ELLE JAY's POV
"Hmm." pinagmasdan ko si Jacob nang makabalik kami sa upuan namin. Kunot na kunot ang kanyang noo at napapansin kong patingin-tingin siya sa paligid. Parang may hinahanap. "Hey. Okay ka lang?" kalmado at mahina kong tanong.
Nilingon niya ako at tinaasan ng kilay. Ang sungit talaga nito. "I'm fine." tipid niyang sagot pero halata namang hindi siya mapakali.
Anong bang nangyayari sa kanya? Natatae ba siya? Kumunot rin tuloy ang noo ko. Bakit kaya siya nandoon sa labas ng CR? Was he waiting for me? May tinatago rin naman palang kabaitan ang lalaking ito.
*CLANG!*
Napakurap ako at mabilis na tumingin sa stage. Nagrarambulan ang Weapon Class. All of them have their own weapons and attacking each other. Natigilan ako at namangha sa pinapanood. "Amazing..."
Bawat armas nila ay may inilalabas na aura. Iba't ibang kulay iyon at ngayon lang ako nakakita non. It looks unreal. Pakiramdam ko ay dinadaya lang ako ng paningin ko. Pero hindi ko magawang kumurap dahil napakaganda ng mga ito. Parang nangati pa nga ang palad ko at gustong makahawak ng isa sa mga armas na meron sila.
"Look at that guy with a buzz cut. He's been standing out since earlier." rinig kong kausap ni Bbibi kay Glenn. Nasa likod namin sila at mukhang nagugustuhan din nila ang labanan na nangyayari sa stage.
Hinanap ko naman 'yung lalaki na tinutukoy nila. Mabilis ko naman itong namataan dahil siya lang ang mabilis na nakakapagpatumba sa bawat kalaban na makakaharap niya. Sumeryoso ng kaunti ang aking mukha. "...Mabigat ang mga kamay niya. Siguro ay galing sa kanya ang pwersa na naramdaman ko kanina." bulong ko sa aking sarili.
He's strong. Intimidating as well. Lalo na doon sa claw marks na nasa kanyang mukha. Actually, he has claw marks in his arms too. What could've happened for him to have those scars? Mahahalata mo ring marami na siyang karanasan sa pakikipaglaban dahil ang kanyang mga kilos ay walang pakundangan.
Lagpas kalahati na sa kanila ang mga natumba. Ang mga nabitawan nilang mga armas ay agad ring nawalan ng aura. Tumingin ako sa hologram na nasa aming itaas. Wala naman akong nakitang timer. Tanging Weapon Class lang ang nakalagay doon.
Nang biglang, "Aspiring students from Theory Class. You may now enter."
Nanlaki ang aking mata. "Huh?" nagtataka kong bulalas.
Tumingin ako kay Jacob at tumaas din ang isang kilay niya pero hindi naman siya mukhang nasorpresa. Sunod akong tumingin kila Bbibi at Glenn na sumeryoso lang ang kanilang mukha.
Ibinalik ko na lang ang tingin kay Jacob at siya na lang ang kinausap ko. "Bakit ganon? Hindi pa naman tapos ang Weapon Class?"
Hindi niya ako nilingon pero mukhang narinig naman niya ako. "..I don't know."
Tumingin ako sa mga nanonood na naghihiyawan. Sunod ay tumingin ulit ako sa stage. "Look, hindi pa umaalis ang mga taga-Weapon Class pero nandoon na ang Theory Class. What's going on?" gulong-gulo ko na talagang tanong.
"I'm not really sure."
"But..."
"Just watch, pandak. Mamaya ay matatawag din tayong dalawa doon."
Napatikom ako ng bibig at naguguluhan na lang na bumalik sa pagkakasandal ko sa upuan. Doon sa stage ay nakita ko si Coleen.
Napatingin siya sa may pwesto ko. Nang maaninag niya ako ay kumaway-kaway siya sa akin. Nabasa ko pa ang bibig niya na nagsabi ng, "Hi, Elle Jay!"
YOU ARE READING
ADRENALINE CLASS
FantasyA world beyond the understanding of humanity will unfold. The secrets untold about the unreal potential of humans will determine the fate of the world. Are you really human? What makes you human? A special school with a special class hidden from the...