CHAPTER 10

0 0 0
                                    

Thank you

"Anong nakain mo at taho ang binenta mo ngayong araw?" tanong ko habang nagpupunas ng pawis.

Halos mabato kona siya ng sapatos kanina. Kung makairap kala mo kung sino tapos tinatawag ayaw naman akong pansinin. Kala mo kung sino talaga.

At dahil maaga pa naman, naglalakad kami ngayon papunta sa bahay habang siya sukbit-sukbit ang kanyang taho.

"Masyado kana kasi, eh..." aniya.

Taas kilay akong napalingon sa kaniya.

"Pinagsasabi mo?"

Tinuro ko ang isang bench. Ilang metro nalang at makarating na kami sa bahay pero mas maganda kung mag stop muna kami. Nakakaawa na kasi ang isang 'to.

Tumango naman siya. Nang maka upo na kami ay naging malalim ang kanyang paghinga. Himala at mukhang hindi siya gaya ng dati? Ba't parang wala siya mood?

"Dapat ice cream nalang binenta mo kesa sa taho. 'Yan binubuhat pa, eh 'yung ice cream itutulak."

Napalingon na naman siyang muli sa akin. Sumilay ang nakakalokong ngiti. Hindi naman din nagtagal 'yun at nag pokus na siya sa aming harapan. Tinitingnan ang mga ibong lumilipad.

Ang weird pa ng sa feeling kasi bakit parang kasalanan ko? I mean wala naman akong ginagawang mali sa kaniya?

"Nagagalit ka kasi." aniya, pabulong.

"Anong ibig mong sabihin? Baliw ka? Ba't ako magagalit kung nag bebenta ka ng ice cream?"

"Lagi mo nalang kasi akong sinabihan ng malandi..."

Nakaramdam ako ng kakaiba sa aking tiyan. Hindi naman ako natatae pero ang creepy lalo na't first time maramdaman 'to. Gusto ko mang itago ang mukha ko dahil sa kahihiyan, huli na ang lahat dahil lumingon siya mukha kong paniguradong pwede ng mag prito ng itlog.

"Pakulo kolang naman ang mga 'yon."

Nagiwas ako ng tingin. Wala akong masabi. Hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko. Dapat ko bang i-consider na totoo ang mga sinasabi ng malanding 'to o... pinagtitripan niya naman ako?

"Pinagtritripan mo ba ako?" diretsahang tanong ko.

Kasi kung oo, ibabalibag ko talaga siya.

"Oo." sabay hagalpak niya ng tawa.

Mabilis kung pinalipad ang kamao ko sa kanyang braso at pinaulanan ng sunod- sunod na suntok.

Bwisit siya! Kahit kailan hindi na talaga siya marunong sumeryoso! Ako pa ang gino-good time niya sa mga ganito ano tingin niya sa'kin clown? Laging pinagtatawanan. Nakakainis!

Nang mapagod na ako ay ako na mismo ang huminto. Siya naman ay nakahawak pa rin sa tiyan at walang tigil sa pag hagalpak ng tawa.

"Seryoso kasi!" galit na sabi ko. "Parang tanga, Darius. Tawa nang tawa gusto mo naba mag asawa?"

Napatigil siya sa pag hagalpak ng tawa dahil sa sinabi ko. Tumingin siya sa akin.

"Sana. Kaso hindi pa ako tapos sa pag aaral at hindi ko pa kayang bilhin ang mga pangangailangan niya. Gusto ko kasi mag buhay reyna siya sa oras na mag kasama na kami sa iisang bubong." ngumiti siya.

Ngiting hindi masaya. Ngiti na may halong lungkot.

"Swerte pala siya?"

"Oo. Super swerte mo."

Kumalabog ang puso ko dahil sa sinabi niya.

Nakatingin parin kami sa isa't isa. Gusto ko siyang saktan dahil sa sinabi niya. Gusto ko siyang saktan dahil kung nag bibiro siya hindi ako natutuwa. Gusto ko siyang saktan dahil parang laro- laro lang naman sa kanya. Parang hindi naman siya seryoso.

672 Hours With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon