakatuwa na sa unang umaga ay sila ang bubungad.
"Si Damarius Enzo Giraldo!" si Ava naman.
"Dios ko po santa maria sa wakas! Hindi kana desert!"
Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Cherry. Dessert?
"Panghimagas?"
"Boba! May didilig na sa'yo, naks!"
"Si Damarius balak kang alukin maging girlfriend gaga! Tarantado! Hayop! Pakshet! Hindi kana single!" ani Ava na naghehestirya sa kabilang linya at halos magkamayaw na sa tili.
"Baliw—"
Agad akong napabangon sa sinabi ni Ava nang marealize ang sinabi niya.
Daig ko pa ang nahilamusan dahil sa biglaang pag gising ng diwa ko.
"Alam mo ba kung bakit kami nasa bahay niya no'ng nakaraan? Kasi ang totoo talaga no'n is nag contact siya sa amin at pinapunta para pag usapan kung paano ka papasagutin!" walang prenong sabi ni Cherry.
"Siraulo! Sekreto lang dapat! Hayop ang daldal natin!" si Ava naman na mukhang sinaktan pa si Cherry.
Hindi ko sila inintindi saka pinutol na ang tawag.
Aga- aga ganito ang ibubungad nila. Anong tingin nila sa'kin? Siraulo para maniwala na liligawan ako ni Darius.
Teka...
Liligawan?!
Agad akong napabangon dahil sa realization na liligawan daw ako ni Darius? Weeee? Or baka mali lang ako?
Buang!
Pero what if kung totoo nga?!
Dali dali kong inabot ang phone upang tawagan sila Cherry ngunit sa pag dial ko palang ng numero ay unattended agad.
Napakagat nalang ako sa pang ibabang labi habang iniisip ang mga sinabi nila Cherry.
Hindi naman sa assumera ako pero 'di ba? Sa ilang buwan din naming magkakilala hindi naman imposible na magustuhan niya ako? Haler! Mendoza kaya ako, 'no!
Napatingin ako sa wrist watch ng mapagtanto na alas otso na pala at mahigit isang oras narin akong nag ja-jogging. Huminto muna ako sa tabi ng isang bench 'tsaka humugot ng malalim na pag hinga.
Pagod akong naupo sa bench hanggang sa mapakunot nalang ako dahil parang nangyari na ito. Kaso pero ba't may kulang?
Deja vu?
Mapakla akong napangiti sa wala sa oras.
Gusto ko siya pero gusto siya ng mga magulang ko para kay Ate. Ang weird lang kasi botong boto sa kanya sila Papa sa kan'ya. Halos maipag tulakan na nga siya para kay Ate. Tapos ako 'tong merong gusto sa kaniya, walang magawa. Tahimik lang habang pinapanood silang parang mga teenagers na pilit pinag papares ang dalawang couple kahit na ang isa sa kanila ay hindi natutuwa.
BINABASA MO ANG
672 Hours With You
Dla nastolatkówIn that one night, God gave her a chance to meet the man of her dreams. Only in just six hundrend and seventy-two hours. Isang gabi kung saan muli niyang makakapiling ang lalaking binigyan siya ng saya na hindi niya naranasan kahit nino man. The ma...