CHAPTER NINE

62 3 0
                                    

ELLE JAY's POV

"YAY! Pasado tayo sa entrance exam! HAHAHA!" pinanood ko si Coleen na tuwang-tuwang tumatalon sa harapan ko.

Hindi ko mapigilang bumuntong hininga dahil sa pagod. "May paliguan ba dito? Ang asim ko na, Coleen." natawa siya sa sinabi ko at umangkla sa braso ko. 

Kasalukuyan kaming naglalakad at sinusundan ang mga tao kanina na nakasuot ng pangpormal. Bakit ang bilis nilang maglakad? Wait lang po! May mga pagod po dito! Huhu!

Katulad ng sinabi ni Coleen ay nakapasa kami sa entrance exam ng Twilight Academy. Hindi ko alam kung entrance exam ba talaga ito dahil parang bigla kaming sumabak sa running and climbing routine ng ROTC. Though hindi ko alam kung ganito rin ba ang ginagawa nila. 

Naalala ko na naman 'yung paper and pen test! T_T

Tumigil kami sa harapan mismo ng mga gusali. "Wow. Parang kastilyo." mangha kong bulalas.

Oo. Para talagang kastilyo. Hindi ko akalain na may ganitong paaralan sa Pilipinas. Ang ganda! Ang tataas pa! Ilang palapag kaya ito? Ano kayang itsura sa loob?

"Once again...Congratulations to all of you who passed the entrance examination of Twilight Academy." sabi nung babaeng nasa gitna nila. Pumalakpak na naman silang lahat at napaigtad ako ng konti.

Grabe naman kung makapalakpak ang mga ito. Nakakaoverwhelm. O hindi lang ako sanay? Kasi moderate lang 'yung palakpak nung graduation namin eh. Dito ay OA.

Joke lang po.

"I will now announce your respective classes based on your performance today." pagkasabi niya niyon ay may lumabas na namang malaking hologram sa taas nila.

"Ang bilis ng admin nila, ha?" bulong ko. "At ang hightech ng Twilight, Coleen!" natutuwa kong sabi sa kanya. Nginitian niya lang ako.

"There are three classes for freshmen. 

Weapon Class

Theory Class

Adrenaline Class."

Nawala ang ngiti ko at napakunot noo.

"Weapon Class will be located at the East Wing of the Academy. This will become your environment to enhance your physical traits in all fields of courses like sports, combat training, and weapon mastery.

Theory Class will be located at the West Wing of the Academy. This will become your environment to enhance your intelligence in all fields of courses like experimentation, critical thinking, and theories.

Adrenaline Class will be located at the back of the South Wing of the Academy. This will become your environment to enhance your surviving skills."

Umawang ang aking labi at hindi ko alam kung kaya kong intindihin ang mga sinabi nila. Weapon Class? Theory Class? Adrenaline Class? Anong class ang mga iyan? Bakit may ganyan sa college nila?

Wala bang Bachelor of Arts in Political Science Major in Graft and Corruption?

Bachelor of Science in Biology Major in Cannibalism?

Information Technology Major in Stalking?

What about Engineering Major in Minecraft Building?


[A/N: Huy joke lang 'to ha! Huwag masyadong seryosohin ang dogshow story na ito. Hahaha!]


Bakit may ganyan! T_T Wala akong nakitang ganyan sa brochure nila! Fake news!

After that, they started announcing our names and our respective classes. May ilan na natuwa sa class na napuntahan nila. May ilan naman na katulad ko ay naguguluhan pa din.

"Coleen Zamora...Theory Class."

"Hala! Omg!" kinikilig na bulalas ni Coleen at natuwa ako sa kanyang reaksyon. Humarap siya sa akin at hinawakan ang dalawang kamay ko. "I'll be waiting for you sa Theory Class!" nagngitian kami bago siya pumunta doon sa harapan kung saan gumawa sila ng pila bawat class.

Unti-unti na kaming nababawasan at ngayon ay mas madami ang mga napunta sa Theory Class.

"Jacob Fuentes...Adrenaline Class." my lips formed an 'o'. Siya kasi ang unang napunta sa Adrenaline Class. Kunot-noo naman siyang pumunta doon sa pilahan at tumingin sa kung saan.

Hindi siguro naging maganda ang pwesto ng paggising niya kaninang umaga.

"Althea Hernaez...Weapon Class." siya 'yung babae na tinulungan ko kanina. Nginitian ko siya nang mapatingin siya sa akin. Pinalakpakan ko rin siya nang pumunta siya sa class niya.

"Elle Jay Vicente..." oh it's me!

Theory Class...Theory Class...Theory Class...

Nagkatinginan kami ni Coleen and she has this expectant smile waiting for me.

"...Adrenaline Class."

Eh?

Nagulat si Coleen. Ako naman ay napatikom ng bibig. Naglakad na ako patungo sa kinaroroonan ni Jacob at ang sama na naman ng tingin niya sa akin. "What a bad luck." rinig kong bulong niya nang madaanan ko siya.

It's okay. There's nothing wrong being in Adrenaline Class. What's there to be disappointed of, Elle Jay? Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi at hindi ko magawang tignan si Coleen na alam kong nakatingin sa akin.

I can't help but ask, why? Huminga ako ng malalim at umiling-iling. It's not a bad class. I'm sure there are things I will learn here. 

"Kaunti lang ang natatanggap doon. Puro matatalino. At hindi lang pagiging matalino na galing sa librong nababasa. You will easily get accepted to that academy if you excel in theory."

"Bukod naman doon ay ayos lang kung hindi ka ganoon katalino. There are other fields where you can choose freely. But in the end, you also have to excel in that area. If not, you will not be able to adapt their methods of learning."

Bakit hindi ako napunta sa Theory Class? What is their criteria or grading matrix sa pag-aassign sa amin ng class? Akala ko ba ay I can choose freely on what field should I want? Napailing-iling ako. Hindi ko rin naman alam kung ano ang pipiliin ko dahil mukhang hindi ito tipikal na kolehiyo.

"Adrenaline Class will be located at the back of the South Wing of the Academy. This will become your environment to enhance your surviving skills."

Napakurap ako at nag-angat ng ulo. "Anong ibig sabihin nila doon sa...likod daw ng South Wing ang Adrenaline Class?" tanong ko kay Jacob.

Sa Adrenaline Class lang ang narinig kong ganoon.

Nilingon niya ako at tinaasan ng isang kilay. "That's the forest area of this academy." nginisihan niya ako. "Are you scared? You should be. But don't worry. May classroom pa rin naman doon. Wala ka nga lang tutulugan doon na komportableng kwarto." inilapit niya ang mukha sa akin at tinulak ng kaunti ang noo ko gamit ang kanyang hintuturo. "Kung hindi mo pa narerealize, this is a survival class. Isipin mong parang pumasok ka na lang sa ROTC." 

Warehel? T_T



DUKE's POV

I opened my phone and read Coleen's message. 

--Sa Adrenaline Class siya napunta. It's all going according to plan, Duke.--

Palihim akong nag-angat ng tingin sa mga faculty members ng Twilight Academy. They were all arguing about the absurd entrance examination this year. 

Ibinalik ko ang tingin sa cellphone ko at nagreply sa kanya.

--Good. You might be in Theory Class but keep an eye on her.--

Mabilis siyang nakareply pagkasend ko niyon.

--Someone's already keeping an eye on her. Hahaha.--

Kumunot ang noo ko. "...Who would that be?" mahina kong bulong sa hangin.

ADRENALINE CLASSWhere stories live. Discover now