CHAPTER THREE

82 3 0
                                    

ELLE JAY's POV


MONDAY. MORNING.

"Hi, lola." bati ko kay lola na nanonood sa sala. She's smoking this early?

"May lakad ka?" tanong niya. Tumango ako habang umiinom ng maligamgam na tubig. "Saan?"

"Sa school po. Graduation photoshoot po namin."

Tinaasan niya ako ng isang kilay. "...Looking like that?" kumunot ang noo ko at tinignan ang sarili. May mali ba sa suot ko? Naka-uniform naman ako at bagong ligo. Fresh na fresh! Pumalakpak siya at may tatlong maid na nagsilabasan. Nakasimangot akong tinignan ni lola. "Doll her up." parang galit niya pang sabi.

"Eh?"


"EH...?"

"SO PRETTY NAMAN, ELLE JAY!" tinignan ko ang mga classmates ko. "Parang koryan! KPOP! Rawr."

"HA! What's the use of dolling yourself up kung ligwak ka naman sa Dean's List?" tumingin ako sa kaklase namin na pareho kong scholar. 

The girl who complimented me earlier frowned. "Eh 'di ba ligwak ka rin sa Dean's List? Makareact naman 'to." 

"Hindi ikaw ang kinakausap ko!"

"Ayaw ka naming kausap! Tsupi! Magaganda lang ang welcome dito!"

"Eh 'di layas!"

"Inutusan mo na pala 'yung sarili mo eh ba't 'di ka pa umaalis!?" I tugged Coleen's shirt. "Hmp!"

"K-kalma." bulong ko sa kanya.

The girl named Yena smirked. "At least, I know my place."

Pumatol na naman si Coleen na ikinalunok ko na lang. Napansin kong pinapanood na kami ng iba naming kaklase. "So? Pangit ka rin!"

Nag-usok ang ilong ni Yena. "Huh!? Wala akong sinabing pangit ka!"

"Wala din akong sinabing maganda ka!"

"What!?"

Hinila ko na lang sa braso si Coleen palabas ng classroom namin. "Huy. Kalma ka lang, Coleen." mahinahon kong sabi sa kanya nang medyo makalayo kami.

Tinignan niya lang ako. "K." napakurap-kurap naman ako. Deja vu!?

She hugged me and kissed my cheeks. "Alis na tayo, Elle Jay. Tapos naman na ang photoshoot." her brown eyes glowed a little.

Napakurap-kurap ako. Hm? Guni-guni ko lang ba 'yon?

Nagpatianod na lang ako sa kanya at pumunta kami sa mall. Take note, suot pa namin ang toga at robe! Nag-arcade kami at ilang minuto kaming nagbasketball. Nang mapagod ay may namataan naman kaming bilyaran kaya doon naman kami naglaro. 

O_O

"Bye, Elle Jay!" nang sumapit ang hapon ay naghiwalay na kami ng landas ni Coleen.

O_O

-_-

O_O?

Lah?

Tumingala ako sa langit at napansing bumababa na ang araw. "Kailangan ko nang umuwi." bulong ko sa aking sarili.

Someone whistled. Natulos ako sa aking kinatatayuan. "Hi, miss ganda!" nanlaki ang aking mata at mabilis na inilibot ang tingin sa paligid.

Hindi naman kami naghiwalay ni Coleen sa may eskinita pero ito ang likuan sa daan papunta sa school. Tanaw ko ang gate namin pero malayo ang distansya. Nilingon ko ang isang tambay na sumipol sa akin. "Wow! Ang ganda nga! Mag-isa ka lang ba?" nagkunwari pa siyang tumingin sa paligid ko. "Mukhang wala. Gusto mo ba ng kasama?" lumapit siya sa akin at hindi ako nakagalaw. Amoy ko ang mabaho nitong hininga. Mukhang nakainom pa ito! "Gusto mo bang samahan kita? Taga-saan ka ba? Ako dyan lang. Doon oh!" sinundan ko ng tingin ang itinuturo niya. Sa gilid iyon ng kalsada na may nakalatag na karton at mga basura. Hinawakan niya ang braso ko at kinilabutan ako. "Tara don."

ADRENALINE CLASSWhere stories live. Discover now