ELLE JAY's POV
"Hmm." napahawak ako sa tiyan ko at hinimas-himas iyon. "Kanina pa ako pabalik-balik sa banyo at nagdudumi. Bakit kaya?" bulong ko sa hangin.
Tumingin-tingin ako sa paligid at wala namang tao. Ako lang mag-isa. Umupo ako sa lapag at tumulala.
Nandito ako ngayon sa isang malawak na field dito sa gubat. As usual, nasa labas pa rin kami ng main campus. Sigh. Tiningala ko ang South Wing building at muling bumuntong-hininga. Kailan kaya kami makakapasok sa loob? I think deserve naman namin mag-aral doon, hindi dito sa labas.
T_T
Huminga ako ng malalim at nagconcentrate. Bbibi was so patient with me teaching about how to activate or manifest my ability. Paano kung wala pala? Edi mukha akong ewan nito. Nagpapagod lang sa wala.
I suddenly remembered Bbibi's words from yesterday.
"Efforts and hard work will never fail you. Be consistent, Elle Jay."
Kumuyom ang kamao ko. She's right. Be patient, Elle Jay. Sabi nga ng paborito kong PPOP girlgroup-- "Buhay ay 'di karera." pakanta kong sabi at nagbreakdance sa utak ko.
Breathe in. Breathe out. Feel the unknown flow of energy running through your veins, Elle Jay.
*TUG DUG!*
*TUG DUG!*
*TUG DUG!*
Natigilan ako. May narinig kasi akong mga yapak ng paa sa hindi kalayuan. Nasa harapan ko lamang nagmumula ang tunog na iyon at ngayon ay nakatuon ang buong atensyon ko sa mga kumpulan ng halaman. Is it one of those forest wolves?
Despite being a little bit distracted, ipinagpatuloy ko pa rin ang ginagawa ko. Naningkit ang aking mata. What's that? Tumatagaktak na ang pawis sa aking noo at parang mas tumatalas ang pandinig at paningin ko.
*TUG DUG!*
*TUG DUG!*
*TUG DUG!*
*TUG DUG!*
"I think you have a wind attribute, Elle Jay. Hindi ako masyadong sigurado but during our spars, the wind goes to your direction and helped you dodged my attacks smoothly like it's natural. I may be wrong, though."
Wind attribute. That's amazing. Unbelievable, even. But still, I don't know how to use this power. I am not even aware not until Xyrin pointed it out. Pero hindi siya sigurado kaya hindi rin ako sigurado.
What's the point of trying something I am unsure of?
Huminga ako ng malalim. Focus, Elle Jay. Kapag nagpakita ang lobong iyon na nagtatago sa likod ng mga halaman, patamaan mo ito ng marahas na hangin!
Mas lalong kumuyom ang kamao ko nang may makita na akong anino at papalapit ito sa direksyon ko.
The question is...would I be able to do that? Ito ang unang beses na susubukan kong gamitin ang windy windy na ito. What if guni-guni lang pala 'yon ni Bbibi at may bagyo pala talaga kaya mahangin?
I clenched my jaw. Mabagal itong naglalakad na parang zombie. I gulped and tried to form a ball of wind. Ramdam ko ang pag-ikot ng hangin sa palad ko at unti-unting may nabubuong bolang hangin dito. Hindi ko magawang matuwa dahil sa nagawa ko dahil dito sa kung anumang nilalang na ito.
Saglit na bumaba ang tingin ko sa aking palad. Mukhang hindi ito gaano stable kasi nag-iiba ng shape. What wonders me the most is I'm able to see the flow of the wind. Like, hello? I think I'm amazing?
YOU ARE READING
ADRENALINE CLASS
FantasiaA world beyond the understanding of humanity will unfold. The secrets untold about the unreal potential of humans will determine the fate of the world. Are you really human? What makes you human? A special school with a special class hidden from the...