CHAPTER TWENTY SIX

24 2 0
                                    

Coleen silently gasped after hearing what the announcer said. 

-- "Duke! What the hell is happening? Hindi ganito ang mangyayari!" -- Coleen immediately connected her mind to Duke through telepathy.

Duke, on the other hand, frowned and responded. -- "...Someone sabotaged my plan." --

Nag-aalalang tumingin si Coleen kay Elle Jay na halata sa mukha nito ang labis na kaguluhan. Gayunpaman ay handa ang postura nito na makipaglaban. -- "Who would have done that?" -- nai-stress na pahayag niya.

-- "Hindi ko pa alam. But I believe they will overcome this." --

-- "Overcome? Duke, halos isang buwan palang siya dito. Her body might have been conditioned a little to fight but not to survive!" --

-- "What can I do? Find the source on why this plan failed? I can't do anything in this arena and you know that." --

He's right. Coleen inwardly sighed. Tanging panonood na lamang ba ang kaya naming gawin sa sitwasyon ngayon? Elle Jay. Please be safe.


ELLE JAY's POV

I heard a sound of a clock ticking. Nag-angat ako ng tingin sa hologram. 

9: 58
9: 57
9: 56
9: 55

Natigilan ako. There's a timer. "Pandak!"

Napamulagat ako at tumingin kay Jacob. Pero agad na lumipat ang tingin ko sa papalapit na patalim sa mukha ko. Mula sa gilid ng aking mata ay kitang-kita ko kung papaanong manlaki ang mata ni Jacob na nakatingin sa akin.

What is this? Why does everything feels so slow?

Pigil ang hininga na hinablot ko ang hawakan nitong dagger. Napatitig ako doon. Ilang hibla na lamang ng buhok ay babaon na sana iyon sa mata ko. 

Tinignan ko kung sino ang nagbato niyon at agad namang nawala ang ngisi nito. Sunod na lumipat ang tingin ko kay Jacob na walang kamalay-malay na may tao pala sa kanyang likuran at akmang hahampasin siya gamit ang hawak nito. May hawak itong baseball bat at malapit na iyon tumama sa kanyang ulo.

Still holding my breath, I threw the dagger. Bumulusok iyon at bumaon sa kamay nung lalaking akmang aatakihin si Jacob.

"AAAAAAHHHH!!!!"

Napakurap ako at malakas na suminghap. Tumibok ng mabilis ang puso ko at bigla ay habol-habol ko na ang hininga ko. "Ha...Ha..." napalunok ako.

*TUG DUG! TUG DUG! TUG DUG! TUG DUG! TUG DUG! TUG DUG! TUG DUG! TUG DUG!*

Noon lamang bumalik sa tamang bilis ang paligid. "Ha...Ha...Ha..."

"This fucker!" buong pwersang tinapakan ni Jacob ang sugatang kamay nung lalaki. Malakas niya itong sinuntok sa mukha nang magsisisigaw ito sa sakit. "Ang ingay mo!" pinulot niya ang nabitawan nitong baseball bat at tumingin sa akin. "Pandak. Hindi pwedeng ako lang ang matitira. Itong mga 'to..." idinuro niya ang mga taga-Weapon class na hindi agad nakakilos dahil sa nangyari. "...Bumagsak na sila. Ibig sabihin lang niyon ay mahihina sila. Mukhang determinado silang bumawi pero papayag ka ba?" hindi ako nakasagot agad at nagsalubong lang ang aking kilay. Ipinatong niya ang baseball bat sa kanyang balikat at ngumisi. "In Adrenaline Class, we rip the wings of the birds who are not meant to fly."

Huh? Sinasabi niya? Imbento.

"Well, in Weapon Class..." isa sa kanila ay nagsalita. "We rip our own wings if we dare to give up."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 20 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ADRENALINE CLASSWhere stories live. Discover now