CHAPTER ELEVEN

59 1 0
                                    

ELLE JAY's POV

Nang makarating sa sapa ay agad na naghubad si Bbibi. I got flustered by her boldness and she wasn't shy about undressing in front of someone. Nang sumulong siya sa tubig ay tinignan niya ako. Her bored eyes looked at me. "Come here." 

Napalunok ako. Nahihiya akong nagtanggal ng damit at mabilis na inilubog ang hubad kong katawan sa tubig. Tinignan niya lang ako at parang inoobserbahan ang bawat kilos ko. 

Napapikit ako nang makaramdam ng kaginhawaan. Maligamgam ang tubig at hindi mainit dito sa parte namin. Ang sarap ng simoy ng hangin. Pakiramdam ko ay makakatulog ako dito.

I feel so refreshed!

Ah! Napamulat ako ng mata at tumingin kay Bbibi. "Elle Jay pala ang pangalan ko." maingat kong pagpapakilala sa aking sarili.

"Nice to meet you, Elle Jay. How was it?" agad niyang tanong. "How was the entrance exam?"

She's striking a conversation with me! Holy fluff! 

Ang tuwang naramdaman ko dahil doon ay agad ring nawala. Bumagsak ang balikat ko at sumagot. "Tiring." malakas akong bumuntong hininga at napansin niya iyon. "...and confusing."

Tumaas ang isang kilay niya. "Confusing? Bakit?"

T_T

Bumwelo ako at nagsimulang mag-rap.

"Bakit hindi? Pagkarating palang namin ay may na-eliminate na dahil lang sa pumasok sila sa gate na wala pang instructions kung pwede na bang pumasok. Pwede ba 'yon? Ngayon lang ako nakakita ng ganoong entrance exam! Atsaka, sino 'yung mga men in black?" napamulagat siya ng mata. "Ito pa. May hologram kayo!? Ang hightech ng Twilight! Grabe! Hindi ko akalain na may makikita akong ganoong ka-advance na technology sa buhay ko." umawang ang kanyang bibig. "Nakakapagod 'yung pagtakbo at pag-akyat namin patungo sa tuktok. Bakit ba nakalocate ang Twilight Academy sa isang bundok?" naiiyak kong tanong. "Pero ang ganda ng academy! I like the atmosphere here! Very relaxing. Pero bakit ganon 'yung paper and pen test? Pinapaguhit ako ng smiley face! 'Yung kasama ko kanina, si Jacob, pinapaguhit siya ng tae! Tapos nung binigay na namin 'yung papel, pasado na kami? And what's with these classes? Weapon Class? Theory Class? Adrenaline Class? Hindi ba college ang napuntahan ko?" halos umikot na ang paningin ko sa sobrang pagkahilo sa mga nangyari.

Hindi ko akalain na sasabog ako at ang dami kong nasabi! Napatakip ako ng bibig at tumingin kay Bbibi. Nakanganga at nakatulala lang siya na nakatingin sa akin. Napanguso ako at naiiyak na sumisid sa tubig. Nagpalutang-lutang ako na parang tae.

I gasped. Tae na naman!? T_T



BBIBI's POV

Huminga ako ng malalim at ibinalik sa normal ang ekspresyon ko.

So, hindi niya alam kung bakit siya nag-apply dito sa Twilight? Kumunot ang noo. Kanino at saan niya ba nalaman ang tungkol sa academy namin?

"Bakit ka nag-apply sa Twilight?" tanong ko habang pinapanood siyang palutang-lutang. In fairness, ang puti at ang kinis niya. Maganda din siya at petite.

She's definitely Duke's type.

Umahon siya at natulala ako. Hindi lang siya maganda. Sobrang ganda niya. Upon a closer look, she has long eyelashes and a cute puffy cheek. Para siyang elementary.

"Hindi ako nag-apply." tumingin siya sa akin. "I received a letter of invitation." nanlaki ang aking mata.

"What?" gulat kong bulalas. Nagtaka siya sa naging reaksyon ko. "A letter of invitation, you say?" paninigurado ko.

ADRENALINE CLASSWhere stories live. Discover now