CHAPTER TWENTY THREE

20 0 0
                                    

ELLE JAY's POV

THE DAY.

Rawr.

"Are you ready, kids?" ibinalik ko ang atensyon kay sir Zen.

"Aye! Aye! Captain!" mahina kong tugon pero mukhang narinig nilang lahat.

Si sir Zen lang ang sumundo sa amin dito sa liblib na lugar ng Twilight Academy. Oo. Liblib na kung ituring ito. Biruin mong wala kaming ilaw maliban lang doon sa dorm. Tapos napapalibutan kami ng mga weird animals na hindi belong dito.

Nag-iwas ako ng tingin at nagpanggap na walang nangyari. Kumukunot-kunot pa 'yung noo ko habang sinisilip 'yung dalawang butiki na nagliligawan dito sa kisame. We're currently here at our dorm and we're all ready!

But I'm thirsty. T_T Ang dry ng lalamunan ko. Ilang araw na. I think deserve ko magcoffee shop sa labas kaso hindi naman kami pinapayagan na lumabas. 

Twilight Academy is not giving.

Hindi na kami masyadong nagtagal pa sa dorm at umalis na. For your information, wala kaming dalang ni isang bag. Pati cellphones namin ay itinago ni sir Zen dahil distraction lang daw iyon. I beg to disagree. It's a tool used by humans for long distance communication. Hindi na nga kami pwedeng lumabas tapos 'yung natatanging koneksyon namin sa mga tao sa labas ay kinuha pa.

Nakasimangot kong tinignan ang batok ni sir Zen. I will steal my phone after the assessment for Jacob and I. Well, hindi iyon form of stealing. I cannot steal something that is my property in the first place, right? 

Sigh.

Typical days of being a student in Adrenaline Class, we're running and leaping from tree to tree. "Wala nga tayong dalang bag pero we have weights attached all over our body!" singhal ni Jacob na nasa kaliwa ko. Nahuhuli kaming dalawa at mukhang nakikipag-unahan pa siya sa akin.

Buang.

Nilingon niya ako nang mapansin niya akong nakatingin sa kanya. Sininghalan niya ako. Ngumiti ako at iniangat ko ang kanang kamay. Umakto akong may ibabato sa kanya. "Watch out!" tumama ang isang manipis na hangin sa malaking sanga na nakaharang sa daanan niya. "Welcome." humagikhik ako ng konti at naasar siya lalo sa akin.

Ibinalik ko ang tingin sa aming harapan at hindi rin nagtagal ay nakarating na kami. "Finally, we're here." nakangiti kong bulong at tumingala sa naglalakihang gusali.

After arriving at the top of this hill wherein all the buildings of Twilight Academy are here, I heaved a sigh. "Naiihi ako."



COLEEN's POV

Someone knocked on my door. "Coleen! You ready?" nang matapos ayusin ang kwelyo ng uniform ko ay sumagot ako pabalik sa kaklase ko.

"Yes! Coming!" tinignan ko muli ang sarili sa salamin at nag-awra-awrahan. Satisfied, I went out and locked my room.

I'm Coleen Zamora. A student from Theory Class. At ngayon ay papunta na kami sa Twilight Coliseum for the College Admission Test. That's right. Lahat kaming freshmen ng Weapon Class, Theory Class, at Adrenaline Class ay hindi pa officially enrolled!

T_T

"Hi, Coleen!"

"Good morning, Coleen! You're so pretty today."

"Coleen! Thanks for helping me the other day!"

"Good luck, Coleen!"

Nginitian at binati ko ang lahat ng bumati sa akin sa hallway. "Hi! Goodluck din sa inyo!" kumaway ako sa kanila at may pagmamadaling umalis doon.

ADRENALINE CLASSWhere stories live. Discover now