CHAPTER FOUR

87 4 0
                                    

ELLE JAY's POV

Nagdoorbell ako. Ilang segundo lang ang hinintay ko at bumukas na ang gate. Tumingin ako kay Lola na siya palang nagbukas. Namasa ang aking mata at nanlaki ang kanyang mata. "Lola.."

Kumunot ang noo ko nang parang naging pula ang kulay ng kanyang mata. Nilapitan niya ako at tinignan ang kabuuan ko. "Bakit may talsik ka ng dugo sa katawan...?"

Tumirik ang mata ko at pakiramdam ko ay umiikot ang mundo. Biglang lumamig ang aking pakiramdam at nagmumula iyon sa batok ako.

Oh no. I think my blood pressure dropped. 

Parang may humihila sa isang parte ng katawan ko dahilan para bumagsak ako sa malamig na semento. "Elle Jay!"



"...Can I just at least leave the letter here, Mrs. Estrella?"

"Paano niyo ba siya nahanap? Hindi ko inaasahan 'to."

"Unfortunately for you, we've been watching her for years now. Ever since that incident happened."

"Sigh. Pwede bang umalis muna kayo? Ayaw kong maabutan kayo ng apo ko."

"Kilala naman niya ako. Wala akong nakikitang mali na bisitahin ang kaklase ko. We're quite close, Mrs. Estrella."

Kumunot ang aking noo at dahan-dahang nagmulat ng mata. Pero agad rin akong pumikit nang mariin nang umikot na naman ang aking paningin. 

The world is spinning!

"Elle Jay?" narinig ko ang paglapit ni lola sa kinahihigaan ko. Sinapo niya ang noo ko at braso. "She's still cold. But she's awake now. Bring the doctor here." 

"Yes, madam." boses iyon ng isa sa maid ni lola.

Ugh. This feeling is the worst. Hindi ko akalain na bababa na naman ang dugo ko. Ilang araw ba akong walang tulog?

Sigh. Kahit nakapikit ako ay ramdam kong umiikot pa rin ang paligid. I feel so nauseous. I want to puke. I feel so cold. I'm hungry but I don't think I'll be able to eat with this kind of condition.

"Doc. What's wrong?" rinig ko ang munting pag-aalala sa boses ni lola. Hindi ko man lang namalayan na chinecheck-up na pala ako.

"She has severe low blood, ma'am. I will be prescribing her medications and vitamins. For now, maglagay kayo ng isa o dalawang unan na pagpapatungan ng kanyang paa. That would help her."


[Author's Note: I don't know why guys bakit kailangan ng dalawang unan hahaha. Lowblood din ako at iyan ang payo nung doctor at effective naman. Hindi ko nga lang natanong kung para saan. Lol.]


"I will be leaving now, Mrs. Estrella." I frowned. Pamilyar ang boses na iyon.

The whole day, nakahiga lang ako sa kama ko. Sopas lang ang kaya kong kainin o sabaw dahil pakiramdam ko ay nasusuka ako kapag kakain ako. 

"Elle Jay, are you pregnant?" parang nawala na lang bigla ang pagkahilo ko at napamulagat. Tinignan ko siya na seryosong nakatingin sa akin. 

"Huh? Lola. No. I'm not pregnant." hindi makapaniwala kong bulalas. 

May ipinakita siya sa akin. It's a pregnancy kit. I was dumbfounded. "Ibinigay sa akin ito ng doktor kanina nung natutulog ka. He said that you have to pee on this. Ang symptoms mo ay parang symptoms ng buntis kaya isa ito sa test na kailangan mong gawin."

ADRENALINE CLASSWhere stories live. Discover now