CHAPTER TEN

57 2 0
                                    

ELLE JAY's POV

Patingin-tingin ako kay Jacob na sinusundan ko lang. Sinabihan lang kami nung isang lalaki kanina na mauna na kami at pumunta doon sa likod ng South Wing. Pero hindi ko naman alam kung saan doon! Is it a name of a building? Or was it just the direction? If it's the latter, then are we going to walk this long path to reach the back of this academy!?

"Ahm...Kabisado mo ba dito?" ang tanga nung tanong ko!

Syempre hindi niya kabisado! Eh pareho kong freshman 'to eh!

Tinignan niya ako at galit na naman ang ekspresyon sa mukha niya. "Oo."

Napakamot ako sa aking noo. "Haha. Sabi na eh. Ang bobo---huh?" tumigil siya sa paglalakad at pinaningkitan ako ng mata. "Hala! I mean, ano! Nasa isip ko...hindi mo alam...Wait, alam mo!? Eh!? Ah! Hindi ikaw 'yung sinasabihan ko ng bobo---" tumaas ang dalawang kilay niya habang pinaniningkitan pa rin ako ng mata. "A-ako 'yun. Ang bobo nung tanong ko kasi nasa isip ko, ahm..." napapikit ako ng mariin at bumagsak ang balikat ko. "Paano mo alam? Huhu. Sorry."

Anong nangyayari sa akin!? Nakakaintimidate naman kasi siya. Parang anytime magagalit na naman siya.

T_T

Hindi siya umimik kaya binuksan ko ang isa kong mata para silipin siya. Nakita ko siyang nginingiwian ako. He scoffed before he continued walking. "Alam ko kasi dito ako nagsenior high school."

"Whoa." mangha kong bulalas. "Anong strand mo?" curious kong tanong.

Hmm. Galit pa rin 'yung ekspresyon niya pero kalmado naman itong vibes niya ngayon. 

"STEM." tipid niyang sagot. Binilisan ko ang paglalakad dahil ang lalaki ng hakbang niya.

Mukhang sa college department lang ang may weird na classes dito sa Twilight. Sigh.

Natuwa naman ako. "STEM din ako!"

"Tinatanong ko ba?" masungit niyang asik at tumakbo papalayo. Nilingon niya ako. "Bilisan mo! Kung ayaw mong mapagbuntungan ng galit ni Duke! Ayaw niya sa mga late!" nakasimangot niyang bulyaw at mas binilisan pa ang pagtakbo.

The fluff? "S-sandali! Wait...!"

Who's Duke? 


Someone snickered. Nag-angat ako ng tingin habang naghahabol ng hangin. "You have a great stamina. Maybe that'll help you to survive this class for at least...a week?" napakunot noo ako.

Nakarating din kami sa wakas dito sa likod ng South Wing. Tiningala ko ang malaking gusali sa likuran namin pagkatapos ay tumingin sa gubat na nasa harapan namin. Bumuntong hininga ako.

"Don't underestimate me." seryoso kong sabi at tumayo ng maayos.

"What the? Dalawa lang?" bahagyang nanlaki ang aking mata at hinanap ang pinagmumulan ng boses na iyon. "Tsk." mula sa isang puno ay may bumaba na isang babae. Nang-uuyam siyang tumingin sa amin binabalatan ang kanyang labi. Nang magdugo iyon ay tsaka niya dinilaan.

"An aggressive type..." may nagsalita sa likuran namin. "...and a chick." ngayon naman ay nagmumula iyon sa harapan namin. I saw a guy standing in front of us. 

Since when did he move that fast? Mula sa likuran namin hanggang sa napunta siya sa aming harapan? At hindi man lang namin narinig ang mga yapak niya. Ultimong presenya nila ay hindi mo madama.

Nakataas ang isang kilay nito habang nakahalukipkip na nakatingin sa amin. Kulay kahel ang kanyang buhok maski ang kanyang kilay.

"Where's Duke?" kunot-noong tanong ni Jacob sa kanila.

ADRENALINE CLASSWhere stories live. Discover now