Fiance
Paghatid sa akin ni Clark sa bahay akala ko ay aalis na siya pagbaba ko sa kanyang sasakyan. Bumaba rin siya't pinuwesto ang kamay sa aking likuran.
"Hindi kapa ba aalis?"
"Mamaya pa kailangan ko pang makausap si Tito."
Kumunot ang noo ko, "Ano 'yun? Ba't parang hindi ako na-inform? Anong meron?" naguguluhan ako.
Imbes na sumagot ay mwinersa niya nalang ako patungo sa aming bahay. Sa aming malaking double doors ay tanaw ko na si Papa at Mama. Nakapamulsa si Papa habang si Mama naman ay may hawak na wine glass.
Sinalubong ako ni Mama ng halik sa pisngi. Ang Papa ay nanatiling nakatuon ang atensyon kay Clark.
"Sorry po kung na-late kami," bahagya pang yumuko si Clark.
Hindi nalang nagsalita si Papa at tumalikod nalang para pumasok sa loob. Nagkatinginan kami ni Clark na pilit na ngumiti sa akin.
Kumalabog ang puso ko nang nakita ang mga malalapit naming kamag anak. Sabay sabay silang napalingon sa gawi namin. Matatamis na ngiti ang sumilay sa kanilang labi.
Sa hindi maipaliwanag ay lumakbay ang utak ko at pilit hinahanap ang dahilan kung bakit sila narito?
Ang mga suotan nila ay sinusuot lang 'yon kapag may simpleng salu-salo. Unang lumapit sa akin si Tita Luciana, bunsong kapatid ni Papa.
Sa likod nito ang aking pinsan na si Lucas. As usual, laging nakasimangot suot ang kanyang salamin. Mendyo tumangkad din ito sa suot nitong trouser at long sleeveless na pink.
Nakipagkamayan si Tita Luciana, "Congrats, Hija."
Tumingin ako sa aking gilid. Doon ko lang napagtanto na wala si Clark sa tabi ko. Bumaling muli ako kay Tita.
"Walang anuman, ho..." tunog tanong ngunit sinabayan ko na lamang iyon.
"Tsk. Too young for this," si Lucas na inirapan ako.
"Problema mo?"
"Wala," aniya at tumalikod. Nagkatinginan kami ni Tita.
Hinagod niya ang aking braso, "Hayaan mo na 'yun..."
Tumango nalang ako at ngumiti.
Hindi lang isa, dalawa o tatlo ang nakipag kamayan sa akin. Halos lahat ng mga Tito at Tita ko ay iyon ang ginawa. Kung minsan pa ay naabutan ko na kausap nila si Clark.
Paakyat na'ko sa aking kwarto ng may humigit sa aking braso. Si Papa na nagtatagis ang panga.
"Puwede bang dumikit-dikit ka kay Clark? H'wag matigas ang ulo at makinig ka sa'kin. 'Wag kang lang magkakamali na may sabihing mali. May utak ka kaya alam mo ang mga dapat sabihin, makisama ka," marahas na itinapon ni Papa ang aking braso.
Sumikip ang pag hinga ko. Kung meron man pumapasok sa isipan ko ay sana mali 'yon. Ayaw ko. Hanggang maari ay hindi ako papayag.
Pagbukas ko ng aking kwarto ay bumungad sa akin si Lucas na presenteng naka upo sa sofa, likod nun ay ang aking kama. Nakapatong ang kamay sa backrest at nakadekwatro.
"Paano ka nakapasok?" tanong ko, umupo sa gilid ng kama.
"Just visiting you, problem?"
"Ang tanong ko paano ka nakapasok? Wala akong pake kung binibisita mo ako," irap ko.
"Ohh... sungit. Well, hindi naman kasi naka lock 'to. At gusto lang kita makita."
"Kwarto ko 'to. Nagkita na tayo kanina."
BINABASA MO ANG
672 Hours With You
ספרות נוערIn that one night, God gave her a chance to meet the man of her dreams. Only in just six hundrend and seventy-two hours. Isang gabi kung saan muli niyang makakapiling ang lalaking binigyan siya ng saya na hindi niya naranasan kahit nino man. The ma...