CHAPTER 11

0 0 0
                                    

Bagay

Nagising nalang ako dahil sa ingay na paniguradong nanggagaling sa aking cellphone. Bahagya pa akong napa ungol dahil istorbo 'to sa pagtulog ko. Kahit nakapikit at hindi maalis sa mukha ko ang unan, tanging kamay ko lang bumangon at inabot ang cellphone na nasa side table.

Hindi ko na tinignan kung sino pa ang tumawag. Sinagot ko na 'yun.

"Hello?" kung sila Ava 'to ay babaan ko talaga.

"Hello?" kumunot ang aking noo dahil sa panggagaya sa boses ko sa kabilang linya.

"Tarantado. Iba ang pag tripan mo!" akamang ibaba ko na nang may malakas na humagalpak sa tawa.

Panay ang tawa ng dalawang babae at isang lalaki. Agad akong napabalikwas ng maging pamilyar sa akin ang boses ng lalaki.

"Hoy! Darius, ikaw ba 'yan?"

"Yes, Boss. Good morning! Kumusta ang tulog?" sila Ava ang mas nangingibabaw sa background.

Humugot ako nang malalim na hininga bago napahilot sa aking sentindo.

" Wala. Hindi okay. Lalo na't bubungad pa sa umaga ko 'yang presensya mo."

"Awit. Baka selos ka lang, beh? Kasama namin siya."

Dahil sa sigaw ng isang babae ay doon palang nakuha niya na kung sino ang mga 'yon. At anong ginagawa nila? Ba't magkasama sila ni Darius? Nasaan sila?

Mabilis na dumako ang paningin ko sa wall clock. Alas sais palang nang umaga at anong hampaslupa ang sumanib sa kanila para mag kita ng ganito ka-aga?

"Girl, aminin? Thankful na rin sa basura kung hindi dahil doon, wala kang lovelife bago matapos ang taon!" It's Cherry. That girl! Pag magkita lang talaga kami I'll make sure I zip that talkative mouth!

Hindi nalang ako sumagot at pinutol ang tawag.

Nakakainis. Ang aga- aga anong klaseng gawain 'yun? Saka tumawag lang ba talaga sa akin ang malanding Darius na 'yun para inisin ako?

Seryoso? parang kagabi lang kung landiin niya ako tapos kinabukasan tatawag siyang may mga babae and saklap pa kasi mga kaibigan kong maiingay! Ano naman ang ginagawa nila sa ganitong oras? Huh. Sinasabi ko lang talaga... kaya kong maka limot kahit ilang taon man ang pinagsamahan naming tatlo!

Pagkababa ko ay sobrang naging busy ang mga organizer sa paghahanda. Ang red carpet ay nakalatag na at may mga lamesa na rin sa labas 'tsaka iilan dito sa loob. Bale kung darating ang mga bisita mamaya ay ang magiging mini stage ay itong grand staircase namin.

"Caroline!" napalingon ako kay Ate na nagmamadaling pumunta sa gawi ko.

Naka denim shorts lang siya na may sinturong Gucci saka white t-shirt na Celine sa gitna. May sling bag rin siya na galing Dior. My lips form into "O" when I noticed that she's too pretty for today. Well I know that she's pretty before... but now, looks like that she planned for this day. Her aura seems like a shining sun. Hot but sweet. Kahit simple lang ang porma niya ay talagang kabog!

"Where you going?" bungad na tanong ko sa kaniya.

"Maganda ba?" she turned around with her ear to ear bright smile.

"Of course, we're Mendoza, Ate." hagod ko sa kaniyang magkabilang braso.

"Really? God! I waited for this for a long time! And guess what?"

"What?"

"Pinayagan ako ni Papa!" nagtatalon ito sa tuwa. "He allowed me to bring him tonight!"

"Him? Who?" naningkit ang mga mata kong mapaglaro. Hindi matago ang ngiti ko para kanya. She's my sister after all at kahit ano pa 'yan ay magiging masaya ako for her.

672 Hours With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon