CHAPTER TWENTY

43 1 0
                                    

JACOB's POV

"Damn it!" tumalon-talon ako sa mga sanga ng puno habang tinatakasan ang isang pack ng lobo dito sa gubat. Bigla na lamang silang lumitaw at hinabol ako!

Akala ko ay magiging madali ang training namin na ito. We'll just answer these papers and if it's correct, our vest that we are wearing will reduce its weight. For all you know, this vest weighs 30 kilograms! At isang kilo lang ang nababawas kada tamang sagot. I can't afford to have a wrong answer!

Nagkataong sinuwerte at minalas ako sa destinasyong pinuntahan ko. Swerte dahil nagkalat ang mga papel sa paligid. Malas naman dahil hinahabol pa rin ako ng mga lobong ito!

QUESTION: What is the most abundant gas in the Earth's atmosphere?

"Nitrogen!"

QUESTION: What is the powerhouse of the cell?

"Ano bang mga tanong 'to? It's mitochondria!"

QUESTION: What is the capital city of Canada?

"Ottawa!"

QUESTION: What is the art movement associated with Salvador Dali?

"Fuck! Ano 'to?" palingon-lingon ako sa likod ko dahil nandoon pa rin 'yung mga lobo!





A FEW HOURS LATER...

BBIBI's POV

"Huff...Huff...Huff..." napasalampak ako ng higa at tumingin sa ulap kung saan unti-unti nang sumisilip ang sinag ng araw.

May sumalampak sa tabi ko at si Glenn iyon. He's catching his breath just like me. Pumikit ako at nagbuga ng malakas na hangin. "Kaya pa? Dadating na sila mamaya."

He took a deep breath. "I don't know. I just wanna lie somewhere and sleep." halatang pagod nga talaga siya.

Inobserbahan ko ang paligid. "Nasaan 'yung dalawa?" bumangon ako at tumayo. Nag-inat-inat din ako at halos malukot ang mukha sa pananakit ng buong katawan ko. Glenn did the same and we're looking for those freshmen. "Hindi pa sila tapos? Come to think of it, how's Elle Jay catching up?" nag-alala ako ng kaunti.

"I guess you don't have to worry, Bbibi." natatawang sabi ni Glenn kaya nagtataka kong sinundan ng tingin ang tinitignan niya. Doon ay nakita namin sila Elle Jay at Jacob na kalalabas lang mula sa training grounds namin kanina at may hila-hilang usa at wild boar. As usual ay nakasimangot si Jacob pero si Elle Jay ay parang malalim ang iniisip. "Mukhang nauna sila sa atin. I can't believe it. I saw their remarkable grades from senior high school and these two are definitely genius. Nagtataka tuloy ako kung bakit dito sila napunta at hindi sa Theory Class."

Napatango-tango ako. "Yeah. I agree. I'm not surprised about Jacob since he really do quite well in our physical training last week. This time as well. Biruin mong may kasama pang twist na kailangan mong sumagot ng mga tanong para gumaan ang vest na suot natin? While I believe Elle Jay is capable of overcoming this training, I think she has the hardest time among all of us."

Sumang-ayon si Glenn sa sinabi ko. Nang medyo bumalik na ang normal na pagtibok ng aming puso ay sinalubong namin silang dalawa. We helped them skin the wild boar and the deer and we had a wonderful feast for this morning.

"Meat!" natutuwang bulalas ni Elle Jay at natigilan kami. Hindi namin alam kung paano pa magrereact sa kanya but she looks fine now. Hindi ko rin naman napigilan ang mahinang pagtawa ko dahil ang cute niyang kumain.

Lumapit ako sa tabi niya at inakbayan siya. "Eat more, Elle Jay." nakangiti kong sabi at tuwang-tuwa siyang kumain. "How's the training this time?"

"Easy." sabay nilang sabi ni Jacob. Napakurap-kurap ako.

"Genius twerps." natatawang sabi ni Glenn at sumama ang tingin ni Jacob sa kanya.

"...Hindi ba tayo tuturuan ng mga professor ng academy?" napatingin kami kay Elle Jay. Nakatitig siya sa kinakain na karne. "I like the training today. But I missed doing school work or paper works." nagpatuloy na siya sa pagkain at pasimpleng kinuha 'yung ulam ni Jacob.

"I hate school works." Glenn grunted.

"Eh 'di dapat doon ka na lang sa Theory Class. Bakit ka ba nandito?" nakasimangot na asik ni Jacob sa kanya na hindi pa rin alam na may nawawala siyang isang ulam. Kumunot ang noo niya at hinanap 'yung kinuha ni Elle Jay. "Nasaan na 'yung iniihaw ko dito na isa?" he murmured.

"As if naman na may choice ako, Jacob." ngumuso si Elle Jay at pasimple na namang kumuha ng ulam ni Jacob. Mukhang hindi yata marunong mag-ihaw si Elle Jay kaya pinagdidiskitahan niya ang mga iniihaw ni Jacob. Hahaha.

"Don't worry. We will be entering the main campus soon." nilingon ako ni Elle Jay. "Be ready. Bawal ang tamad sa college."





ELLE JAY's POV

I know that. College is tough. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang kursong gusto ko. Kaya hindi rin ako masyadong nagrereklamo sa ginagawa namin dito sa Adrenaline Class. Hinimas ko ang hita ko at pumasok sa isipan ko ang nakasimangot na mukha ni lola.

Thanks to lola's cruel training, I was able to at least condition my body to these kinds of training. Especially last night's training. Pero nakakapagod! Ang sakit ng likod ko!

T_T

"Sigurado ba kayong may time kayong magrelax, Bbibi and Glenn?" natigilan ako at lumingon sa aming likuran. There are two strangers behind us. A man and a woman.

"Nandito na sila." rinig kong bulong ni Bbibi at lumayo sa akin. Pareho silang tumayo ni Glenn kaya napatayo din kami ni Jacob.

Hindi man lang nila kami tinapunan ng tingin at bigla na lamang nilang inatake sila Bbibi. "Bbibi...!" gulat kong bulalas pero bumulusok na lang sila papasok ulit sa gubat. "Hey! Kumakain pa kami!" kunot noo kong sigaw sa dalawang estranghero at tinignan lang nila kami.

Pinaningkitan ako ng mata nung babae at ngumiti. "As if we care?" kalmado niyang sabi at tinaasan ako ng balahibo. I don't know why but she's scary!

"Iyon talaga ang inaalala mo?" hindi makapaniwalang sabi ni Jacob sa tabi ko. Hindi ko siya pinansin at sinundan 'yung dalawang stranger spokening dollars pero pinigilan niya ako. "I thought Duke already informed you. But you can't intervene, pandak."

"Bakit? They look dangerous and they suddenly attacked them!" napakuyom ako ng kamao at napatitig na lang sa pinuntahan nila. I'm worried.

"It's a test they must take. Gusto mong makapunta sa main campus ng academy at maturuan mismo ng professors 'di ba? Well. Mas desperado sila Bbibi at Glenn doon. Don't get in their way." masungit niyang sabi at may halong banta.

"Naiintindihan ko." mahina kong sabi at napayuko. Sinilip ko siya at niyugyog ang braso ko. "Bitawan mo ako."

Kumunot ang noo niya at galit na tumingin sa akin. "No! Baka sundan mo sila."

Ngumuso ako. "Hindi. Kakain ako! Hindi pa ako tapos kumain." napanganga siya at hinayaan na ako. "Pwede mo ba akong ihawan ng karne? Hehe." nahihiya at kinakabahan kong pakiusap.

His left eye twitched. "Ha? Hey! Ikaw siguro kumukuha nung mga iniihaw ko 'no!?"

He's loud. T_T

ADRENALINE CLASSWhere stories live. Discover now