BBIBI's POV
>_<
Bakit ba ganito ang girlfriend ko? Paano ko ba siya naging girlfriend? I clicked my tongue. Iniharang ko ang palad sa mukha ni Xyrin nang subukan niya akong halikan. "Can't we bathe in peace?" medyo asar kong asik.
Napatigil siya at lumayo ng kaunti. Medyo kinabahan ako pero pinanatili ko ang pagkakakunot ng noo ko. What? Galit ba siya? Kanina niya pa kaya ako iniinis.
>_<
"So...we're bathing. Together." nilingon ko siya at nakangisi siya.
Nevermind. This girl is really crazy. She's driving me crazy!
GLENN's POV
"You only have a few weeks left. You have to be in your best condition before you enter the main campus of the academy. Nagkakaintindihan ba tayo?" parang wala sa mood na paalala sa amin ni Zen. "I'm telling you. Kapag nagpapetiks petiks lang kayo sa training niyo, you will not survive the real training there."
"Saan mo naman nakuha 'yang word na 'yan?" Xyrin asked.
Kunot-noo siyang tinignan ni Zen. "I'm not exactly sure. Narinig ko lang sa mga bata dyan sa tabi-tabi, I think."
Tumingin lang kami sa kanya. Alam kong pare-parehas kami nila Bbibi at Xyrin ng iniisip. That was so out of character of Zen. That man never cares about anything not unless it's about medicine.
Bumuka ulit ang bibig niya at ang dami niyang pangaral at sermon. Nagtitingin na nga lang ng kuko si Bbibi sa tabi ko eh. Ako naman ay nagbibilang ng dahon sa puno.
Even when they started walking away, Zen never stopped talking. "Parang dudugo na yata 'yung tenga ko." natatawa kong sabi kay Bbibi nang hindi na namin sila matanaw.
"'Yung labi ko naman 'yung nagdudugo." tinignan ko siya at bumaba ang tingin ko sa labi niya.
"Bakit kasi binabalatan mo---ayy, ang TMI ah. Do I really have to know about that? Really, Bbibi?" natatawa akong umiling-iling. Namula ng konti ang pisngi niya at pinisil-pisil ang bibig. "Gotta go." nagteleport na ako at tumungo sa training grounds namin sa loob ng dormitory.
I will be spending my time training indoors. I'll be relying to Bbibi's terrible cooking for a while. Sigh. I hope I won't die from food poisoning.
ELLE JAY's POV
Lumabas ako ng kwarto at nakasalubong ko si Bbibi. "Hi, Elle Jay. Gising ka na pala. Lets eat."
Food!
It's been a few days since Bbibi and Glenn received a letter of recommendation from those two seniors. Naikwento na nilang dalawa sa akin nang mas detalyado kung bakit kailangan nila 'yon at para saan. Like, anong gagawin? Tapos hindi ko na alam. Hehe.
Sa mga lumipas din na araw ay madaming nangyari. Bbibi asked me to spar with her and we've been sparring partners since then. Hindi na siya naghoholdback sa akin at syempre noong una, overwhelmed ako dahil ginagamit niya sa akin 'yung ability niya.
While on our break, tinuturuan niya ako kung papaano ko malalaman kung ano ang ability ko. Hindi lang daw kasi second years ng Adrenaline Class ang may test. Kami rin daw na freshmen. Although they were just going to assess our current attributes and no matter what the result is, it won't affect our setting foot inside the main campus this school year. Kabahan na lang daw kami kapag nagsecond year na.
Bakit kailangan manakot? T_T Ayokong maging labrat ng Theory Class!
"Come to think of it, hindi ko nakikita si Jacob." usisa ni Bbibi.
Nagulat ako. "Oo nga, 'no? Hindi pa siya bumabalik." natitigilan kong sabi.
Hala. Hindi ko man lang napansin na MIA si Jacob. Saan nagsususuot 'yon?
MEANWHILE...
JACOB's POV
"Nasaan ako!?" galit kong tanong sa aking sarili. Ilang araw na akong naliligaw!
Ang baho ko na!
Inihawi ko 'yung halaman na nasa harapan ko pero agad ko rin na binitawan. May nakita akong dalawang taong nag-uusap ng patago hindi kalayuan sa pwesto ko.
Nanahimik ako at sumilip. May nakita akong hidden entrance sa tabi nila at pag-angat ko ng tingin ay napagtanto kong building ng West Wing itong lugar kung nasaan ako. I'm still outside the walls of the main campus though.
"What are we supposed to do? Puro upgrade naman ginagawa natin. Successful naman kaso hindi naman 'yun 'yung goal natin." the first guy muttered.
"Sshh. Ang ingay mo naman. Anyway. We have to continue doing it if we want to avoid suspicions from them. Matagal na 'tong plano na'to pero kahit mabagal ang usad, may progress pa rin." kumunot ang noo ko. Ano bang pinag-uusapan nila? "Duke is doing a really good job, you know? That sly man. He's good at fooling everyone. He got them good."
Bahagyang nanlaki ang aking mata. Why am I suddenly hearing Duke's name?
"Right. Pero alis na tayo dito. I've been smelling something awful since earlier." lumingon-lingon sila sa paligid at napatago ako ng husto. "May tumae ba dito? Ang bantot."
Nagtakip sila ng ilong at nagmamadaling pumasok sa hidden entrance na iyon. Good. They're gone. Akala ko mahuhuli nila akong nakikichismis--- "Wait. Hold up."
Tumayo ako nang maayos at kunot-noong tumitig sa kung saan. Dahan-dahang nagsalubong ang kilay ko. "A-ako ba 'yung tinutukoy nilang...mabaho?" nagbaba ako ng tingin at napakuyom ng kamao.
I can feel my blood boiling. Those bastards!
YOU ARE READING
ADRENALINE CLASS
FantasyA world beyond the understanding of humanity will unfold. The secrets untold about the unreal potential of humans will determine the fate of the world. Are you really human? What makes you human? A special school with a special class hidden from the...