EXTRA CHAPTER

56 3 0
                                    

[A/N: This chapter is dedicated sa mga ibang characters. Hahaha. Let's take a break muna kay Elle Jay. Saglit lang 'to!]


TRICIA's POV

"Elle Jay! Huhuhu! Bakit mo ako iniwan!?" humagulhol ako habang binabasa ang letter na iniwan ni Elle Jay sa study table ko. 

Umusog ang luha ko nang kumatok si mama sa kwarto ko at pumasok. Nang makitang wala si Elle Jay ay nagtanong siya. "Nasaan si Elle Jay?" 

Ngumiti ako na parang walang nangyari. "Ah. Naghanap siguro ng afam, ma." 

Tumaas ang dalawang kilay niya. "Afam?"

"Charot. Ahm. Ano. Baka pumunta na siya sa Morgan? Kasi may dormitory doon and nakapagpasa naman na siya ng registration and scholarship so baka...nag-inquire?" hindi sigurado kong sagot. Tumango-tango naman siya at nakahinga ako ng maluwag. "Don't worry, mom. She'll be fine. Si Elle Jay pa ba?" nangingiti kong sabi.


A few days later...

*DING DONG!*

Nagdoorbell ako sa bahay ng lola ni Elle Jay. Namimiss ko na siya at hindi ko rin kasi siya macontact kaya nagpasya na lang akong puntahan siya dito. Bumukas ang gate nila at mukhang ito ang kanyang lola. "Hi po! Friend po ako ni Elle Jay. Nandyan po ba siya---"

"Wala. Umalis. Pandak. Single." masungit niyang sagot.

Napakurap ako. "Nakapag-enroll na po ba siya sa Morgan? Ngayon na po kasi 'yung enrollment period." usisa ko.

Kumunot ang noo niya. "Morgan? Hindi siya doon. Kung talagang kaibigan ka niya, alam mong hindi niya gugustuhing mag-aral doon." nagtataka ko siyang tinignan. "Wala siya dito. Sa ibang school na siya mag-aapply. Kung wala ka ng ibang pakay, ako meron. Natatae na ako." iyon lang at pinagsarhan na niya ako ng kanilang gate.

Sa ibang school na siya mag-aapply? Eh? Elle Jay! Where are you!? 

T_T


JACOB FUENTES' POV

>_<

Inis akong bumangon sa aking kinahihigaan. "Sino nagpatay ng electric fan!?" nanggigigil kong sigaw.

"Manahimik ka dyan! May entrance exam ka pa sa Twilight tapos nakahiga ka pa rin dyan!?" sigaw ni mama at naiinis naman akong napatikom ng bibig. Kunot-noo kong inayos ang pinaghigaan ko. "Maligo ka na! Asim!"



ALTHEA HERNAEZ's POV

Una kong hinanap si Elle Jay nang magsimula kaming sundan ang mukhang professor papunta sa respective classes namin. I just want to wave a goodbye to her and thank her once again for helping me.

"Except for those persistent students...Come with me." nanlaki ang aking mata at natigilan. Tumingin ako sa babaeng siya ang nagsasalita at nag-aannounce kanina pa at nakangiti siya sa amin. "To test how persistent you are...Let us go to the initiation room. If you passed the initiation, automatically you will now be enrolled in this academy. But if not," napalunok ako. "We will still accept you as students but you will go to the Ordinary Class. The same classes and subjects you'll take just like in a normal college."

Nagkatinginan kaming apat na natira dito. Ordinary Class? 

"Of course. You will be free to choose what program you'd like to take. Despite the methods of this prestigious academy, we are open to adapt the typical college environment and departments from outside only for those in Ordinary Class." nginitian niya kami ng matamis at makahulugan. "...Just to appear as a normal school like others."

ADRENALINE CLASSWhere stories live. Discover now