PROLOGUE

174 4 0
                                    


"Ano 'to!? Anong marka 'to, ha? Elle Jay!?" malakas na ibinagsak ni mama ang test papers ko sa lamesa. "Ano bang ginagawa mo sa buhay mo? Elle Jay, gagraduate ka na ng Senior High School tapos ganito ang ihaharap mo sa amin ng papa mo!? Sa tingin mo makakapasa ka sa kolehiyo ng Morgan, ha!?"

Napayuko ako habang kagat-kagat ang pang-ibaba kong labi. "Kayo lang naman ang may gusto doon. Hindi ako." bulong ko.

"Are you talking back to your mother, Elle Jay!?" napaigtad ako nang bulyawan ako ni papa. "Ano bang nangyayari sa'yo?"

Namasa ang aking mata at nag-angat ng tingin sa kanila. "Bakit kayo ganyan sa akin, 'ma, 'pa?" tinignan ko ang mga test papers ko na nasa lamesa. "Hindi naman bagsak ang mga scores ko. May scholarship ako at namamaintain ko naman iyon. Hindi lang ako nakasama sa honors ngayong year pero grabe naman kayo kung magalit sa akin."

"Naririnig mo ba ang sarili mo? Kung tanggal ka sa Dean's List ngayong gagraduate ka, anong mangyayari sa'yo kapag nasa Morgan ka na!? Pero look what you've done, you are graduating without an honor!"

"Hindi ko nga kasi gusto doon, 'ma!"

"Hindi ko nagugustuhan ang tono mo, Elle Jay!" bulyaw ni papa.

"Paano naman po 'yung gusto ko...?"

"Don't be selfish, Elle Jay. Morgan is the best college for you. Since we are a family of engineer, you will have to take a course of engineering as well." hindi makapaniwala ko silang tinignan. "Maraming klase ng engineer, anak. But we would like for you to take civil engineering."

"What...?"

Hindi nila ako pinansin. Pinanood ko silang pag-usapan ang future ko. Ang future na hindi ko gusto.

Bumagsak ang aking balikat at parang nawalan ako ng pag-asa. Ngumiti ako kahit pa isa-isa nang nagsibagsakan ang aking luha. "Fine." napatigil sila sa kanilang pag-uusap at nilingon ako.

Nagliwanag ang mukha ni mama. "You do understand us---"

Kinuha ko ang wallet sa aking bulsa at inilapag lahat ng cards na ibinigay nila sa akin. "From now on, please...do not intervene with my life anymore." tumalikod ako at umalis na doon.

"Elle Jay, saan ka pupunta!?" rinig kong sigaw ni papa. "Fine! You want to rebel against us!? Sa tingin mo saan ka pupulutin kung wala kami? Ha!? Pack your things and fucking leave the house!"

Pinunasan ko ang luha ko sa pisngi at tumungo sa aking kwarto. I don't hate my parents. I just hate how they don't think my opinions matter. Ito ang unang beses na nagsalita ako sa kanila. Hindi ko na kasi makaya na panoorin kung paano nila pag-usapan at pagdesisyunan ang future ko.

I regret talking back to them because that is rude. Pero wala na ba akong karapatan na sabihin ang saloobin ko?

I packed my things with tears. Tumingin ako sa wallet ko at binuksan iyon. "Three thousand. Galing pa 'to sa scholarship allowance ko ngayong buwan na hindi ko pa nagagalaw." suminghot ako at tumawag sa kaibigan ko. "Saan aabot ang three thousand ko?"

T_T

ADRENALINE CLASSWhere stories live. Discover now