CHAPTER 0NE

110 4 0
                                    

ELLE JAY's POV

Suminghot ako habang nakatitig sa sahig. "Oh. Uminom ka muna ng tubig." nag-angat ako ng tingin kay Tricia at tinanggap ang baso. Sumimsim ako ng kaunti. Namaywang siya. "So? Ano ng balak mo? I didn't expect that you would dare to speak up against your parents. Pero bakit may kasamang paglalayas?" tinaasan niya ako ng kilay at kumunot lang ang noo ko habang umiinom ng tubig.

Namasa na naman ang mata ko. "Saan ako pupulutin nito, Tricia?" naiiyak kong sabi. "Hindi ko pa nauubos 'yung dinner ko kanina." nagsilaglagan na naman ang luha ko.

She sighed. "You know, as much as I want you to stay here ay hindi papayag sila mama." nagi-guilty niya akong tinignan. Nagsquat siya para pantayan ang pagkakasalampak ko ng upo sa sahig. "Ganito na lang. Hahanapan kita ng matutuluyan."

Ngumawa ako. "Three thousand na lang ang pera ko. Naawa na nga lang 'yung tricycle driver sa akin kanina kasi umiiyak ako kaya hindi na niya ako pinagbayad."

Napatampal siya sa kanyang noo. "Three kyaw. Shit. Wala ka ng makakain nyan kasi worth one month na 'yan na upa sa dorm na pinakamurang alam ko."

Ngumuso ako at inilapag ang baso sa sahig. "Maghahanap ako ng trabaho. Pwede pa akong mag-apply ulit ng scholarship. Tanggal lang ako sa Dean's List pero hindi 'yon kasama sa scholarship requirement na inapply-an ko."

"Saan mo ba balak mag-aral?" nangangamba niyang tanong.

Nag-isip naman ako. "Hindi ko pa alam. Sabi nila mama ay gusto nilang sa Morgan ako. Ayaw ko naman doon. Sabi rin nila na gusto nilang mag-engineering ako kasi family of engineering kami." nalukot ang mukha ko sa isiping kukuha ako ng kurso na hindi ko gusto.

Nanahimik kami sandali at nag-isip. "Ganito. Go to Morgan." nag-angat ako ng tingin sa kanya at alam kong nakita niya ang pagtutol sa aking mukha. "Teka lang. Hindi pa ako tapos." itinikom ko naman ang bibig ko. "Go to Morgan. Not because that's what your parents want. But to do whatever you want."

Kumunot ang noo ko. "Hindi kita gets."

Bumuntong-hininga siya. "What I mean is, hindi ba't ayaw mo mag-engineering? E 'di huwag! Kunin mo ang kursong gusto mo. May dormitory ang school na 'yon. Kailangan mo lang uli maging qualified sa susunod na scholarship na aapply-an mo para wala kang babayaran sa Morgan. Ang importante ngayon ay may matuluyan ka." tinitigan niya ako. "Ano? What do you think?"

"...Eh ayaw ko nga sa Morgan." mahina kong pagtutol.

She sighed again. "I think alam ko na kung bakit ayaw mo sa Morgan. Girl, hindi ka nila kilala doon." tinignan niya ako ng makahulugan at naintindihan ko naman ang gusto niyang ipahiwatig. Pero hindi ko pa rin maiwasang malungkot at masaktan. "So?"

Ilang segundo akong nanahimik. Niyakap ko ang tuhod ko at itinago ang mukha ko sa aking braso. Ngayon palang nagsisink-in sa akin na naglayas ako at sinagot ko ang mga magulang ko. Mayroong pangamba at pag-aalala na baka mali ang ginawa ko.

Dapat bang nanahimik na lang ako at sinunod ang gusto nila?

Nag-aalala ako sa kung ano ng mangyayari sa akin. Bakit ko ba binalik ang cards ko sa kanila? Right. Hindi ko naman ginalaw 'yon. Maski piso ay hindi ako naglabas doon. Tanging allowance mula sa scholarship na natatanggap ko buwan-buwan ang ginagamit ko. May konting ipon naman ako pero ayaw kong galawin iyon.

Three thousand. Sigh. Lagi pa naman akong gutom. Pagkakasyahin ko na lang 'to ng isang buwan. Forte ko ang pagtitipid. Sa pagkain lang naman ako napapagastos. Pero kaya ko namang magtiis na kahit isang beses lang ako kumain sa isang araw. Gagawin ko iyon hanggang sa makahanap ako ng trabaho.

ADRENALINE CLASSWhere stories live. Discover now