CHAPTER 27

1 0 1
                                    

Mag isa

"Anong sabi mo?" hindi ako makapaniwala.

"Ashlyn, tumigil ka-"

Hindi ko na pinatuloy si Ava. Nag aalab na ako dahil sa mga hinanakit na naiipon ang meron ako sa loob ng puso ko. Bakit parang pinapamukha ng lahat ng mga 'to na ako ang hibang?!

"Sinayang mo nalang 'yun?" baling ko kay Darius.

Bakit pakiramdam ko ay ako lang? Sa nangyayari ngayon ay ako lang mag isa?

"Ashlyn, tumigil kana..." nagmakaawa si Ava.

Nagtagis ang mga ngipin ko.

"What the fuck is your problem? Bakit pinapalabas niyo na ako ang may mali? Na ako pa ang may kasalanan ng lahat ng 'to!"

"'Yang bunganga mo Caroline! Puwede bang manahimik ka nalang? Si Damarius na ang nagsabi na wala kayo! Na tumigil kana! Bakit? May gusto kaba sa kaniya para umakto ng gany-"

"Meron, Papa! Meron akong gusto sa kaniya!" bumuhos ang luha kong tinignan si Darius.

Umiwas ng tingin ito sa akin at pabulong na nagmura bago pumikit.

"Nasa iisang bahay lang tayo pero parang wala kayong kaalam- alam sa buhay ko o sa nararamdaman ko. Ni hindi niyo alam kung gaano kabigat sa akin ngayon ang mga nangyayare!" napahikbi ako.

Nataranta si Mama palapit sa akin, "A-anak... na-busy lang kami ng Papa mo sa work b-but that doesn't mean hindi ka namin naiintindihan."

Hinagod ako ni Mama sa aking ulo pero lumayo rin ako ng kaunti. Nanginginig ang mga labi ko, hindi masabi kung ano ang gustong sabihin dahil sa abot kaba ng puso.

"Don't say that to me 'cuz we all know kung gaano niyo kami tratuhin na parang robot lang! Mula pagkabata ay hindi ko kayo naramdaman and now sasabihin niyo sa akin na busy lang? Sige nga, kailan ba ang huling beses na sinabihan niyo ako ng, 'kumusta?' o 'di kaya'y, 'mahal kita anak?' "

"Pinapaikot mo na naman ba ang usapan Caroline ha? What? Parang sinasabi mo pa na kasalanan nila Papa iyon, eh alam mo naman ang trabaho nila!" si Ate, namumula habang hawak ang braso ni Darius.

"Shut up! Alam mo," pinilig ko ang aking ulo. "Palibhasa nasasabi mo 'yan dahil ikaw ang tuta nila Papa. 'Di ba botong- boto naman sila sa'yo sa inyo ni Darius? Ano, tuwang- tuwa kaba?"

"Stop it, Ashlyn!" sigaw ni Darius.

"Why? Why would I need to stop? Tutal nandito naman na rin na bakit hindi ko pa ibuhos lahat 'di ba?" lahad ko ng kamay bago silang isa-isang tignan.

"Caroline, h-hindi maganda sa Ate mo ang g-ganito... maselan siya," si Mama, nanginginig.

"Ilang araw niyo 'tong tinago sa akin?" baling ko kay Ava na yumuko. "Ilang araw mo sa akin 'to nilihim?" nilingon ko naman si Darius.

Agresibo ko siyang hinatak at tinulak sa dibdib.

"Ilang araw ha? Bakit mo 'to ginawa? K-kung si Ate naman pala bakit mo pa sakin pinaramdam ang lahat..."

Napagod ako. Nanlalambot ang mga tuhod ko dahil sa pagod at bigat na meron ako sa dibdib.

"Buong akala ko ikaw na 'yung kakampi ko pero bakit mo sa akin 'to ginawa, ha? Ngayon na wala kana sino nalang aasahan ko?" hinanap ko ang mga mata niya. "Sabihin mo sa akin, minahal mo ba ako?"

Yumuko lamang siya, sinusubukan hawakan ang braso ko. Dahil na rin sa panghihina ay hinayaan ko nalang siya. Nakita ko ang mga luhang unti- unting kumawala sa mata niya.

"Ashly-"

"Bakit mo 'yun ginawa? How you could you even do that?"

May lugar pa ba ang eksplenasyon niya kung sakaling masagot niya nga iyon? Masiyado akong nadurog, pakiramdam ko wala ni isa sa mga dahilan ang makakapag pabuo sa akin ngayon.

"Niloko niyo akong lahat."

Nilingon ko silang lahat. Tahimik at nakayuko.

"Ava, Cherry, if you are my real friends you wouldn't keep that to me. I love both of you pero hindi ko alam kung sa susunod neto ay kaya ko pang magtiwala o maibalik ang dati... sa puntong 'to nasaktan niyo na rin ako."

I wipe my tears. Si Cherry naka yukong pinupunasan ang luha habang si Ava ay nakatingin sa akin, nag susumamo ang mga mata.

"Ma, Pa, this is too much," tinuro ko ang dibdib ko. "I'm suffocated. I can't with you. I don't even feel na anak ninyo ako."

Lahat ay ginawa at binigay ko pero laging kulang pa rin. Nirerespeto ko sila, mataas ang tingin pero kung mananatili na ganito ay mas lalo akong mawawala.

"And you, Ate? Hindi ko na alam ang sasabihin ko sa'yo." nag tama ang mata namin ni Darius. "I hope you both will live happily ever after."

Tumalikod na ako bago pa dumiretso sa aking kwarto. Pagkasarado ko palang ng pintuan ay mabilis akong humugot ng hininga, dumausdos ako ang likod ko sa pintuan. Nakukulangan ng hininga dahil sa bigat at sikip na nasa puso ko. Yumuko ako, sinandal ang nuo sa tuhod.

Lahat ay naging magulo. Pakiramdam ko napagkaisahan ako sa isang kurap. Sinubukan ko lang naman maging masaya pero parang pinagkait pa sa akin. Hanggang ngayon ay hindi mabura sa isip ko ang mga panahon na kung saan nagiging okay na kami ni Darius ay doon din nila nabuo 'yun.

May mali ba sa akin? Dahil ba mas masunurin siya? Mas matangkad siya sa akin at slim? Bakit niya 'yun ginawa sa akin?

An image of them cuddling after making the night hot appeared in me. Pumukit ako ng husto. Ang maisip na nasarapan siya at nagustuhan ay mas nagbigay puwang sa akin kung ano nga bang mali sa sarili ko?

Masiyado pa nga ata akong maaga para sa mga ganito. Sino ba naman mag seseryoso sa akin? Siguro nga kaya siya nakipag lapit sa akin ay dahil para mapalapit siya kay Ate. 'Yun siguro ang tactic niya para makilala o makalapit siya ng husto.

I hope iyun nalang. Sana mas maaga niyang sinabi nang sa gano'n ay hindi ko sinandal ang ulo ko sa mga balikat niya. Sana hindi ako nasanay sa yakap niya sa tuwing nanlalamig ako. Sana mas naintindihan ko na kailan man ay lagi akong pangalawa.

Kung paano niya ako titigan sa tuwing may bumabaha sa mata ko ay siyang nagpapakalma sa akin. Ngayon, siya ang dahilan kung bakit naging masakit sa akin harapin ang sinag ng araw.

Hinarang ko kaagad ang kamay ko sinag ng araw. Isa-isa kong dinilat ang mga mata ko, sumagi sa isip na nakatulog pala ako sa sahig. Gano'n parin ang suot. Marahan akong bumangon, hirap na hirap idilat ang mga mata dahil sa bigat at hapdi sa buong gabi kong kakaiyak.

Napahawak ako sa gilid ng ulo nang maramdaman ang pagkirot nito sa pagtayo ko. Umupo ako sa kama, nahagip ang sarili sa aking vanity. Maga ang mga mata. Naka dikit ang iilang buhok sa leeg ko at pisngi na malagkit. Nawalan din ng kulay ang labi ko. Lumunok ako.

Nang dahil sa lalaki ay hahayaan ko bang magkaganito ako? Sa isang kurap ay hahayaan ko lang ba na maging ganito lang ako?

Inayos ko ang likod kong pakuba na.

Dapat nga mas ipakita ko na hindi ako matitinag. Na kaya kong maging masaya kahit wala sila. Dahil sa totoo ang magiging kakampi ko lang naman sa huli ay sarili ko pa rin. Sarili ko lang naman ang makakaprotekta rin sa akin at wala ng iba. Hindi iasa sa iba. Minahal ko dapat sarili ko kasi mag isa lang ako.

Mag isa lang ako.

Mag isa nalang ako.

Napagod ang likod ko at naging kuba ulit. Pagod kong pinunasan ang panibagong luha. Mag isa nalang pala talaga ako o mag isa ako una palang?

Niyakap ko ang sarili. Inabot ng bawat kamay ko ang magkabilang braso ko.

Ako nalang talaga. Mag isa ako.

Ako lang. 

672 Hours With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon